Chapter Fifteen : Its too late J

5.9K 133 0
                                    

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter Fifteen :  Its too late  J

JACOB’s POV

Hindi ko na alam ang gagawin ko para makita si Janine halos tatlong araw na siyang hindi pumapasok sa mga klase namin nagtataka na din ako dahil ganoon din sila Coleen at Katrina, ano kaya ang nangyari sa kanila?

“ Edward! May hindi ba kayo sinasabi sakin ? ” tanong ko sa kanya.

“ Ano kasi pre , hindi ko alam kung dapat pa namin sabihin sayo ito ” sagot sakin ni Edward

“ Ano ang ibig mong sabihin ? ” tanong ko ulit sa kanya

“ Kasi pre---- ” Hindi na natuloy ni Lorence ang kanyang sasabihin dahil dumating na ang Teacher namin para sa next subject.

Nagsimula ang klase na wala ako sa sarili ko , hindi ko man lang nagawang makinig sa mga sinasabi ng Teacher namin. At dahil na din siguro sa inis kaya hindi ko na nagawang makinig kasi naman si Alynna dumikit na naman sakin.

“ Babe, bakit hindi ka nagsasalita dyan? ” sabi sakin ni Alynna

“ Wala ako sa mood makipaglokohan sayo saka pwede ba?! Layuan mo na nga ako! ” sabi ko sa kanya

“ bakiit ?! dahil bas a NERD na iyon? ” alam kong galit na siya habang sinasabi iyan pero hindi lang niya pinapahalata.

“ Oo , siya ang dahilan ikaw ang may kasalanan kung bakit siya galit sakin ngayon! ” sagot ko sa sinabi niya

Hindi ko na lang siya ulit pinansin , nagpaalam ako sa teacher namin na lalabas muna ako sumunod naman sakin sila Lorence at Edward.

“ Teka lang pre! May problema ba? ” tanong sakin ni Edward

“ Malaki ang problema ko! Wala na kami ni Janine hindi ko pa siya nakikita sa klase! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Ganoon ba kalaki ang kasalanan ko para hindi siya magpakita sakin?! Sabihin mo nga!! ” sigaw ko sa kanya.

“ Pare sorry , pero kailangan mo na nga talaga malaman ang totoo ” sabi ni Lorence

Kahit ako nalilito sa mga nangyayari pero siguro nga karma na lang ito para sakin dahil nagsimula lang naman ang lahat sa pustahan at plano, pero minahal ko talaga siya kahit na ganun ang itsura niya tingin ko nga ang ganda ganda niya eh!

“ Ano ang ibig mong sabihin?! Sabihin mo sakin! Ano ang sinasabi mong totoo?! ” tanong ko sa kanya

“ Wala na silang tatlo , wala na si Janine , Coleen at Katrina sa school. ” sagot sakin ni Edward

“ Ano?! Hindi pwede! Wala ng tatanggap sa kanila! September na ngayon at graduating student sila kaya imposible ang sinasabi mo sakin! Huwag ka nga magsinungaling! ” sigaw ko sa kanya.

Imposible ang sinasabi niyang na wala na sila dito imposible na mangyari talaga iyon, saka bakit naman niya iyon gagawin?! Ganoon ba kalaki ang galit niya sakin?

“ Totoo ang sinabi ni Lorence , Jacob wala na talaga sila o dapat kong sabihin hindi naman talaga sila totoo ” sabi ni Edward.

“ Anong hindi totoo? ” nalilito kong tanong.

EDWARD’s POV

Halata kay Jacob na wala pa talaga siyang alam sa mga nangyayari dahil alam namin inayos ni Alynna ang lahat para masira ang relasyon ni Jacob at Janine pero nagkamali siya ng kinalaban niya.

I'm The Campus Nerd + EPILOGUE  + ANNOUNCEMENT ( Fin. )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon