Chapter Fourteen : You Can't do This to me ?! Part II J

5.5K 133 1
                                    

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter Fourteen : You Can’t do This to me ?! Part II J

 

“ SABIHIN MO NGA !!! ANO ANG DAPAT NA MANIWALAAN KO ?!! ” sigaw ko sa kanya.

“ Please Let me explain , Janine mahal na mahal kita ” sabi naman niya sakin.

Sino sa tingin niya ang maniniwala sa kanya?! Ako?! Lagi na lang niya ba akong aapihin ng iba at kung ano-ano na naman ang sasabihin sakin?! Hindi ko na kaya!

“ Ayoko na! itigil na natin ito Jacob! Hindi ko na kayang magtanga-tangahan! Break na tayo! ” sabi ko sa kanya at umalis na sa harapan niya.

“ JANINE!! PLEASE HUWAG MO NAMAN TONG GAWIN SAKIN! ” sigaw niya

Pero bago pa ako makaalis sa kinatatayuan ko narinig ko ang sinabi ni Alynna kay Jacob.

“ Magaling ang ginawa mo Jacob dahil ang mga tulad niya hindi dapat pinag-aaksayahan ng oras dahil basura lang naman sila na umaasa na pupulutin ng iba ” sabi naman niya kay Jacob.

Hindi na ako nagdalawang isip na bumalik sa kinaroroonan nilang dalawa at sinampal ng malakas si Alynna ang sampal na puno ng galit at puot !

*PAK!* ( pagsampal kay Alynna )

“ Pagsisisihan mo ang ginawa mong ito dahil hindi mo pa ako kilala ” sabi ko naman sa kanya

“ Hah?! Sino naman sa tingin mo ang tinakot mo? Isa ka lang nerdy girl sa school na ito ” sabi naman niya sakin

“ Janine tama na yan! ” tama ba ang narinig ko? Sinigawan ako ni Jacob dahi kay Alynna?

Sa sobrang inis ko sinabunutan ko si Alynna at itinulak papunta kay Jacob! Nakakainis silang dalawa! Pagbabayaran nila ang ginawa nilang panloloko sakin! Hindi ko sila mapapatawad kahit kailan!

“ Tandaan niyo ito! Hinding hindi ko kayo mapapatawad! Hindi niyo pa ako kilala! Hindi niyo alam kung ano ang kaya kong gawin! Sisiguraduhin kong magsisisi kayo at luluhod sa harapan ko para humingi ng tawad ” sabi ko sa kanila ng punong puno ng galit at poot!

COLEEN’s POV

 

“ Nakita mo na ba si Janine? ” tanong k okay Katrina

“ Hindi pa nga eh! Hanapi na lang natin sa garden na tayo pumunta ” sabi naman niya sakin

Kanina pa namin hinahanap si Janine pero hindi naman namin sila makita , kanina pa siya nawawala hinanap na namin sa lahat ng parte ng school na ito pero wala siya sakin niya sa cafeteria lang daw siya.

“ Kawawa naman yung nerdy na Janine nuh? ” sabi ng isang babae na nakasalubong namin

I'm The Campus Nerd + EPILOGUE  + ANNOUNCEMENT ( Fin. )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon