Chapter 25
Amanda's POV
Nagulat ako sa tunog ng aking cellphone, kinapa ko ito sa side table at pinatay ang alarm, pero maya- maya tinignan kong muli yung screen, Monday, 6:01 napatulala ako, Monday na?! Ayaw kong pumasok, ayaw kong makita yung impaktong John na iyon!
Maliban kasi sa nangyari nung isang linggo, may nararamdaman akong ewan ko, parang kinakabahan ako na parang na e-excite... Hindi ko alam!
"Hija, gising ka na ba?" Napalingon ako sa pintuan ng akong kwarto, magpanggap na lang kaya ako na may sakit? Kaso, kilala ko si tita, may pagka overreacting yan, baka magpatawag pa iyan ng kung ano anong specialist, baka nga magpatawag pa siya ng albularyo. Ang oa diba, pero iyan ang totoo nangyari na yan kay insan.
"Uhm.. Opo."
"Bumangon ka na dyan"
"Okay tita." Huminga ako ng malalim, ayaw ko talagang pumasok...
Bumangon na ako like what tita's said. Pumunta ako sa banyo dito sa room ko at tinignan ang sariling repleksyon sa salamin, at wala sa sariling kinausap ang sarili sa salamin. "I can do this, right? Ako si Amanda, na walang sinusukuan, I'm brave more than you thought." Muli huminga ulit ako ng malalim.
"Hello, Tita." Bati ko. "Hi insan!"
"Tss!" Pinabayaan ko na lamang siya, she's always like that.
"Musta pag aaral niyo." Isusubo ko na sana yung pagkain sa kutsara ko nang biglang nagsalita si tita. Patay! I'm not that active na sa school kaya hindi ako confident ngayon.
"It's fine. Completely fine as always." Napaawang ang labi ko sa sinabi ni insan, alam ko kung anong meron dyan sa 'it's fine', she's not that good at school kaya normal na rin kay tita ang it's fine ni insan.
Napailing na lang si tita tsaka niya ako binalingan, "What's about you, Amanda?"
"Uhh... It's okay tita." Nag- aalangan kong sagot siguro kung Sa ibang panahon, mahaba pa ang sasabihin ko pero ngayon, I don't think kung dapat pa ba akong maging confident.
Nang natapos na akong kumain tumayo na agad ako at nagpaalam na.
Habang palapit ako nang palapit sa school mas lalong nadadagdagan ang kaba ko.
Huminga ako ng malalim at hindi na lang inisip ang mga problema, kailangan kong maging positive.
Pero parang hindi ko talaga kaya. Luminga linga ako kung mero n pa bang ibang daanan maliban dito sa front gate. Wala....
"Hello!" Halos matumba ako sa gulat nang biglang sumulpot ang lalaking pinaplano kong takasan, sana...
"Uhm... Hello! Musta? Hehe..." Nag-aalangan kong bati. Tinaasan niya lang ako ng kilay na tila alam kung ano ang nasa isip ko ngayon. Sinubukan ko pang wag salubungin ang kanyang titig pero ang walang hiya talagang mapilit sinusundan yung tingin ko.
"Come on, bakit mo iniiwasan ang tingin ko?" Malungkot na sambit nito kaya napatingin ako sa kaniya.
Ngumiti siya sa akin. "Let's go." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko at pinag- intertwined ito. Awtomatikong napatitig ako sa mga kamay naming magkahawak. Bakit ganito maka-react yung puso ko?
John's POV
Pina- imbestigahan ko ang BEG, medyo mahirap makakuha ng impormasyon dahil masyadong sekluded ang mga taong nasa likod nito, although meron akong idea hindi iyon sapat dahil mahirap na, baka magkamali pa ako.
Napatigil ako sa pag-iisip nang makita ko si Amanda lumilinga linga. Napangiti ako, ang ganda niyang titigan, ang cute niya lang kasi...
This past few days hindi ko na iniisip ang tungkol sa kanya, I mean yung tungkol sa totoo niyang pagkatao. Ewan ko kung bakit.
Lumapit ako sa kanya, " Hello!" Napangiti ako nang makitang medyo nagulat siya ngunit hindi ko pinahalata. Binati niya naman ako pero nagka utal- utal pa siya na parang napaka hirap na batiin.
Tinignan ko ang kamay niya na medyo nanginginig. "Come on, bakit mo iniiwasan ang tingin ko?" Pinalungkot ko pa ang boses ko. Napangiti ako nang lumingon siya sa akin, sa wakas.
"Let's go." Hinawakan ko yung kamay niya na nanginginig at pinagsalikop ito.
***********
Napangiti ako habang naaalala yung kaninang umaga.
"May in love dito~" napatingin ako kay Carlo na pakanta pang nagsalita. At ang gago nakatingin sa akin. Sinasabi ko na nga ba. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Boss, chill!" At tinapat pa sa akin yung palad niya na parang sinasabing 'stop'
"Tsk. What are you doing here?"
"Wala naman." Biglang nagbago yung ekspresyon ng mukha niya. Parang may kung ano siyang kinatatakutan.
"Boss...."
Problema ng isang ito?
Tinaasan ko lang siya ng kilay at hinintay yung gusto niyang sabihin.
"Kasi John... Ano...."mas lalo pang tumaas yung kilay ko, ngayon niya lang ako tinawag sa pangalan ko.
"Kasi... May nagbigay sa akin ng mga litrato." Panimula niya at saka ko lang napansin ang envelope sa gilid niya, hawak niya.
"Ano naman ngayon?"
"Sabi sa akin ibigay ko daw sayo."at ngayon napakunot na ang noo ko.
"Tinignan ko...." Hindi niya na naman itinuloy.
"Si Amanda-----"
Hindi ko siya pinatapos magsalita at hinila yung hawak niya at dali dali itong binuksan.
Nanlaki ang mata ko. Si Amanda kausap yung babaeng minsan na naming patibong sa kanya. Lumilinga linga siya doon sa picture na parang may hinahanap.
Alam ko naman na siya si Loving Killer pero ang malaman ito ng mga kasamahan ko ang kinatatakot ko, sasaktan nila siya panigurado.
At hindi ko hahayaang gawin nila iyon sa kanya.
******
Super duper late update, alam ko iyon kaya patawad po! Wag po sana kayong magsawang maghintay. Maraming slamat po sa mga walang sawang sinusuportahan ang istorya ko. Iniisip ko na po siyang tapusin, is it a good news or a bad news?
BINABASA MO ANG
That NERD is a GANGSTER (ON HOLD)
Teen FictionTahimik, weak, lampa, matalino, sunod sunuran, laging binubully, mabait, duwag in short nerd Yan ang tingin sa akin ng mga tao pero hindi nila alam na ako ay kabaligtaran ng tingin nila. Hanggang kailan pa kaya ako magtatago sa ganito...