Chapter 22
John's POV
Pagkapasok ko pa lang dito sa campus, si Amanda agad ang hinanap ko. Nilinga linga ko yung ulo ko at nagbabakasakali na makikita ko sya. Ilang araw na run since nung nagpunta kami sa dagat. Simula non di ko na sya nakikita, lagi kong tinatanong yung kaibigan nya pero sabi nya hindi nya rin daw Alan kasi tinatawagan nya daw, di sumasagot.
Bigla na lang napako yung tingin ko sa isang sulok, di ako nagkakamali sya talaga gun, lalapit na sana ako nang may biglang lumapit na dalawang lalaki sa kanya, may inabot sya at hindi ko alam kung ano iyon dahil malayo pa naman ako sa kanya.
Amanda's POV
"Ayusin nyo trabaho nyo ha?" Paalala ko dito sa dalawa kong tauhan. Ipapahanap ko yung leader ng Demonsteed. Buburahin ko sya dito sa mundo, papahirapan ko sya at hahayaang mamatay.
"Opo, aayusin po namin." At umalis na sila sa harapan ko. Huminga ako ng malalim at nagsimulang maglakad patungo sa room, ilang araw na akong di nakakapasok kasi lagi kong iniisip kung paano ko ba sya babawian tapos nagkasakit ako, tumatawag sakin si Sapphire hindi ko sya sinasagot kasi alam ko na kapag nalaman nya na may sakit ako susunod iyon sa bahay baka pati yung pag aaral nya maapektuhan, okay na yung akin. Nag aaral naman ako sa bahay eh, pero alam kong hindi pa sapat iyon para makahabol ako sa mga ginagawa nila dito.
Habang naglalakad ako may biglang umakbay sakin. "Bakit 'di ka ma pumapasok? Alam mo bang namiss kita?" Si John lang pala, napakabolero talaga, hindi na ako magtataka.
"Layuan mo nga ako!" Sabay tulak ko sa kanya, pero ang lakas nya kaya hindi man lang umepekto yung pagkakatulak ko kaya naman inapakan ko yung paa nya kaya napabitaw sya sakin at nagtata- talon, iniwan ko na sya don't at pumunta na ng room.
"Bakit ngayon ka lang pumasok? Alam mo bang nag-alala ako sayo? Akala ko may nangyari na sayo! Bakit ba kasi hindi mo sinasagot yung mga tawag at text ko?" Iyan ang binungad sa akin ni Sapphire. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.
Yumuko ako kasi inaayos ko yung gamit ko. "Naging busy lang ako." Sagot ko. Wala akong balak sabihin sa kanya yung totoo, oo alam kong magkaibigan kami pero, basta ayaw ko lang ipaalam kahit kanino maliban na lang kay tita kasi magkabahay kami."Busy? Talaga lang ha?" Nilingon ko ulit sya.
"What do you mean?" 'Di ba sya naniniwala sakin?
"Wala naman!" Umupo na sya sa upuan nya. At ganon din yung ginawa ko.
After more than 10 minutes dumating na yung professor namin. Naboboring ako kaya napatingin na lang ako sa bintana. Nakikita ko yung buong field.
"MS. ROXAS!!" Napatingin ako sa harap ko..
"S-sir?"
"NAKIKINIG KA BA?!" May halong inis sa boses nya.
"Y-yes sir"
"SAGUTAN MO 'TONG NASA BOARD!" At tinuro nya yung board.
Tumayo ako, buti na lang napag-aralan ko 'to kagabi. Pagkatapos kong masagutan inilapag ko yung chalk sa mesa no sir at lumingon sa kanya, hinihintay ko yung respond nya kung tama ba o mali, but I'm sure tama ako dyan, pinag aralan ko kaya yan!
"Okay, sit down." Sinunod ko naman sya at pinagpatuloy nya na lang ulit yung pagtuturo nya pero this time nakikinig na ako sa kanya.
"That's all for today!" Sininop nya na yung gamit nya at naglakad na paalis.
"Bes, Tara na!" Masayang bati ni Sapphire tsaka nya ikinawit yung braso nya sa braso ko at naglakad siya so pati ako nakaladkad na.
"Mag-oorder lang ako ha?" Pagkatapos naming humanap ng lamesa, umupo na lang ako. Tinignan ko yung buong cafe, ang sa-saya nila. Tch! Hanggang napunta yung tingin ko sa table nila John, nakangiti sya, ang gwapo nya--- HA?! WALA NAMAN AKONG SINASABI DIBA?! DIBA?!
"WALA AKONG SINABI!" tsaka ko lang narealize yung katangahan na ginawa ko, all eyes on me! Halatang nagulat silang lahat, ikaw ba naman bigla na lang sumigaw! Naka move on naman agad sila at bumalik sa mga ginagawa nila kaya nakahinga ako nang maluwag, umupo na lang ulit ako kasi napatayo ako kanina.
"Ui bes! Bakit ka ba sumisigaw dito, akala nila dun sa counter may kausap ka! Teka! May nakikita ka ba na hindi namin nakikita?!" Umikot na lang yung mata ko.
"Oo" malumanay na sagot ko sa kanya kaya mad nanlaki yung mata nya, namutla pa nga sya. Ang oa nya talaga.
"Joke lang!" Tsaka ko hinila yung binili nya Lara sa akin.
"Bes naman akala ko totoo?!"
Hindi ko na lang sya pinansin at pinagpatuloy ang pagkain.
"Bes, may love life na ako!" Masiglang sabi nya kaya nalatingin ako sakanya.
"May naka chat ako kagabi, ang gwapo nya!" At parang kumislap pa yung mga mata nya. Tch.
"Mamaya poser yan" sabi ko at kumagat ulit sa burger na kinakain ko.
"Hindi sya poser bes!"
"Hmmm bahala ka!"
~~~~~~
Habang naglalakad ako mag isa, si Sapphire kasi nagpunta sa cr, mag re-retouch daw sya. So ngayon naglalakad lang ako mag isa, walang pakialam sa paligid, kahit nagtitinginan sila sa akin, sanay naman na ako.
"Nabalitaan nyo na ba?"
"Yung nerd na yan, may tinatago daw na sikreto!"
"Mag ingat tayo"Napatigil ako sa paglalakad, nanigas bigla yung mga paa ko, hindi ko maihakbang. Wala naman silang sinabi na alam nila na gangster ako pero bakit ganon, feeling ko may alam sila. Tumingin ako sa kanila, agad silang nag iwas ng tingin at nagmamadaling umalis. Okay, what's hapenning?! Bakit bigla na lang sila nagkaganyan?! Inikot ko yung tingin ko at lahat nga ng nasasalubong ng mata ko umiiwas o kaya naman umaalis na sila. Yumuko na lang ako at nagmamadaling nagpunta sa room.
~~~~~
Annyeong! May nagbabasa pa ba nito?! Well kung meron thank you ha! Late update na naman ako, sorry readers, kung meron man.
BINABASA MO ANG
That NERD is a GANGSTER (ON HOLD)
Teen FictionTahimik, weak, lampa, matalino, sunod sunuran, laging binubully, mabait, duwag in short nerd Yan ang tingin sa akin ng mga tao pero hindi nila alam na ako ay kabaligtaran ng tingin nila. Hanggang kailan pa kaya ako magtatago sa ganito...