GUYSEU BASAHINNIYO STORY NG KAIBIGAN KOOOO. DewDrew_Ant story niya ay. MS. PEN-NAASA GIRL. Baka magustuhan niyooo
Chapter 23
Amanda's POV
"Bes bakit ang tagal mo? Kanina ka pa umalis sa cafe, pero nauna pa rin ako." Napatingin ako kay Sapphire, sya lang naman nakakaalam ng sikreto ko diba?! Di kaya--- OF COURSE NOT, HINDI NAMAN SYA GANONG KLASENG TAO! Umiling ako.
"Ui bes, okay ka lang?" Inangat ko ulit yung tingin ko, tinitigan ko sya, alam kong kaibigan talaga yung turing nya sa akin.
"Huy!" Inalog alog nya pa ako.
"Huh?!"
"Ano bang nangyayari sa iyo?!"
"Wala." Wala sa sarili akong umupo sa upuan ko.
"Tell me, may problema ba?" Halatang nag aalala sya base sa kanyang pinapakita, sincere yung mata nya.
"Wala naman, naiinsecure lang ako sa iyo." Ngumiti ako sa kanya.
"Kanina nung dumating ka, humahangos ka. May problema ba?!"
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba yung nangyari sa labas kanina, yung usap usapan. Umiling na lang ako bilang sagot, hindi ko kayang sabihin.
"Sure ka?!" Tumango ako.
Hindi nya na ako kinulit pero alam kong may part pa rin sa kanya na nag dududa sya.
Sapphire's POV
Ang weird ni Amanda. Kanina sa cafe okay lang naman sya ah. Nung dumating ako dito galing sa cr, hinanap ko agad sya, may narinig kasi akong usap usapan sa labas, kaya nag aalala ako.
Pinabayaan ko na lang sya, mukang malalim yung iniisip nya. Nakarating din kaya sa kanya yung tungkol sa usap usapan? Siguro? Kasi ang tsi-tsismosa naman ng mga estudyante dito. Pero bakit kaya sya anon makatingin sa akin, parang may ginawa akong masama.
Tinignan ko sya at nahuli ko syang nakatingin sa akin pero nag iwas naman agad siya. Hindi kaya--- hindi naman siguro noh? Hindi naman sana nya ako pinag hihinalaan diba?
Tumingin ulit ako sa kanya, nakatingin naman sya ngayon sa malayo, mukang malalim yung iniisip nya.
Amanda's POV
Tumingin na lang ako sa labas, hindi kasi ako mapakali, tingin sya sa akin nang tingin. Na co-concious tuloy ako. Nag iisip ako ng mga bagay bagay basta ayaw kong isipin yung tungkol sa nangyari sa labas kanina.
"Sabi ko na nga ba may tinatagong kademonyohan 'yang babaeng yan" bigla nagpintig yung tenga ko, sa lahat ng madadaanan ko may naririnig akong kung ano ano pero sadyang sobrang sama ng narinig ko. Tumingin ako sa kanya pero tinaasan nya lang ako ng kilay.
Siniko sya ng mga kaibigan nya pero tinaasan nya rin ng kilay yung mga kaibigan nya kaya naman pinabayaan na lang nila.
"Tara na." Aya nung isa nyang kaibigan at hinihila yung manggas ng blouse nya. Tinignan nya ito at ibinalik ulit ang tingin sa akin at saka ako inirapan. Tss. Ang yabang!
Paano kaya nila nalaman? Wala akong kilala na pwedeng magsabi ng sikreto ko maliban kay Sapphire, ayokong isipin na sya yung may gawa pero di ko naman maiwasan dahil unang una sya lang pinagsabihan ko nito. Napabuntong hininga na lamang ako, hindi ko alam kung ilang beses na akong napabuntong hininga dahil sa pagka balisa. Pinilit kong ituon ang atensyon ko sa buong klase pero walang epekto dahil yun at yun lang din ang naiisip ko.
Ano bang nangyayari sa akin?
*****
"Bes, ano bang nangyayari sayo?" Nakakunot noong tanong sa akin ni Sapphire pero tanging iling lang ang sinukli ko sa kanya.
"Ilang araw ka nang ganyan." Yeah, ilang araw na ang lumipas simula nung issue sa akin at wala pa ring nagbabago, ganon pa rin yung mga tingin nila sa akin, pati si Sapphire naaapektuhan, sinasabihan nila na tanga dahil maghahanap na nga lang daw ng kaibigan yung katulad ko pa pero parang wala lang naman sa kanya kasi sya pa mismo yung nang aaway kapag may mga naririnig syang balita tungkol sa akin.
Sana....Sana totoo yung pinapakita nya...
"Wala lang toh."
"Finally, nagsalita ka rin" masigla nyang sabi kasi kanina pa ako walang kibo.
"Okay ka lang? Basta 'wag kang papa apekto sa mga sinasabi nila kasi wala silang alam, okay?" Tumango na lang ako.
Well maganda na ulit ang performance ko dito sa room kasi araw araw naulit akong pumapasok. Pero minsan nawawala sa topic kasi madalas akong space out.
"Cr lang ako." Hindi ko na hinintay yung sasabihin nya tumayo na agad ako at naglakad patungo sa cr. Pagpasok ko ng cubicle may narinig akong boses, tatlo sila well pababayaan ko na lang sana pero nang narinig ko kung ano ang pinag uusapan nila napahinto ako.
"Grabe yung nasa bulletin board ano? Sino kayang may gawa nun?"
"Psh. Tinatanong pa ba yan I'm sure yung creepy na nerd."
"Hindi rin siguro kasi bakit naman nya ipopost yung ganoong bagay sa bulletin eh alam nya naman na makikita yun lahat ng estudyante."
"May point ka naman, tara na." Tsaka ako nakarinig ng papalabas na kaluskos, napatunganga pa ako bago lumabas sa cubicle. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin, kahit ako natatakot ako sa sarili ko, ewan ko kung bakit. Napag isipan ko ng lumabas ng cr nang may biglang may nanghila sa akin, tinakpan nya ang bunganga ko habang nakadikit ang likod ko sa pader. Minulat ko yung mata ko, napapikit kasi ako kanina dahil sa takot. Si----
"Anong ginagawa mo dito John?" Tanong ko pagkatapos nyang tanggalin ang kamay nya sa bibig ko.
"Shh..."
Napalunok ako kasi ngayon ko lang narealize na ang lapit pala ng muka namin sa isa't isa.
"Kilala na kita, LovingKiller."
****
Bitin ba? Sorry naman! Well gusto nyo bang magkaroon ng Special chapter?
Vote! Comment!
BINABASA MO ANG
That NERD is a GANGSTER (ON HOLD)
Teen FictionTahimik, weak, lampa, matalino, sunod sunuran, laging binubully, mabait, duwag in short nerd Yan ang tingin sa akin ng mga tao pero hindi nila alam na ako ay kabaligtaran ng tingin nila. Hanggang kailan pa kaya ako magtatago sa ganito...