Chapter Seven : Evil Plan J

5.9K 138 2
                                    

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter Seven : Evil Plan J

LORENCE’s POV

Ang daming nangyari halos isang buwan na din kaming pumapasok dito pero hindi ko pa rin nakikita si Anikka na pumapasok sabi naman ng Principal pumapasok naman daw siya lagi daw kasama yung mga kaibigan niya na sina Akhiza at Alycka.

“ Siya pa rin iniisip mo noh? Nakita mo naman nung huli tayong nagpunta sa kanila galit siya sakin ” sabi naman ni Edward sakin.

“ Bakit nga ba ganun siya nun? Ano ba ang ginagawa mo? ” tanong ko naman sa kanya.

“ Wala naman akong maalala na ginawa ko sa kanya pangako! ” sagot naman niya sakin.

Hindi ko pa nakikita si Jacob ngayon ah?! Nasaan na naman kaya ang lalaki na iyon? Pero hindi mawala sa isip ko yung naging reaksyon niya noong makita niya si Anikka.

“ Hanapin na lang natin si Jacob! Tara! ” sabi sakin ni Edward.

“ Mabuti pa nga! Tara na nga! Sa rooftop tayo magpunta sigurado nandoon iyon! ” sabi ko naman sa kanya.

*

Pag-akyat namin sa rooftop , tama nga ang hinala ko na nandito lang siya pero teka?! May kausap siyang isang lalaki mukhang seryoso ang usapan nila.

“ Tamang tama nagpunta kayo dito! Gusto niyo ba sumali sa usapan naming. ” tawag samin ng kausap ni Jacob.

Ano pa nga ba ang nagawa namin? Pumunta na lang kami para malaman na din ang pinag-uusapan nila sa gusto din naman naming malaman kung ano iyon eh! :D

“ Ganito lang naman, diba gusto niyong maganti sa mga nerdy girls na iyon? ” tanong nito saming tatlo.

*nod* iyan na langang naging sagot naming sa kanya.

“ Kung ganoon maging mabuti kayo sa kanila ..” sabi naman niya samin.

JACOB’s POV

Nasisiraan na ata ng ulo ang kausap namin na ito?! Ano daw?! Magiging mabuti kami sa mga nerdy girl na iyon?!

“ Ayoko! Hindi na ako sasali sa usapan na ito! ” sabi ni Edward.

“ Ako din! Ayoko nga silang maging kaibigan! ” sabat naman ni Lorence.

“ Bakit ba naming iyon gagawin?! ” tanong ko naman. Nakakainis lang naman kasi!

Ang sama namin sa kanila buong buwan tapos bigla na lang kaming magiging mabait nang ganun-ganun lang? sino naman ang niloko namin?

“ Kung gusto niyo talagang makaganti simple lang naman ang plano , magiging mabait kayo sa kanila tapos liligawan niyo at pagkatapos nun sasaktan niyo ang mga damdamin nila dahil iiwan niyo din sila sa huli! ” pagpapaliwanag naman niya samin.

“ Oh sige! Payag na ako! ” sabi naming tatlo!

“ Kung ganoon bukas na kayo magsisimula na maging mabait sa kanila ”sabi naman niya samin.

“ Sige! Maliwanag ang lahat! J ” sagot namin sa kanya.

Natapos ang usapan namin na may nabuong magandang plano para sa kanila. Ngayon humanda sila sa amin dahil magbabayad na sila sa lahat ng mga kasalanan nila.

Pero? Tama pa kaya ang gagawin namin na saktan ang kanilang mga damdamin? Bahala na nga naka-oo na kami wala ng atrasan!

*

“ Paano ba iyan? Ngayon na ang simula natin galingan na lang natin sa pag-arte mga pre! ” sabi ni Edward.

“ Oo naman! Sisiguraduhin ko na hindi matatapos ang buwan na ito magiging kami ng mayabang na nerd na yun! ” sabi naman ni Lorence.

“ Galingan na lang natin para hindi tayo mahalata! ” sabi ko naman sa kanilang dalawa.

