Chapter Three: First Encounter

7K 147 3
                                    

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter  Three:  First Encounter

[Author’s Note: Hello po J dito na po ang simula ng pagkakaroon ng mga Point Of View ( POV ) ng mga character ko kasi po medyo mahirap din po pala gumawa ng puro narration mula sa author J ]

KATRINA’s POV

Kilala niyo naman ako diba dahil pinakilala naman na kaming lahat sa inyo ni Miss Author. So hindi ko na kailangan pang magpakilala sa inyo.

Nakakainis ! humanda sakin yung dalawa na iyon hindi pa nila ako kilala at hindi nila ako makikilala kahit na kailan ! pagbabayaran nila ang pamamahiya na ginawa nila kanila sa klase ..

“ Huwag kana nga magalit dyan ! pumapangit ka lang eh !” sabi sakin ni Janine

“ Oo nga naman ! huwag ka mag-alala may gagawin naman akong plano para sa kanilang dalawa ” si Coleen naman ang nagsalita ngayon.

“ Ano naman iyon ? Aber ! naku ! naiinis talaga ako sa kanila ! ” naiiritang sabi ko sa kanilang dalawa

Kung tinatanong niyo kung bakit dalawa lang sila ? Yung kinaiinisan ko , kasi tahimik lang naman yung isa . Ano nga ba yung pangalan ng tahimik na iyon? Jacod – Jasob – Jacob ! tama !

“ Huwag niyo ako isasali sa mga kalokohan ayokong magkaroon ng record sa school ” sabi bigla ni Janine

“Huwag kang mag-alala gagawan na lang naming ng paraan iyon para hindi ka masala sa kung anong dapat na hindi salihan , in fact ayaw din naman naming magkaroon ng record ” sabi ko naman sa kanya para hindi na siya mag-alala pa .

“ Oo nga naman ! kami na ang bahala sa iyo bess ” suporta naman sakin ni Coleen .

Buti na lang maaasahan ang bess ko na ito , kasi naman si Janine takot magka-record dahil running for valedictorian siya . Sempre ayaw din naman namin na magkaroon dahil honor student din naman ako saka si Coleen . Actually ako ang third si Coleen ang second so ibig sabihin siya ang salutatorian.

“ kain na nga lang tayo ! tara na dali nagugutom na ako ! ” aya samin ni Janine. Nasa cafeteria na kasi kami ngayon natapos ang aming klase sa walang kakwenta kwentang klase.

“ Oo na ! tara na nga sige ! ” sagot naman ni Coleen. Sumunod na lang ako sa kanilang dalawa ano pa nga ba ang magagawa ko? Wala naman . tss -_-

Habang papunta na kami sa counter may bigla na lang humarang sa harapan namin. Hulaan niyo kung sino? Ang kinikilala nilang Campus Queen ditto sino pa ba? Adi ang impostor na si Alynna Mejia.

“ Saan naman kayo pupunta sa tingin niyo mga nerd? ” tanong naman niya sakin

“ Sa pupuntahan malamang , saan pa ba? Use your common sense naman Alynna ” sarcastic na sagot ni Coleen

I'm The Campus Nerd + EPILOGUE  + ANNOUNCEMENT ( Fin. )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon