19 CEO

2.9K 48 6
                                        


Nakatulala lang ako habang nakatingin sa kaniya. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko sa pagpipigil ng pagngiti.

Wtf! Hindi dapat ako papadala sa pinagsasabi niya. Magpapakasal na siya for Pete's sake.

Kumalas ako sa pagkakabuhat niya. Hindi naman niya ako pinigilan. I faced him and stared at him for a few minutes.

I want to ask him kung bakit siya nandito. I want to ask him kung bakit sa dinami-rami ng pwede niyang puntahan ay dito pa sa bar nila Micah.

He looked at me emotionless. Hindi mababakas ang kahit na anumang emosyon sa mukha niya. Na para bang hindi niya ako kilala.

"What are you doing here?" I asked him bago pa man ako maduwag sa pagtanong sa kaniya. Gusto ko siyang sumbatan. Gusto kong ipamukha sa kaniya na ako 'yong sinayang niya. Na siya 'yong nawalan at hindi ako.

He didn't answer me but just looked at me.

"What are you doing here?" I asked him again, baka sakaling hindi niya ako narinig sa una kong tanong.

But to my dismay he asked me the same question.

"How about you, what are you doing here Kassandra?" Puno ng pait na tanong niya. Sa pagbanggit pa lang ng pangalan ko ay damang-dama ko na ang sakit na nararamdaman niya.

I wanted to laugh on what I thought. Siya? Nasasaktan? The eff. Ako ang naiwan sa ere. Siguro nga ako ang nang-iwan nang walang pasabi pero siya 'yong hindi naghintay. Siya ang humanap ng iba habang ako, siya lang. Siya lang 'yong laman ng puso ko. Siya lang ang lagi kong iniisip.

We stared at each other. Walang sumubok na umiwas ng tingin. Ni hindi ko na nga magawa pang kumurap eh.

For three years na hindi ko siya nakita, lahat ng galit na itinanim ko sa dibdib ko ay parang naglaho na lang bigla. All I want to do is hug him. Kiss him. And tell him how much I missed him. But I can't. I can't do those things because he is not mine. Hindi na siya sa akin. Hindi na siya ang Jack na nagmamahal sa akin dahil pinili niya ang magmahal ng iba. Pinili niya ang saktan ako.

"Bakit ka pa bumalik?" Sa tanong niyang ito ay parang gumuho ang mundo ko. Napakasimple lang naman ng tanong niya pero napakahirap sagutin.

Parang gusto niyang hindi na lang sana ako bumalik. Ang sakit. Ang sakit-sakit isipin na gano'n ang iniisip niya.

I smiled at him. I will not let him see me cry. Ayokong makita niyang nasasaktan ako. Ayokong ipakita sa kaniya na may nararamdaman pa rin ako sa kaniya. Na hindi naalis ang pagmamahal ko sa kaniya kahit ilang taon na ang dumaan.

"This is where I belong. It's my home." I answered him. Kung wala siyang pinapakitang kahit na emosyon ay gano'n din ang ginawa ko. Hindi ako papatalo sa kaniya basta-basta.

Before he could utter a word, a sexy, gorgeous and sophisticated lady came. I swear, bigla akong naging tomboy nang makita siya.

"Hon, what are you doing here? Common, Nate's waiting for us." I bit my lower lip. Gusto kong matawa. Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko lang dahil iniisip ko na siya ang nawalan. Nagkamali ako. Ako ang nawalan, dahil siya may ipinalit na sa akin na napakaganda. Tipong hindi ko kayang talbugan.

The girl looked at me and she smiled. A genuine smile. Hindi niya deserve ang masaktan. Hindi ko kayang makita siyang masaktan dahil sa akin. Kung magbabalak man akong maghigante ay parang di ko kayang gawin dahil parang anghel ang babaeng ito.

Nanggagalaiti man ay sinubukan ko pa ring ngumiti sa kaniya. Mas lalo akong nakadama ng inggit. Ibang-iba siya sa akin. Hindi pwedeng maihalintulad sa akin dahil walang-wala ako sa kaniya.

Seducing Him BOOK1&2 (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon