Matthew's POV
"Huy!" Pagtawag ko sa pansin nito ni Grey.
Ampota kanina ko pa tinatanong kung nakita niya ba sila Elijah at Asher pero kanina pa nakatulala ang isang Ito.
Nai-snob ang kagwapuhan ko tampo na ko.
"What the fuck, Castillo! Hindi mo kailangang manigaw!" Inis na baling nito sakin.
Finally, napansin din ako.
Nandito kasi kami ngayon sa tambayan, actually kanina pa kami ni intsik dito kaso yung isang Yun naman ay may bago na namang kalandian sa phone kaya di ko rin makausap. At ngayon, eto nga pumasok din si Grey dito sa tambayan para lang tumulala.
Nasan na ba kasi yung dalawang ugok na Yun?
Di naman ako pwedeng makipagdaldalan dito Kay Grey dahil napakatahimik nito at walang kwentang kausap. At isa pa eh ano kasi medyo takot ako dyan eh. Hehe, oy secret lang Yun ha! Konti lang naman eh.
"Sorry naman par. So ano na nga, nakita mo ba sila?" Pangungulit ko pa.
"Mukha ba akong hanapan ng nawawalang unggoy?"
"Pft. HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Pota hindi ko mapigilang matawa sa sinabi ni Grey. First time niyang nag-joke ng ganon ah? Anong nakain nito? Lol HAHAHAHA
"May baliw lang kasing tumatawa dito wag mo ng pansinin babe." Rinig ko namang sabi ni Caleb sa kausap niya sa phone.
Binato ko siya ng remote at sapol naman Ito sa mukha niya na tinugunan niya lang ng isang matalim na tingin sakin. Tinaas ko naman ang middle finger ko sakanya habang natatawa-tawa pa.
Potek. Di ako makamove-on sa joke ni Grey.
"If you're thinking that was a joke, it wasn't. I was serious." Balik na naman Ito sa pagiging taong yelo niya.
"HAHAHAHAHAHAHA--"
Naputol ang pagtawa ko ng bumukas ang pinto at iniluwa non ang dalwang kumag na kanina ko pa hinahanap.
Nakalukot ang mukha ni asher habang kumakantakanta naman si Elijah with matching kendeng pa.
"Pota bading!" Pangaalaska ko sakanya pero di man lang ako pinansin at pinagpatuloy ang pagkanta-- pangaasar pala Kay Asher. Lukot na lukot naman ang mukha nitong isa.
"Bagong biyak na puso, masakit Ito. Nesfruta puso bakit? Ansakit!~" Kanta ni Elijah. Pinaltan niya pa talaga ang lyrics ng kanta sa nesfruta commercial.
"Saan ba kayo galing, ha?" Tanong ko.
"Sa cafeteria lang, kumain kasama si Claire. " sagot ni asher.
Napansin ko naman ang pag-angat ng tingin ni Grey Kay asher ng mabanggit nito ang pangalan ni Claire. Napansin ko din ang pagpipigil nito ng ngiti na tila ba may nakakatawang bagay na naalala.
Teka nga! NGITI? Nagpipigil ng ngiti si Grey? Tae. Mamatay na ba ko? Bakit nakakakakita na ako ng milagro?
Kelan pa natutong ngumiti ang isang to? Ang alam nga lang ng taong Ito ay ang tingnan ka gamit ang malalamig niyang mata.
Pero teka nga!
Tumayo ako at hinila si Caleb mula sa sofa na kinahihigaan niya.
"Huy! Ano ba! Wag po! Bata pa po ako." At hinarang pa nito ang braso sa dibdib niya.
Lahat nalang ba ng mga kaibigan ko, bading?
"Ulol. Asa!" At binatukan ko ito. "Samahan mo ko. Kain na tayo. Gutom na ko eh."
BINABASA MO ANG
Never Enough
Teen Fiction"For the first time in my life, I've chose to risk my everything just to give you my all and that's what I regret the most Why do you always make me feel like I was never enough?"