----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter Eight : Evil Plan Part II J
EDWARD’s POV
Nakita ko ang ginawa ni Lorence sa isang nerdy girl ang galing ng moves niya siguro kailangan na din naming kumilos ni Jacob para makaganti na kami sa kanilang lahat. Humanda na sila ngayon sakin!
“ Ma’am Can I go out with Katrina.” Sabi ko naman sa Teacher namin.
“ AYIE! Ang sweet naman! ” sigaw na naman ng mga classmate namin.
Haha! Ano pa nga ba ang magagawa ng nerdy na ito? Sempre sasama siya sakin ngayon takot lang niyang mapagalitan ng teacher namin.
“ Ano ba ang problema mo hah?! Pati ako sinali mo pa sa kagaguhan mo! ” bulyaw agad sakin ni Nerdy Katrina.
“ Bakit ka naman nagagalit dyan? Gusto lang naman kita makausap ah? ” sagot sa naman sa kanya
“ Puwede ba?! Wala akong oras para makipaglokohan sa iyo! ” eto na naman siya laging galit sakin.
Dinala ko siya sa garden ng school para makausap o mas magandang sabihin para makipag-away sa kanya haha! Ang sarap pala niya asarin ang cute din pala niya teka?! Sinabi ko bang cute?! ERASE! ERASE!
“ Oh! Bakit dito mo ako dinala? Ano ba kasi ang kailangan mo sakin? ” ang dami naman niyang tanong.
“ Relax ka lang naman muna, chillax lang hindi ba puwede iyon? ” sagot ko naman sa kanya.
“ babalik na ako sa classroom kung wala ka naman sasabihin na matino sakin! ” ayan na naman siya aalis na lang bigla.
JANINE’s POV
Ang weird naman?! Bakit bigla na lang lumabas yung dalawang buwisit na lalaki na iyon tapos sinama pa ang dalawa kong bestfriend? Parang may mali talaga dito hindi ko lang alam kung ano pa iyon.
“ Ma’am! ” tawag ni Jacob sa Teacher naming.
“ Ano iyon mister? Gagawin mo din ba ang ginawa nila? Sige gawin muna ilabas muna kung sino ang gusto mo kasama sa labas tapos naman na ang klase. Okay class! Dismissed! ” ang haba naman ng sinabi ng Teacher.
Sino kaya yung gusto kasama nito sa labas? Si Alynna siguro siya naman kasi ang laging nakabuntot sa tatlong iyon eh! Haha! Makaalis na nga lang kailangan kong makita ang dalawang babaita na iyon.
“ Teka! Ano Janine! ” parang may tumatawag sakin.
Sino ba yung tumatawag sakin na iyon?
>_> - lingon
BINABASA MO ANG
I'm The Campus Nerd + EPILOGUE + ANNOUNCEMENT ( Fin. )
Teen FictionWhen you realize that not all love story have their happy ending.