Amanda's POV
Haaay! lunes na naman at tinatamad pa akong bumangon pano ba naman kasi sigurado akong inaabangan na ako ng mga ka schoolmates ko nung nangyari last week...
Pero in the end bumangon lang din ako at naggayak nagiging absenera ako ngayong mga nakaraang mga araw lagot ako kay tita pag nalaman nya tong mga pinaggagagawa ko...Pagkatapos kong maggayak bumaba na ako ng hagdan at kumain ng breakfast nang mag- isa dahil maaga umalis si tita ppuntang trabaho at yung pinsan ko naman baka tulog pa at wala akong paki alam sa kanya. After kong kumain nag tooth brush na ako at lumabas na ng bahay. Habang naglalakad ako bigla na lang nag ring yung phone ko at nung nakita ko kung sino yung tumatawag sinagot ko agad kasi si Sandra naman pagkasagot ko sigaw agad ang narinig ko.
"Hoy! babae nandito ako sa base ng kalaban" sigaw niya at ano namang ginagawa nya doon.
"ANO!!! anong ginagawa mo dyan nasisiraan ka na ba ng ulo!" sigaw ko rin.
"WAG MO AKONG SIGAWAN BASTA PUMUNTA KA NA DITO" sigaw nya ulit.
Wala na akong ginawa kundi pumara ng sasakyan alangan namang mag lakad ako anong araw na ako nakarating doon.
"Kuya sa Street *****" agad kong sabi pagkasakay ko ng taxi. And what the fuck traffic pa.
"Kuya wala na po bang ibang daan nagmamadali po kasi ako" sabi ko na halos maisigaw ko na.
"Wala na miss eh ito na lang." sabi nya at pagkasabi nya non lumabas na ako ng taxi narinig ko pang sumigaw sya at pinapabalik ako pero indi ako bumalik at hindi rin ako lumingon sa likod ko dahil ang mahalaga ngayon ay mapuntahan ko doon si Sandra at mukang hindi nakikisama yung panahon dahil bigla na lang bumuhos yung ulan gustuhin ko mang lumilom hindi ko magawa dahil nagmamadali ako.
Pagkarating ko doon sa lugar na sinabi ni Sandra wala man lang nagbabantay sa labas siguro nasa loob siguro lahat, dinial k yung number ni Sandra at sumagot naman agad siya.
"Nasaan ka?" sabi ko agad "Nasa loob kami" sagot niya pero wait lang 'kami' "Sinong kasama mo dyan?" tanong ko. "Sila-- MAMAYA KA NA MAGTANUNG PUMUNTA KA NA DITO BILIS!!"at tumakbo na ako papasok sa inabandong bodega.
Nakita ko sila Sandra at iba pa naming kasama sa gang na nakatali at hawak nung isang lalaki yung phone ni Sandra.
"Sandra!"tawag ko sa kanya at muka namang narinig nila ako kaya napalingon sila sa akin oo pati yung mga Demonsteed napalingon sa akin pero yung may hawak kay Sandra, lider yata yun nakatakip yung muka nya ay oo nga pala naka mask din ako, ok balik storya na nga so yun nga nung nakita ako nung lalaki binitawan nya si Sandra.
" Ano na naman bang problema nyo!"
"Ikaw ikaw ang problema ko!! " sigaw nya.
"Ako, anong kasalanan ko?" sabi ko habang nakaturo sa sarili ko
"Hindi mo ba talaga alam hah tanga!" aba sumosobra na sya ah.
"Magtatanong ba ako kung alam ko at wag mo nga akong matawag na tanga kasi mas tanga ka!" hmp akala nya ha.
"Aba at sumosobra ka na ah!"
"Stop that nonsense, pakawalan nyo na yung kaibigan ko"sabi ko.
"What if ayoko" sabi nya at nag smirk.
"Don't insult me"sabi ko at nagtaas ng kilay.
Biglang tumahimik at tanging huni lang ng ibon ang naririnig. Hindi pa rin nawawala ang tensyon sa pagitan namin! Shit lang bakit parang familiar yung boses nya sa akin, maybe nakausap ko na sya pero saan ko ba sya nakausap?? Naglakad ako palapit sa kanya at nag smirk!
BINABASA MO ANG
That NERD is a GANGSTER (ON HOLD)
Novela JuvenilTahimik, weak, lampa, matalino, sunod sunuran, laging binubully, mabait, duwag in short nerd Yan ang tingin sa akin ng mga tao pero hindi nila alam na ako ay kabaligtaran ng tingin nila. Hanggang kailan pa kaya ako magtatago sa ganito...