Elijah's POV
"Matt naman eh! Ang damot mo naman eh!" Nakakainis to si matthew ayaw akong bigyan ng binili niyang isang box ng pizza!
"Bumili ka mag-isa mo! Nandun pa sila Caleb at Asher sa canteen. Pumunta ka na dun para manahimik na yang bunganga mo. Para kang babae eh. Ang kulit." Asar na sabi nito at umupo sa sofa.
Nandito kami ngayon sa tambayan na exclusive lang para saming magkakaibigan. Wala pang nakakapasok dito bukod samin at sa dalawang babae na wag na nating pag-usapan pa.
Ugh! Naiirita talaga ko kay matthew! Tinatamad nga akong pumunta sa canteen eh. Ang lawak-lawak kaya ng grounds na tatahakin mo bago mo marating yun at tirik na tirik pa ang araw ngayon huh. Ewan ko nalang kung di ako himatayin sa gitna ng grounds at di na ko magtataka kung kinabukasan lang ay nasa bulletin board na ang mukha ko.
Gwapong si elijah mason west natagpuan nahimatay dahil sa gutom at init ng araw.
Bumukas ang pintuan at sabay kaming napalingon dun ni matthew.
"Yo! Yo! Yo! Mah bro!" Wika ni Asher na may bitbit na tatlong box ng donut sa kaliwang kamay at lasagna naman sa kabila niyang kamay habang si Caleb naman ay may hawak na dalawang bucket ng chicken.
"Waaaaah. I love you talaga mga bro . Alam ko namang di niyo ko kayang tiisin kaya binilhan niyo na ko ng pagkain eh. Buti pa kayo, naaawa sakin. Eh itong isang to kahit yata mamatay ako sa gutom hindi ako papakainin eh!" Parinig ko kay matthew na inambahan lang ako ng suntok at bumalik na ulit sa pagkain ng pizza.
"Nasanay na kami sa taglay mong katamaran eh." Sabi naman ni Caleb at inabot sakin ang isang box ng donut.
Nagningning naman ang mga mata ko ng makita ko ang donut at agad na kinain ito.
"Oo nga pala nasan si Grey?" Tanong ni Caleb samin.
Oo nga no. Nasan na nga ba yung lalaking yun. Pagkatapos ng walk-out scene niya sa room kanina ay di na namin siya nakita sa mga kasunod na subject hanggang ngayon, lunch na.
"Baka labas na nag-lunch. Hayaan niyo na babalik din yun mamaya." Sabi naman ni matthew.
"Grabe no. Kakaiba din si claire eh no. Ni hindi man lang natakot kay grey. Nakakabading mang sabihin pero kahit ako ay natakot sa awra ni grey kanina tss." Sabi pa ni Caleb
"Bading ka naman talaga eh. " Pang-aasar ni matthew dito. "Pero seryoso, lahat naman talaga ay matatakot sa itsura ni grey kanina eh. Pero bakit kaya ganon no, napakababaw lang naman ng pinag-awayan nila ni claire pero pinatulan parin siya ni grey. Di naman niya ugali yun ha? Kadalasan ay tinatalikuran niya lang tayo pag wala nang kwenta ang pinag-uusapan natin, pero bakit kay claire?" Dugtong pa ni matthew.
Pansin ko din. Di naman ganon kababaw si grey para mainis kay claire dahil lang sa upuan. At isa pa, para kay grey, walang kwenta lahat ng bagay sa paligid niya kaya't mabilis siyang mawalan ng interest sa lahat ng bagay at usapan.
At isa pa ulit, ayaw na ayaw non na kumausap ng kahit sinong babae. Saming lahat, siya ang pinakagustong-gusto nang mga babae ngunit siya din ang pinakamailap sa mga babae at halos lahat rin ng mga babae at lalaki dito sa school namin ay takot sakanya.
Tignan ka palang ng napakalamig niyang mata, ewan ko nalang kung kakayanin mo pag titig sakanya.
Kaya kahit gaano paman siya kagusto ng mga babae dito ay walang nagtatangakang laiptan siya dahil natatakot sila rito at palagi lang niyang pinagtatabuyan ang mga ito paalis.
Naalala ko nga nung isang beses na may isang babaeng nagtangakang lapitan siya, binigyan siya nito ng cake na yung babae mismo daw mismo ang gumawa. Nagulat kaming apat nung kinuha ito ni Grey. Wow, first time. Isip-isip ko non. Pero mas nagulat ako ng isubsob ni grey ang mukha ng babaeng yun sa cake atsaka niya binitawan ang cake at naglakad palayo. Naiwan ang babae dun na umiiyak at puno ng icing sa mukha habang pinagtatawanan ng mga taong nakakita.
Wala naman akong magawa nung mga panahon na yun kundi aluin nalang ang babae dahil alam niyo na, takot din ako kay grey eh hehe, secret lang natin yun ha?
"Maiba nga tayo, nasabi na ba sainyo ni coach na may practice tayo mamaya after dismissal?" Tanong ni asher.
"Hindi pa. Pero di na niya kailangang sabihin, alam na namin." Sarkastikong sabi ko.
"Talaga? Pano niyo nalaman na may practice tayo? Manghuhula ba kayo?" Amaze na amaze na tanong ni Asher.
Napa-face palm nalang kaming tatlo sa kashungahan ni Asher.
"Sinabi mo na eh!" Sabay-sabay na sabi naming tatlo sakanya.
"Wala akong sinasabi ha! Pano niyo nga nalaman?" Pangungulit pa ni asher.
"Wag niyo nalang pansinin. Wala tayong mapapala diyan." sabi samin ni matthew.
"Wala nang pag-asa tong isang to." Naiiling na sabi ni caleb.
Di na yata talaga magbabago itong si Asher.
"Siguro naman nasa training mamaya si Grey? Captain siya eh." sabi ko.
Napatango-tango naman si matthew at caleb sa sinabi ko.
"Maiba nga tayo. Elijah may gusto ka ba talaga kay claire? Grabe yung moves mo kanina bro eh halik agad sa pisngi." Naalala ko na naman yung kanina sa parking lot dahil sa tanong ni caleb.
Hmm.. well, honestly hindi naman talaga mahirap magustuhan si claire. Kakaiba siya sa mga babaeng nakilala ko. Matapang siya at kayang ipagtanggol ang sarili niya kaya naman unang kita ko palang sakanya kanina ay naagaw niya na kaagad ang paningin at atensyon ko.
Ngunit may isang tao na mas nakaagaw ng paningin ko habang tinitingnan ko si claire.
Kaagad akong nakaisip ng plano sa utak ko kaya't nilapitan ko agad si claire.
Kung ano yung plano ko? Malalaman niyo rin pero di muna ngayon okay.
"I like her." Tipid na tugon ko at nginitian si caleb.
BINABASA MO ANG
Never Enough
Teen Fiction"For the first time in my life, I've chose to risk my everything just to give you my all and that's what I regret the most Why do you always make me feel like I was never enough?"