Chapter One : The Start J

10.2K 185 9
                                    

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter One :  The Start  J

Ngayon ang unang araw ng pasukan sa Montejero Academy na pagmamay-ari ng pinaka sikat na businessman sa mundo. Dito din nag-aaral ang matatalik na magkakaibigan na sina Janine ( firs Honor ) Coleen ( second Honor ) at Katrina ( Third Honor ) sila ang pinaka matalino sa lahat ng estudyante pero hindi sila maganda tulad ng iba dahil sila ay mga NERD!

Pero hindi ibig sabihin nun ay panget na ang kanilang itsura dahil kung titignan naman ng mabuti silang tatlo lang ang msasabiing pinaka magaganda sa kanilang Academy , subalit hindi nga lang ito napapansin ng iba.

“Good Morning! Ang aga natin pumasok ah ! ” sabi ni Coleen isa sa pinakamatalik na kaibigan niya

“Bakit? Ganito naman oras ng pasok ko diba ? ” sagot na patanong naman ni Janine rito na nag-pout pa .

“ Sempre biro lang iyon ni Coleen  ! Hahaha ! namiss ka kaya namin ang aming anghel ” sabi naman ni Katrina isa din sa mga kaibigan niya .

Hindi na sinagot ito ni Janine dahil bigla na lang may bumangga sa kanya mula sa likod ng hindi naman niya inaasahan . Kaya naman bigla na lang silang napasubsob sa kaniyang kaibigan .

“ Aray ! hoy! .. sorry Coleen may tumulak kasi sakin  ” sabi bigla ni Janine ng masapo siya ni Coleen bago masubsob

“ Okay lang yun ! Teka lang hah , tignan ko lang kung sino yung walang modo na iyon ! ” sagot naman sa kanya ng kanyang kaibigan .

“ Naku ! huwag na , hayaan mo na lang sila . Ayos na lang naman na ako ngayon tara na  ” aya naman niya rito

Hindi na nagsalita pa si Coleen sa sinabi ni Janine , sinunod na lamang niya ang dalaga at pumasok na sila sa loob ng kanilang silid-aralan . Habang papasok sila naririnig na naman nila ang mga sabi-sabi ng kanilang mga kaeskwela .

“ Matalino nga ! Panget naman ! ”

“ Ang Panget niya talaga ! Eww ! She’s always wear her glasses ! ”

“ Huwag na nga lang natin siyang pansinin ! Ang panget naman niya pati na din ang kaniyang mga kaibigan ”

“ Yuck ! NERD ! ”

Ilang lamang po iyan sa mga sinasabi ng mga estudyante sa grupo nila Janine dahil sa kanilang mga suot na Nerdy Glasses at Braces . Silang tatlo ang sinasabihan na grupo ng mga nerdy girl subalit matalino .

Si Janine po ang running for Valedictorian , Coleen naman po ang sumunod sa kanya at si Katrina na po sumunod rito , matatalino silang lahat pero hindi sila tulad ng ibang dalaga na palaayos at maganda manumit .

“ Huwag na lang nga natin silang pansin ” irita na sabi ni Katrina sa dalawa niyang kaibigan

“ Tama ! Umalis na lang nga tayo dito ! Mga wala naman silang kwenta hindi pa nga nila tayo kilala ” sabi naman ni Coleen .

*nod* iyan na lang ang nasagot ni Janine sa kanilang dalawa dahil wala na siyang masabi dahil sa nararamdam niyang pagkapahiya sa buong eskwelahan .

Dahil kung hindi naman sila pinapahiya sa mga harapan ng mga kapwa estudyante , binabato naman sila ng kung ano-ano ng mga ito sa harapan ng paaraalan .

“ Nandito na tayo ! tabi-tabi na lang ulit tayo ! ” masiglang sabi ni Janine sa dalawa

“ Sige ! Mabuti pa nga ! ” sang-ayon naman ni Coleen dito

Nagsimula na ang kanilang klase , ngunit bago ito magsimula tulad ng dati nilang kagawian magpapakilala sila isa-isa sa harapan upang makilala ng mga bagong estudyante .

“ Hello Good Morning everyone tutal apat na taon naman na kayo sa ating school siguro naman kilala niyo na ang isa’t-isa . So , mga transfer students na lang natin ang mag-iintroduce sa harapan . Please come over here boys . ” sabi naman ng kanilang home adviser .

“ Wow ! puro lalaki ang transferee natin ! ” sigaw naman ng isang babaeng estudyante .

“ Ang gwapo nila !!!! ” sigawan ng mga babae sa kanilang silid-aralan .

“ Hey ! Handsome sakin kana lang !!! ” sigaw muli ng mga babae .

Samantala ang tatlong magkakaibigan na sina Janine , Coleen at Katrina ay parang walang pakialam sa mundo dahil hindi man lang nila tinitignan ang ito sa harapan . Nagsisimula na silang magsalita ---

“ Hello everyone my name is Jacob Nervis , nice to meet you all ” sabi naman ng unang nagsalita

“ Oh ! ako na pala haha ! Ako naman si Lorence Lazarro ! Kamusta kayo ! ” pa-cool na sabi naman nito .

“ I’m next ! Hello girls ! Edward Smith at your service !” sabi naman niya with matching *wink!*

Sempre tulad ng inaasahan ! sigawan na naman ang mga babae pagkatapos nilang magsalita . Ngunit bago sila tuluyang makaupo napansin nila ang tatlong babae na nakasuot ng nerdy glasses at bigla na lang nagtawanan .

“ HAHAHAHA ! Yuck pre ! ang panget naman nila ! ” sabi ni Lorence

“ Hahaha ! you’re right dude ! I see monster here ! ” sabat naman ni Edward sa kaibigan.

“ Manahimik nga kayo ! ang sama niyo na magsalita ! ” sigaw ni Katrina sa dalawa , dahil hindi naman kasama si Jacob rito tahimik lang ang binata na parang walang paki-alam sa mundo .

Nagtawanan lamang ang mga estudyante sa sinabi ni Katrina na iyon , ganoon din ang dalawang lalaking hambog . Sa sobrang inis ni Katrina umupo na lamang siya muli at isinubsob ang mukha sa mesa  . 

I'm The Campus Nerd + EPILOGUE  + ANNOUNCEMENT ( Fin. )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon