29

2.9K 40 5
                                    

One week has passed ngunit wala na naman akong balita tungkol sa kaniya. Isang linggo na nung may nangyari sa amin ngunit parang isa lamang 'yong panaginip.

Nagising ako kinaumagahan nun nang mag-isa sa inn. Walang bakas na kasama ko siya. He just dropped me off after nang nangyari sa amin. Nakakalungkot lang. Wala na talaga akong halaga sa kaniya na kahit katiting. Dahil kung talagang may nararamdaman siya sa akin ay sana hindi niya ako iniwan. Ni hindi niya rin nagawang kamustahin man lang ako.

Shit. I want to cry.

Ito ang napapala ko sa pag-assume eh.

Napabuntong-hininga na lang ako nang kalabitin ako ni Hillary. I looked at her while my brows are raised.

"What?" Pasinghal na utas ko sa kaniya.

She pointed her finger at my front. I looked at the direction her finger is pointing.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita siya. Shit. Kung kailan stress na stress ako ay tiyaka naman siya magpapakita.

"J-ja-jack!" Nauutal-utal kong sabi na hindi ko na rin mapigilan ang saya sa akin.

"Ano ka ba Kass, customer 'yan, wag mong tawagin sa pangalan kahit na kakilala mo pa." Bulong ni Hil.

Doon naman ako parang nagising sa kasiyahang nararamdaman. I want to cry na talaga. Akala ko pa naman nandito siya para sa akin. 'Yon pala gusto lang ng kape.

I looked at her with my pilit na pilit na smile.

"Good morning sir, may I take your order?" Malamig na sambit ko. Iniwasan kong mapatitig sa mga mata niya.

"One espresso, and one machiatto please."

I bit my lower lip. Gusto kong isigaw kung bakit dalawa ang order niya? Ano 'to may kameet ba siyang babae at ibibigay niya ang isa? Actually, hindi ko alam kung sila pa ba ni Ley o kung natuloy na ang wedding of the century.

"One espresso, one machiatto sir?" Ulit ko sa order niya. He just nodded his head and waited for the coffee.

I punched his order and made his order. Kung pwede lang sana ay ginawa ko nang sobrang pait 'tong kape niya eh. Para naman maramdaman niya ang kabitteran ko.

I immediately gave him his order para naman makaalis na siya sa harapan ko. Nabubulag ako sa galit eh. Pag nakita ko ang kabit niya sisiguraduhin kong siya ang pakukuluan ko sa susunod, hindi na ang kape.

He took his espresso but the machiatto was still on the counter. He did not take it. He sat on one of the chairs na malapit lang sa counter.

Dali-dali ko namang kinuha ang kape para maibigay sa kaniya. Baka kasi nakalimutan lang niya.

Nang makalapit ako ay basta ko na lang inilapag ang kape sa harap niya. He looked at me at what I've done. Pinagtaasan ko lamang siya ng kilay at nang akmang aalis na ako ay hinablot niya ang kamay ko at pinaupo sa tabi niya.

"You drink that one. I know that you did not eat breakfast." He said while he's busy taking off his laptop from its bag.

"Ha?" Parang nabingi ako sa sinabi. Sinabi niya bang mahal niya ako? Charot.

"Ah. Sir, barista ako. Hindi ako pwedeng itake out." I said out of the blue. It's like my statement was the best answer to him.

He rosed up his one brow and looked at me amused.

" i did not tell you I want you to take home. I just want you to drink that coffee." Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

Shit. Siraulong utak at bibig ko. I did not know na nautas ko na ang nasa utak ko lang.

Namula ako sa way ng pagtitig niya kaya basta ko na lang ininom ang kape at napabuga nang mapaso ang labi at dila ko. Shit. Katangahan nga naman oh. Nakalimutan kong mainit yong kape dahil sa kahihiyan.

"You okay?" He asked while trying to make me face him.

Inilalayo ko ang mukha ko dahil sa katangahan ko.

"Please, I want to know if you're alright." He said. Hindi niya pinakawalan ang mukha ko at tumitig lamang sa akin na tagos hanggang buto.

"O-okay l-lang ako. Don't worry." Sabi ko sa maliit na boses.

He traced my lips using his finger na para bang inaalis ang sakit na nararamdaman ko. Napaawang ako ng labi nang lumapit ang mukha niya sa akin at sinuri ang labi kong namumula dahil sa pagkapaso.

I tried to push him but I couldn't. Masyado siyang malakas kumpara sa akin.

Pinaghiwalay niya ang mga labi ko gamit ang daliri niya upang makita ang dila ko.

Hindi ko tuloy mapigilang mamula dahil sa ginagawa niya. Masyadong malapit ang mukha niya sa akin at sa isiping nasa pampublikong lugar kami na maaaring makita ng mga tao ang ginagawa niya sa akin ay nagdulot ng sobrang kahihiyan sa akin.

I should push him right? Pero parang tanga ang mga kamay ko na ipinatong ko lang sa braso niya.

"Open your mouth."

"H-ha?" Napapantastikuhang utas ko. Hindi niya ba napapansin na pinagtitinginan na kami ng mga tao dito?

"Just open your mouth baby." His order makes me a total stupid. Isang salita niya lang ay napapasunod na ako sa gusto niyang gawin.

I opened my mouth for him to see my tongue. Inilabas ko pa ito upang mas makita niyang mabuti. Kahit man nakakahiya na, na nagmumukha na akong aso dito ay wala na akong pakialam kung si Jack naman ang nag-utos.

Sinuri niyang mabuti ang dila ko at nang masiyahan siya ay lumipat ang titig niya sa aking mga mata.

Mukha na siguro akong baliw dahil hanggang ngayon ay nakanganga pa rin ako habang nakatitig lamang sa kaniya. Muntikan ko na ngang makalimutan na nasa trabaho ako kung hindi lang ako tinawag ni Hillary.

"Huy, asong gala. Halika na, maraming customer" ni hindi na nahiya ang bruha at basta na lang akong tinawag.

Napahiya pa tuloy ako kay Jack kaya nakayuko akong umalis sa tabi niya at nagpunta na sa counter.

"Anong drama niyo dun nung boyfriend mo?" She asked me.

Hindi ko na lang siya pinansin at inasikaso na lang ang mga customer kahit na nanlalambot ang mga tuhod ko at parang matutunaw na ako sa kinatatayuan ko dahil sa pagtitig ni Jack sa akin.

Kahit anong pagpipigil kong huwag mapatingin sa kaniya ay napatingin pa rin ako sa kanya at nakita ko siyang seryosong nakatingin lamang sa akin.
------
Hey. One last chapter. Salute!p

Seducing Him BOOK1&2 (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon