Claire's POV
"Manong, can't this car get a little faster? Ilang minutes nalang male-late na ko! Hindi ka binabayaran ng parents ko para maging makupad. Babagal-bagal eh." Gosh! Ano ba tong driver namin. Ilang minutes nalang at late na ko. First day ko pa naman sa xard university then late agad ako? Ngayon pa kasi nagpa-gas kung kelan alam namang gagamitin eh. I'm really gonna call my dad to fire him.
Damn useless driver.
Kinuha ko nalang ang lipstick at mirror ko sa bag para ayusin ang itsura ko. Naha-haggard ako ang aga-aga.
"Nandito na po tayo ma'am." Sabi nung driver ko at pinagbuksan ako ng pinto.
Lumabas ako ng kotse at tulad ng dati, walang pinagbago, all eyes are on me. Ako na talaga. Biruin mo, sa school namin ay ako lagi ang center of attraction at hanggang dito ba naman? Syempre naman, di na sila makakakita ng katulad kong mukhang godess na bumaba sa mount olympus.
Hindi ko nalang iyon pinansin at tumuloy na sa room ng first subject ko.
Habang nasa hallway ng campus na to ay rinig na rinig ko ang bulung-bulungan ng mga taong nadadaanan ko. Ngayon lang ba sila nakakita ng magandang babaeng tulad ko? How poor. It's a good thing na nalipat ako dito sa school nila, nabiyayaan tuloy ng magandang tanawin ang mga mata nila.
Kinalkal ko ang bag ko upang hanapin ang cellphone ko ng biglang.................. SHIT! I left my freaking phone at my bed!
Bahala na kung ma-late ako sa first class ko. I have to get my phone. I would seriously die without that phone.
Nagmamadali akong naglakad pabalik sa parking lot. I'm really hoping na hindi pa nakakaalis yung driver ko.
Nang malapit na ako sa parking lot ay napansin kong parang napakarami naman yatang tao dito? Parang lahat sila ay may hinihintay. Halos puro mga babae ang nandito at mabibilang lang ng mga daliri ko ang mga lalaking nandito, ang iba ay mukhang bakla pa. Nagkakanda-haba haba na ang mga leeg ng mga babae sa pag-aabang ng kung ano.
Weirdos.
Hindi ko nalang ito pinansin at dumaan sa gilid kung saan kaya ko pang sumiksik sa mga babaeng ito.
"Ouch! You stepped on my foot you ugly creature!" Daing ko ng may makatapak sa paa ko.
Napalingon saking ang babaeng nakatapak ng royal foot ko at itinaas ang kilay.
Aba't ang lakas ng loob ng babaeng tong taasan ako ng kilay ha. Baka gusto niyang i-trim ko yang pagkakapal-kapal niyang kilay. Parang mukha niya, napakakapal.
"Luh? Ba't kasi dito ka dumaan eh alam mo namang masikip dito. Tapos aaray-aray ka pag natapakan ka. At anong sinabi mo, ugly creature? Kala mo kung sino kang maganda ha. Papansin ka eh, dun ka na nga. Panira ka ng araw!" Sabi sakin ng babaeng ito.
Napakunot ang noo ko sa sinabi nito.
How dare she! Kung ako sakanya ay kikilalanin ko muna ang kinakalaban ko. Ako lang naman ang nag-iisang anak nina Camille Marittess Greston at Keyton Niel Greston. Ako ang tagapagmana ng Greston group of companies at Fajardo Corporation na kilala worldwide. At ako rin ang tagapagmana ng iba pang business ng pamilya nila gaya ng hotels and casino.
Ako si Claire Kezia Greston na Queen Bee ng Clarington University na isa sa mga elite school na tulad ng school na ito.
And no one dares to mess with me.
"Watch you dirty mouth girly. Do you even know what you're saying----- oh wait, do you even know me?" Tiningan niya ako ng matalim bago ako tinaasan muli ng kilay.
BINABASA MO ANG
Never Enough
Teen Fiction"For the first time in my life, I've chose to risk my everything just to give you my all and that's what I regret the most Why do you always make me feel like I was never enough?"