Claire's POV
"Isa, dalawa, tatlo ang toothpaste na Ito." Elijah.
"Apat, Lima, Anim nagkamali sa pagtikim." Asher.
"Shut up you two!" Naiiritang sigaw ko sa dalawang kasama kong to. Kanina pa kasi sila walang tigil sa pag kanta ng mga kanta sa commercials.
"Help beat energy energy gap, beat energy gap drink..." Panimula na naman ni elijah.
"Milo everyday! Milo everyday." Dugtong pa ni asher habang sumasayaw silang dalawa dito sa cafeteria.
Kinindatan ni Elijah yung isang babaeng kilig na kilig na nakatingin sa kanya at namula naman yung babae.
Tss. Kinilig na siya dun?
Napatingin ulit ako sa phone ko. Nagaabang kasi ako ng call from Ashley. Sabi niya kasi magvideo call daw kami and since break time ko naman, pumayag ako.
Maya-maya lang ay tumatawag na si Ashley agad ko naman yung sinagot.
"OMG, GIRL! HI!" Bati niya sakin habang kumakaway.
Kumaway din naman ako pabalik. "Kamusta ka naman?" Taas kilay kong tanong sakanya.
"Okay naman, as ever. Ang taray mo ha, Kala mo ang ganda mo!" At tumawa ng malakas ang bruha.
No doubt, ok na nga siya. Nang-aasar na naman eh.
"Excuse me, kung ganda lang din naman ang pag-uusapan, aba lalayo ka pa ba, kung diyosa na ang nasa iyong harapan?"
"Haha. Ang funny mo talaga Claire." Tugon nito sakin at kunwari pang hinampas ang camera.
"Ahem ahem." Papansin na ubo ni elijah.
"Ano may tb ka na? Mag-dots ka na!" Pang-asar ko sakanya.
"Pag nag-dots, tb nagagamots.." Kanta na naman nito habang sumasayaw na naman.
"OMG. IS THAT ELIJAH MASON R. WEST? YUNG ISA SA PLAYERS NG RED STORM? OMG I'M GONNA DIE!" Kilig na kilig naman si Ashley.
Napabaling naman ako sa kabila at napansin kong biglang nanahimik si asher. Anong problema nito?
"Sige. Sagot ko na kabaong mo." At kinindatan ko si Ashley.
"Ang sama mo talaga! I didn't mean it literally!" Sabi nito at nag-pout. Tss. Pa-cute pa tong isang to eh. "Pakilala mo ko bitch." At tinaas-baba pa ang kilay niya.
Inirapan ko naman siya.
"Ashley this is elijah, elijah this is Ashley Kaye N. Greston, my cousin slash best friend." Walang ganang pakilaka ko.
"Hi, nice to meet you." Kumaway si elijah Kay ashley.
"Omg, kinikilig ako. Wag kang ganyan, please! Kyaaaah." Humawak sa pisngi niya si ashley habang kilig na kilig.
"And oh ashley!" Naalala kong kasama ko din pala si asher. "This is asher. Asher this is ashley." Tinapat ko ang camera ng phone ko Kay asher.
Nakita ko namang biglang nawala ang ngiti ni ashley at umiwas naman ng tingin si asher sa camera.
"A-ah e-eh ano c-claire. May gagawin pala ako, ngayon ko lang naalala. N-next time nalang ulit ha. Nice meeting you elijah at a-asher. Bye!" Hindi pa man ako nakakapagbye ay inend na nito ang video call.
Okay? That was weird.
Nevermind. Mag-aapply muna ako ng lipstick sa restroom.
"Punta lang akong restroom." Paalam ko at agad naman silang tumango.
Pagkatapos ko sa restroom ay naisipan ko namang bumili ng frappe sa coffee shop sa tapat ng campus.
Nang pabalik na ako sa campus ay may nadaanan ako sa parking lot na isang lalaki na nakasandal sa motor habang naninigarilyo.
Teka nga, si Grey Yun diba?
"Grey!" Tawag ko dito. Tumingin Ito sakin saglit at umiwas ulit ng tingin.
"Hoy ano ka ba naman! Fourth year hs ka palang naninigarilyo ka na. Nakakasira yan ng lungs alam mo ba Yun, ha? Ibig sabihin lang non maaga kang mamamatay pag pinagpatuloy mo yang paninigarilyo mo. Ano, ha? Nagpapacool kid ka lang ganon? Di na kailangan no! Dinaig pa nga ng mga mata mo ang temperature sa Canada sa sobrang lamig nit--"
Napatigil ako sa pagsasalita ng halikan ako nito sa labi.
SA LABI!?
OMG HOW DARE HE! FIRST KISS KO YUN!
Pero bakit ganon, parang wala man lang akong maramdamang ni katiting na pagtutol? Sa halip ay tinugunan ko rin ang halik nito kahit di ako marunong ay sinundan ko nalang ang galaw ng bibig niya.
Nang humiwalay siya sa halik ay kinapos ako ng sobra sa hininga.
"You kiss like a lampost." Napaangat ako ng tingin sa walanghiyang Ito at-
Ow? Nakangiti siya.
OMG NAKANGITI SIYA.
ANG GWAPO NIYA, SWEAR!
first time to Hala.
Pero teka nga lang...
"Argh. I so hate you! That was my first kiss. Why did you kiss me?" Inis na tanong ko dito dahil ang iniimagine ko pa naman na first kiss ko ay yung sa romantic place, romantic ambience, may surprise, flowers, violin, under the moonlight.
Yeah, I know. May tinatagao rin akong kaugalian. At Yun ay ang pagiging hopeless romantic.
"Why did you kissed me back?"
Argh. Oo nga naman, bakit ba kasi Ako tumugon. Nababaliw na yata ako.
"I-i a-ah k-k-kasi.."
"Let's go?" Hinwakan ako nito sa kamay at nginitian ako. FOR THE SECOND TIME.
Sana ganyan nalang siya, palaging nakangiti. Super dagdag kaya sa kapogian niya, promise!
"S-saan?" Bakit ganito? Naghuhuramentado ang puso ko. Hala? Baka naman sasalvage-in ako nito? Hala ka! Ayoko pang mamatay! Gusto ko pang makagraduate as my batch's valedictorian at makatungtong sa college--
"Ano bang iniisip mo dyan? I won't harm you. " Napatigil naman ako sa pag-iisp ng mga Plano ko sa buhay ng magsalita siya. "We'll just go at the coffee shop, Nabitawan mo yung frappe mo sa sobrang pagkahumaling sakin eh." Kinindatan ako nito.
At kelan pa naging antipatiko ang taong yelong to?
May pakindat-kindat pa siyang nalalaman.
Kala niya naman kinilig ako
Well, konti lang, hehe.
BINABASA MO ANG
Never Enough
Teen Fiction"For the first time in my life, I've chose to risk my everything just to give you my all and that's what I regret the most Why do you always make me feel like I was never enough?"