Hindi ko alam kung tama ang gagawin naming pero sana naman ---- haist! Hayaan niyo na lang kung ano ang mangyayari ginust din naman naming to!

COLEEN’s POV

Pagpasok na pagpasok naming ng Room namin nakita naman namin agad yung tatlong mayayabang pero bakit ganito? Parang nag weird nila dahil nakaupo sila sa upuan namin.

>.> - tingin kay Janine

<.<- tingin kay Katrina

Ang mga itsura naman nila :

=_= - si Katrina.

@_@ - si Janine , hindi ko alam kung bakit ganyan ang itsura niyan.

“ Hoy! Alis nga dyan! ” sigaw ko naman agad doon sa Lorence pagkatapat ko sa upuan ko.

“ Oh! GoodMorning! Ano nga ulit pangalan mo? Coleen sorry ikaw pala ang nakaupo dito ” sabi naman niya sakin?

Teka?! Tama ba ang narinig ko?! Nagsabi ng sorry ang mokong na to? Ano na naman kaya ang gusto mangyari nito? Tinignan ko naman sila Katrina at Janine ganun din ang nangyari sa kanila. Ang weird nila?

“ Ang weird nila.” Sabi ni Janine

“ Oo nga eh! Parang may kinain sila na pampabait?” sagot naman ni Katrina.

“ Ah! Basta! Huwag kayong maniniwala sa kanila!” sabi ko naman sa kanilang dalawa.

Nagsimula na ang klase namin , wala naman masyadong nakikinig sa mga classmates naming kasi history ang subject alam kasi ng lahat na boring ang subject na ito pero para sa aming mga honors students kailangan lang na makinig sa teacher namin.

*POKE!*

*POKE!*

“ Ano ba?! Pwede ba huwag mo nga akong istorbohin! Nakikinig ako sa sinasabi ng Teacher natin! ” sabi ko naman sa kumakalabit sakin. Hulaan niyo kung sino? Yung mayabang lang naman na Lorence.

“ Puwede ba kitang makausap mamaya sa labas? ” sabi naman niya sakin.

“ At bakit naman?! Hindi pwede saka huwag mo nga akong kausapin! ” sabi ko naman sa kanya! Nakakainis lang!

Buti naman tumahimik na siya! Nakakainis lang! pero teka hindi pa pala siya tumitigil! Kasi naman!

“ Ma’am! Can I go out? ” tanong si Kay Mrs.Cordero

“ Okay you can go.” Sagot naman ni Ma’am sa kanya.

“ Ma’am! Can I go out with Ms.Jerson? ” sabi na naman niya, ano ba iyan? Paulit-ulit lang.

Pero teka?! Tama ang nadinig ko?! Surname ko yun diba?!

“ AYIIIIEEEEE!!” sigawan ng mga classmates naming.

Tinignan ko sila ng masama patingin ko kila Janine aba?! Nakikisama sa mga ito?! Ano na naman kayang makulo ito?! Tatamaan sakin ang lalaking to eh!

“ Oh? Bakit hindi pa kayo lumalabas Miss Jerson and Mister Lazarro ?” Aba?! Pati ba naman ang teachen namin makikisama sa kalokohan na ito?!

Ano pa nga ba ang nagawa ko?! Adi sumama sa labas kasama ang lalaking ito?! Nakakainis! Hindi na tuloy ako nakapakinig sa klase dahil sa kanya!

“ Ano bang problema mo?!” tanong ko sa kanya nakakainis na kasi!

“ gusto lang naman kasi kita makausap na tayo dalawa lang masama ba iyon ? ” sabi naman niya sakin.

Sino naman kaya ang niloloko ng tao na ito?! Ano akala niya maniniwala ako agad sa kanya nang ganun-ganun na lang hah?! Asa na lang siya! Hindi ako uto-uto tulad ng ibang babae!

I'm The Campus Nerd + EPILOGUE  + ANNOUNCEMENT ( Fin. )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon