Amanda's POV
Ahhhhhhhhhhhh! Nakakainis sya, no scratch that, SOBRANG NAKAKAINIS SYA!!!!! Kailan nya ba ako tatantanan!
"Chill ka lang girl, masisira na yang keyboard ng laptop mo." nasa condo pala ako ni Sapphire inaya nya ako, hindi ko naman sya matanggihan..
Ehhhhh... Gusto mo rin naman eh
Ahy, punyetang kosensya yan..... Oo na, gusto ko rin naman kasi wala akong magawa sa bahay, nakakabored lang don. Tsaka nagpaalam naman ako kay tita eh, hindi ako tumakas.
Tinignan ko ulit yung screen ng laptop ko, pero dapat pala hindi ko na ginawa, gustong gusto ko nanf ihagis 'tong laptop ko.
"Girl, ganda mo nga dyan eh!" isa pa 'tong kasama ko, tinignan ko sya ng masama, 'yung nakakamatay na tingin.
"Ah-Eh Wala, sabi ko, gusto mo ba," at inaabot nya sa akin yung isang kallon ng ice cream, syempre ako tatanggi pa ba ako? Syempre hindi.Kinuha ko yung ice cream na inaabot nya sa akin at nilantakan ko agad 'yon.
Walang hiya 'yung John na 'yon. Nanguha ba naman ng picture ko na stolen, nakanganga pa ako 'don sa picture.
John's POV
"Wahahahahahahaha!" hindi ko mapigilan 'yung sarili ko sa pagtawa, paano kasi 'yung itsura nung panget na 'yun dito, mas pumanget pa sya. Sigurado akong pag pi-pyestahan sya bukas ng mga ka- schoolmates namin.
"Hala! pare! magpatawag na kayo ng albularyo, may nasapian!" dinig kong sabi ni Carlo pero hindi ko lang sya pinansin at itinuon ang atensyon sa screen ng cellphone ko.
Tinadtad nya na 'yung comment box.... ano kayang itsura nya ngayon, dapat pala nandon ako haha....
"Bru, ayos ka lang?" tinanguan ko na lang si Mark at tumawa ulit nang napakalakas..
"Mga bru, may laban tayo" sabi ni Paulo kaya naman napaangat ako ng tingin.
"Saan? Sino?" tanong ko.
"Sa dati pa rin at si LovingKiller ang makakalaban natin.." sagot nya kaya naman napangiti na lang ulit ako, oras na para bawian sya..
"Okay, tara na!" at tumayo na ako sa sofa.
"Yes boss!" sabi ni Carlo at sumaludo pa.
Lumabas ako ng hideout nang hindi tumitingin sa likuran, alam ko naman na nakasunod lang yung mga ugok na 'yun sa akin..
Amanda's POV
Habang iniimagine ko yung lalaking 'yun na pinapatay sa iba't ibang paraan ng pagpatay biglang yumunog yung phone ko at it means na may nagtext. Inabot ko yung phone ko sa study table ni Sapphire at tinignan kung sino ang nagtext. And I knew it, si Sandra lang pala...
******
From:SandraHey girl, meron tayong laban, sa lumang warehouse ulit at Demonsteed ang kalaban natin. Be there....
*******
Hayssss! Tamang tama, bad mood ako sa kanila ko na lang ibubuhos ang galit ko....."Ako na lang ba hinihintay?" tanong ko kila Sandra habang sinusuot 'yung mask ko.
"Yap!" masiglang sagot ni Darlene.
Hindi na ako nagsalita at pumasok na sa loob ng warehouse na ito. Ano kayang meron sa warehouse na ito at dito kami lalaban.
"Hello girls!" napalingon ako sa madilim na part at nakita ko 'yung Demonsteed, and as usual nakamask din sila.
Tinatago siguro nila 'yung mga pangit nilang mukha..
Napangiti ako bigla, na e-excite ako.
"Upakan na ba natin?" rinig kong bulong ng lalaki sa lider nila, tanging tango lang ang sinagot niya at kasabay naman ng pagsugod nung mga kasamahan nila.
Agad ko namang nailagan ang mga suntok at sipa nila. Sinubukan pa nila akong patidin, buti na lang nakatalon agad ako. Pero kahit anong bilis ng galaw ko, bigla akong nasapol ng sipa kaya naman agad akong natumba, pero agad din naman akong tumayo. Nakita kong nag-smirk 'tong lalaking 'to. Nilingon ko 'yung paligid at nakakita ako ng mga kahon, hindi sya exactly kahon kasi gawa ito sa kahoy. Agad kong sinampahan 'yung nasa pinaka mababang pwesto nang naramdaman kong papunta sya sa gawi ko, tumalon ako dahilan para mahulog ang mga kahon , at tumama ito dun sa lalaki.
"Fuck!" reklamo nya, kaya naman napangiti ako.
Nagtuloy tuloy lang ako sa pagtalon hanggang nasa pinakataas na ako kung nasaan ang open na 2nd floor. Hinanda ko 'yung sarili ko kasi alam kong pataas na sya sa hagdan. Inikot ko 'yung tingin ko, ang daming pwedeng gawing armas dito pero hindi naman kasi kami pwedeng gumamit nito. Ang pwede lang ay body protection, means parte lang ng katawan mo ang pwede mong gawing proteksyon. Napalingon ako nang nakarinig ako ng mga padyak, mukang nandito na ang hinihintay ko, nilingon ko sy aat ngumisi ako.
"I waited you for so long," sabi ko with sarcastic tone.
"Nevermind!" walang ganang sabi nya at lumapit sa akin.
"Stop!" pagpigil ko sa kanya pero hindi pa rin sya tumitigil. Sinubukan ko syang suntukin pero naiiwasan naman nya. Sinubukan ko ulit syang suntukin pero this time nahawakan nya naman 'yung kamay ko at hinawakan nya 'yung waist ko at inilapit nya 'yung sarili nya sa akin. Agad akong nakaramdam ng kaba, hindi ko alam pero parang pamilyar 'yung presensya nya, 'yung hindi ko man nakikita 'yung mukha nya kilala ko naman 'yung presensya nya. Nang nakakuha ako ng oras tinulak ko sya at sinipa ko sya. Iniwan ko syang uma aray sa sakit.
Bumaba ako at nakita ko 'yung mga kasama ko na nag- iinat inat . Mukhang alam ko na ang nangyari ah.
"Good job guys!" sabi ko sa kanila at tuluyan nang lumabas sa warehouse na iyon.
Habang abala silang nagtatawanan, ako naman napapangiti na lang din habang tinatanggal ang mask ko, pero pag alis ko nang mask ko nagulat ako sa nakita ko, well exactly nakasalubong namin, pati 'yung mga kasama kong tawa nang tawa napatigil din. Halata ang gulat sa aming lahat lalo na ako.
"Amanda bakit ka nandito?"
It's Sapphire......
**********
A/N: Hello guysue! Belated Happy New Year sa inyong lahat.
Don't forget to vote ang comment!!
Sino gustong magpa dedicate??? Just comment...
***********
BINABASA MO ANG
That NERD is a GANGSTER (ON HOLD)
Novela JuvenilTahimik, weak, lampa, matalino, sunod sunuran, laging binubully, mabait, duwag in short nerd Yan ang tingin sa akin ng mga tao pero hindi nila alam na ako ay kabaligtaran ng tingin nila. Hanggang kailan pa kaya ako magtatago sa ganito...