Claire Kezia above☝
Claire's POV
"Pag bilang kong lima, sisipain na kita.." natatawa ako sa itsura ng babaeng kulugo na takot na takot sa akin.
"Isa.."
"Dalawa.." Pinulot niya ang mga cheap niyang gamit na nakakalat sa sahig.
Bag ba talaga yung nakikita ko? So cheap! Mukhang sako. Yuck. Hindi na nahiya sa Louis Vuitton bag ko.
"Tatlo..." Natataranta siyang pinunsan ang salamin niya.
What a nerd. Napakakapal ng salamin niya. Di ba uso ang contact lense sa kanya? How poor.
"Apat..." Dali-dali siyang tumayo mula sa pagkakalagapak sa sahig habang dala-dala ang napakarami niyang gamit ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakatayo ay pinatid ko na siya ng paa ko kaya bumagsak ulit siya sa sahig.
"Too slow. " Binuhusan ko siya ng napulot kong mango juice dito sa canteen at narinig ko naman ang tawanan ng mga tao sa paligid ko habang yung iba naman ay napapasinghap ngunit walang nagtangkang pigilan ako.
Subukan lang nila. Matitikman talaga nila ang bagsik ng queen bee na to.
Sinipa ko ang nerd sa sahig bago ko siya inirapan.
"Sa susunod, tumingin ka sa dinadaanan mo para hindi ka nagkakaganyan, okay?" At pinisil ko ang pisngi niya gamit ang dalawa kong kamay bago ako umalis.
Huh. How I hate weak people.
Pumunta muna ako sa washroom para mag hugas ng kamay bago pumasok sa room ng first class ko.
"Hay nako claire! Hanggang kelan ka ba magiging ganyan?" Bungad sakin ni ashley, my besty.
"What 'ganyan'? What did I do now?" Irita kong tanong.
"Nabangga kalang nung freshman na girl na yun and then you kicked her and spilled a juice to her. Are you that heartless, huh?" Napairap ako sa sinabi niya.
"Seriously, are you my mom? Just shut up kung wala kang magandang sasabihin." nilapag ko na ang bag ko at umupo na sa chair ko na katabi niya.
"Maldita ka talaga kahit kailan!" Nakapamewang na sabi niya sakin. "Hindi ka ba talaga marunong maawa, ha?"
"How many times do I have to tell you, marunong akong maawa sa kaawa-awa pero hindi sa mga tanga, okay? Eh she's so stupid naman kasi, its her fault she didn't saw me that's why she bumped to me. It hurts kaya!" Depensa ko sa sarili ko.
"Whatever you say bitch." Sumusukong sabi niya bago naupo sa tabi ko.
Hindi pa ba siya sanay sa ugali kong to? She's really getting to my nerves whenever she keeps on blabbering about stupid shits. Nakakairita na. Pasalamat talaga siya at bestfriend ko siya dahil kung hindi.. nako.
This is who I am at hindi na ako magbabago, like ever.
BINABASA MO ANG
Never Enough
Teen Fiction"For the first time in my life, I've chose to risk my everything just to give you my all and that's what I regret the most Why do you always make me feel like I was never enough?"