----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter Thirteen : You can’t do this to me?! J
[ Author’s Note: pasensya na kung medyo mahaba ang mga Update ko J gusto ko lang po kasing tapusin na ito sana magustuhan niyo salamat. ]
JACOB’s POV
Ang bilis lumipas ng araw dalawang linggo na kami ngayon ni Janine pero pansin ko lang para may iba kina Coleen , Katrina , Lorence at Edward . Parang hindi na sila ganun kaclose hindi tulad ng dati.
“ Tara na sa cafeteria! ” yaya samin ni Janine
“ Sige! ” sagot ko naman sa kanya
“ Sunod na lang kami ni Coleen ”sabi naman ni Katrina.
Ngayon lang sila nagpaiwan ah? Parang may nangyayari na hindi namin alam ni Janine? Dahil kaming dalawa na lang kasi palagi ang magkasama simula ng maging kami. Parang ayoko ng mahiwalay kay Janine.
“ Mamaya na lang din kami , susunod na lang mauna na kayong dalawa ni Janine ” sabi naman ni Edward.
“ Ang weird niyo naman? ” tanong ko sa kanila
“ Mamaya ko na lang sayo sasabihin pre kung ano talaga ang nangyayari ” bulong naman sakin ni Lorence
“ Sige mabuti pa nga mauna na kami maiwan na namin kayo . ” sabi ko naman sa kanila saka sumunod kay Janine kasi nauna na siya sakin sa pagpunta sa cafeteria.
Naglalakad ako ngayon papunta sa cafeteria pero hindi ko pa din makita si Janine nasaan na kaya siya? Kung tinatanong niyo kung mahal ko talaga siya? Oo ang sagot ko dahil kahit na nerd siya minahal ko talaga siya.
“ Jacob ! ” sigaw sakin ng isang boses babae parang pamilyar.
O.o – ako nga makita ko kung sino ang tumawag sakin.
Si Alynna !? ano ang na naman ba ang kailangan niya sakin ?! ang tagal din niyang hindi nagpakita sakin simula ng sagutin ako ni Janine sana naman wala na siyang gawin na masama ngayon.
“ Anong kailangan mo? ” tanong ko agad sa kanya
“ Oh? Easy lang naman babe nandito lang naman ako para makipag-usap ng maayos sayo. ” sabi naman niya sakin
“ Kung ganoon ! wala akong oras para sayo ! ” sabi ko naman sa kanya na akmang aalis na doon pero ----
“ Sige subukan mo lang hindi mo alam ang kaya kong gawin! ” sigaw naman niya sakin
Napatigil ako sa kinatatayuan ko ng sabihin niya iyon , ano naman kaya ang ibig niyang sabihin sa pagbabanta niya na iyon, kaya naman bumalik ako sa dati kong puwesto at humarap sa kanya.
“ Ano ba talaga ang kailangan mo sakin ?! ” tanong ko muli sa kanya.
LORENCE’s POV
Nahalata ko kung bakit hindi agad sumama sila Katrina kay Janine para bumili sa cafeteria . kaya naman ganoon na lang din ang ginawa namin ni Edward at ngayon nga ay nandito kami sa rooftop para makipag-usap.
“ Hindi niyo pa ba balak sabihin sa kanya? ” tanong agad ni Edward ng makarating kami sa rooftop
“ Ano ang gusto mong gawin namin?! Ang masaktan siya?! ” sigaw na sagot ni Katrina.
“ Pero --- ” hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil bigla na lang siyang sinampal ni Katrina.
*PAK!* ( yung pagsampal kay Edward! )
BINABASA MO ANG
I'm The Campus Nerd + EPILOGUE + ANNOUNCEMENT ( Fin. )
Novela JuvenilWhen you realize that not all love story have their happy ending.