EPILOGUE
Two Years Later
" Sorry pero wala na po talagang pag-asa ang pasyente dahil sa puso na mismo siya natamaan. Wala na po kaming magagawa dahil malaki ang naging damage ng matulis na bagay na tumama sa puso niya. Wala na po talagang pag-asa dahil hindi tayo makakakuha ng heart donor agad-agad. I'm sorry."
Mabilis na lumipas ang panahon pero para sa akin parang kahapon lang nangyari ang lahat hdahil hanggang ngayon hindi pa din ako makapag-move-on. Hindi pa din ako mapaniwala na wala na talaga si Annicka, parang isang napaka-samang panaginip ang lahat ng nangyari sa akin.
Pero kahit na ganoon, kahit na ano pa ang gawin ko wala na akong magagawa para mabalik pa siya sa mundong ito. Alam ko na kasalanan ko ang lahat dahil sa akin nawala siya ng maaga sa mundo, dahil sa ginawa kong katangahan nabago ang buhay niya.
Kung inamin ko lang sana sa kanya ang lahat noong una pa lang, sana hanggang ngayon kasama ko pa din siya, sana kasama pa din namin siya, sana masaya kami hanggang ngayon at buo sana ang aming barkadahan. Pero wala na talaga siya.
" Jacob! Alis na tayo! Iiwanan kana namin! "
Muntik ko na makalimutan na ngayon din pala ang araw na iyon, ang araw kung kailan iniwanan niya kaming lahat. Yes. Its Annicka's 2nd Death Anniversary today.
" Sandali lang, malapit na ako. "
Mabilis na akong kumilos at nag-ayos ng sarili ko dahil ito na marahil ang masasabi ko na pinaka-mahalaga at pinaka-malungkot na araw ng buhay ko. Dahil kung noon pinupuntahan ko siya sa bahay nila at nakikita ko pa ang masaya niyang mukha.
Ngayon pupuntahan ko siya sa lugar kung saan hindi ko naisip na pupuntahan ko para lang makita ko siya. Saan? Sementeryo.
x-x-x
" Annicka, kamusta kana? Dalawang taon na din pala simula ng iwanan mo kami, para kasing kahapon lang iyon. Alam mo ba na miss na miss na kita? "
Ganito na naman ang mangyayari tulad noong unang taon niya, dapat siguro masanay na din ako dahil magiging ganito palagi ang set-up namin every year dahil sa death anniversary niya. Sobrang namimiss ko na talaga siya. Sa tuwing iniisip ko siya, palagi akong napapangiti dahil alam ko nandito lang siya sa tabi ko.
Pero sa tuwing iniisip ko din siya, palagi din bumabalik sa akin yung mga ala-ala kung paano siya nawala ng dahil sa maling nagawa ko sa kanya. Kung mababalik lang sana ang panahon at oras na masaya kami.
" Bro, huwag ka nga ganyan. Tignan mo sila Alycka at Akhiza. "
Tama nga si Edward, pag-nandito kami pakiramdam namin lahat kasama namin si Annicka kahit na wala na siya. Napatingin ako kay Lorence, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa ginagawa niya. Mukhang nant-trip na naman kasi siya.
Inaayos niya ang camera para makakuha ng mga pictures, napatingin siya sa akin at nag-smirk lang siya. Naku! Loko talaga siya. Pagnakita iyan ni Akhiza sigurado ko tatamaan siya.
" Hoy! Jacob! Lumapit ka nga dito magtatampo na sayo si Annicka niyan. " tawag sa akin ni Alycka.
" Opo. Opo. "
x-x-x-x
Mabilis na lumipas ang oras ala-sais na pala ng hapon, kailangan na namin bumalik sa bahay dahil masyado na din gabi para magtagal kami dito sa sementeryo. Para kami mga ewan kanina dito sa puntod ni Annicka kasi bukod sa kinakausap namin yung puntod niya. Kinakatanahan pa namin siya. Akala ko magiging malungkot ang araw na ito pero hindi pala.
Masaya ako dahil nakasama ko sila sa araw na ito, pero mas masaya siguro kung wala kami dito at kasama namin sa Annicka na nagsasaya ngayon. Yung tipong masaya kaming lahat dahil buhay siya. Masaya kami dahil makikita pa namin araw-araw ang maamo niyang mukha.
" Jacob, magpaalam kana kay Annicka. Ikaw na lang hinihintay niya. "
" Ah' sige. "
Ako na pala ang magpapaalam. Hindi ko alam kung kailan ulit ako makakabalik dito dahil sa pagiging busy namin lahat sa pag-aaral pero kahit na ganoon nagbibigay talaga ako ng oras para mapuntahan ko lang si Annicka.
" Hmn, Annicka. Hindi ko alam kung paano ko nakakayanan na hindi ka nakikita at nakakasama. Siguro kung nandito ka lang masaya sana kaming lahat lalo na ako, sana sana masaya lahat tayo. Hindi ko alam pero tuwing pupuntahan kita pakiramdam ko lagi na nandito nakatayo at inaabangan ang pagdating ko. Annicka, sobrang miss na miss na kita hindi ako magsasawa na puntahan ka dito kahit na anong mangyari. Alam mo ba? Mahal na mahal kita, ikaw lang ang babae na mamahalin ko ng ganito. Paano ba iyan? Kailangan na namin umuwi pero huwag ka mag-alala babalik ako dito kasi alam ko naghihintay ka sa pagdating ko. "
Marami pa akong gustong sabihin sa kanya pero marami pa naman sigurong pagkakataon na sabihin ko iyon dahil alam ko nandito lang siya palagi hinihintay ang pagdating ko.
" Tara na' Bye bye Annicka babalik ulit kami."
" Ingat ka palagi Annicka. "
Kanya-kanya kaming paalam sa kanya.
Nakalabas na ng semeteryo silang lahat pero ako, nagpaiwan pa ako sandali. Ngayon magpapaalam ulit ako sa kanya.
" Annicka, I love you. "
" Jacob, napatawad na kita matagal na. I love you too."
Parang may malamig na hangin na dumampi sa pisngi ko, alam ko na agad kung sino ang hangin na iyon. Annicka.
Ngayon napatunayan ko na talaga na hindi lahat ng ending ay tinatawag na " Happy Ending."
x-x-x-x-x-x-x
Sorry for super late Epilogue. :(
Ngayon Finished na po talaga ang I'm The Campus Nerd
BINABASA MO ANG
I'm The Campus Nerd + EPILOGUE + ANNOUNCEMENT ( Fin. )
Teen FictionWhen you realize that not all love story have their happy ending.