Claire's POV
"I. DON'T. WANT. ALIN BA DIYAN ANG DI MO NAIINTINDIHAN?" Bulyaw ko dito sa lalaking to na ubod ng kulit.
"Dali na please? Di ka pa nga nakakanood ng practice namin eh sige ka magtatampo kami nila Matthew sayo!" Pananakot pa sakin nitong bruhildo na Ito.
"Eh ano naman ngayon, Elijah?" At inirapan ko siya.
Padabog siyang umupo sa upuan sa harap ko habang nag-aayos na ako ng gamit para makauwi na ko.
At aba, ngumuso pa ang loko Kala mo naman nakakaawa siyang tingnan.
"Grabe. Wala ka na ba talagang care para samin? Hindi mo ba kami love! Alam mo ba, kami, lagi ka namang sinusuportaha--" kinuha ko ang notebook ko at tinapat sa bibig niya para matigil na ang kadramahan niyang papasa na yata Kay Charo.
"Oo na! Oo na! Ang drama mo pang bakulaw ka eh."
"Talaga?" At bigla naman siyang napatayo at nagningning ang mga mata.
"Oo na nga! Grr. You need to treat me for dinner later bilang bayad sa pagnood ko ng practice niyong to."
"Yun lang ba? Sure! Yehey! Ang bait mo talaga love. kaya love kita eh." At niyakap pa ako.
Sanay na akong ganyan siya kaya hinahayaan ko nalang. Wala namang malisya eh.
"Ano? Let's go? Ako na magbibitbit ng bag mo, love." Inirapan ko lang siya at nauna nang lumabas habang siya naman ay kinuha ang bag ko at sinukbit sa kabila niyang balikat.
"Ang sweet nila oh. Sila ba?"
"Yata. Lagi nga silang magkasama eh. Pero diba last last week nakita natin siya buhat ni grey?"
"Ay teh two timer hahaha"
Pag-uusap ng dalwang bruha sa di kalayuan. Di ko nalang pinansin dahil wala akong pake sa mga bruhildang chismosa ngayon.
2 weeks na rin pala ang nakakaraan after that sprain incident. And now I'm back to normal.
Kung tinatanong niyo kung anong nangyari nung hinatid ako ni grey sa bahay, well, wala naman masyado. Ano bang inaasahan niyo eh mas tahimik pa ata sa ipis yung taong yun, bukod nalang kung naiinis na talaga siya.
Nagpahatid ako sakanya sa bahay ni ashley. That night, my bestfriend was so depressed. I found out that she was not going to school for about a week that's why tito grounded her and told all the maids to not let her go out of their house nor touch any gadgets.
I stayed with her until she got tired of crying and eventually fell asleep. Dun narin ako natulog sa mansyon nila. I know how hard the situation is for my bestfriend, liam and ashley have been together for like 3 years then without any reason, liam just broke up with her. Ang mas nakakabaliw pa dun ay ang katotohanang wala siyang makausap o mapagsabihan man lang sa mga tao sa bahay nila dahil wala namang alam ang mga ito sa relationship niya with liam. Pinili nilang itago ito sa parents ni ashley kasi natatakot si ashley na baka hindi magustuhan iyon ni tito at tita, her parents.
Sa ngayon, ashley is on France with our other cousins. Dinahilan nalang niya sa parents niya na kailangan niya ng vacation dahil nas-stress na siya ng super sa mga school works, surprisingly, pinayagan naman siya ng mga ito. But she'll be back naman next week kasi marami na siyang kailangan habulin sa school.
"Diyan ka muna sa bench, claire. Magbibihis lang ako ng jersey. Padating narin yun sila Matt." Sabi sakin ni elijah at nilapag ang bag ko sa bench. Umupo naman ako sa tabi non.
Medyo madami rin namang tao dito. Mostly mga babae. May tatlong lalaki din na nakajersey na at nakaupo sa upuan na para sa players habang nagk-kwentuhan.
BINABASA MO ANG
Never Enough
Teen Fiction"For the first time in my life, I've chose to risk my everything just to give you my all and that's what I regret the most Why do you always make me feel like I was never enough?"