16 SPG

3.9K 48 5
                                        

Warning: rated r.

Hindi na ako nakaangal pa nang binuhat ako ni sir Jack papasok sa condo niya.

Nakita ko namang nakangiti at parang kinikilig-kilig pa ang kapatid niya.

I smiled at her at pilit na nilalabanan ang hiyang nararamdaman ko.

When we reached the door ay dali-dali na akong bumaba sa pagkakabuhat niya at inayos ang sarili. Ayoko namang makita ako ng mga in-law ko na buhat-buhat pa ni sir. Baka major turn off 'yon para sa kanila noh.

His sister opened the door and went inside leaving us outside the condo.

Humakbang na papasok si sir Jack at bago pa ako makapagsalita ay hinila na niya ako kasama niya papasok sa loob. Ni hindi na nga ako makangiti ng maayos dahil pinipilit ko lang ang sarili kong ngumiti. Hindi maalis-alis ang kaba ko eh.

I looked around his condo. It's my first time here. I saw a couple sitting on the sofa and before I could realize who they are, they kissed and hugged sir Jack.

"Naku iho, namiss ka namin ng sobra ng papa mo." sabi ng isang hindi naman ganun katanda kay sir Jack. I can see that she is older than my parents but still, she is gorgeous. Kitang-kita pa rin ang pagka-elegante nito at kahit na may edad ay masasabing napakaganda nang dalaga pa ito.

"I missed you too, ma, pa." he answered and kissed them on their cheeks.

"kung namiss mo kami, bakit di ka man lang dumadalaw sa bahay?" balik-tanong ng ginang na para bang nagtatampo sa anak.

"Iho, you should stop teaching, mas kailangan ka ng kompanya." his father said. Mukhang istrikto ang papa niya ha.

Bago pa makasagot si sir ay napansin na ako ng ginang na nakatayo lang sa gilid na para bang tuod dahil hindi na ako gumagalaw dala ng kaba.

Hindi ko alam kung ngingiti ba ako sa ginang dahil napakaseryoso nito nang tumingin sa akin at para bang kakainin ako ng buhay. Ngumiti na lang ako kahit na nararamdaman ko ang kakaibang kaba.

Yumuko ako nang hindi man lang ito ngumiti...

"Who is she son?" his father asked him. Dinig na dinig ko sa boses nito na para bang hindi nagustuhan ang pagdala sa akin ni sir sa condo niya.

"Ah. She's Kassandra Pascua. My student." Parang bigla akong nakadama ng sakit ng pinakilala niya ako bilang estudyante. Akala ko pa man ay ipapakilala niya akong girlfriend katulad ng pagpapakilala niya sa sarili niya sa mga magulang ko.

Ang assuming mo kasi bulong ng utak ko sa puso ko. Charot

Tumaas lang ang kilay ng papa niya habang ang mama niya ay unti-unting ngumingiti na para bang tuwang-tuwa sa akin.

"Is she really your student Jack?" Hindi maalis-alis na ngiti ng ina niya.

Hindi na sumagot pa si sir at ngumiti na lang sa kanila na para bang sa isang ngiti at tinginan lang ay nagkaintindihan na sila..

"Welcome to the family iha." hindi ko naintindihan ang sinabi nila dahil naramdaman ko na lang na yakap-yakap na ako ng ginang.

"You look beautiful iha."

Namula naman ako dahil sa sinabi niya at dahil na rin sa pagtitig nito sa akin.

"Thank you po ma'am." Magalang kong sagot kahit na hiyang-hiya na ako.

Hindi ko maiwasang mailang sa pagtitig nila sa akin. Ganito ba talaga sila? Pag nakakita ng diyosa, napapatitig na lang?

Naupo na kami sa hapag nang handa na ang pagkain. Sinabi ko naman na sa kanila na uuwi na lang ako dahil baka naabala ko ang family gathering nila ngunit hindi sila pumayag.

Seducing Him BOOK1&2 (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon