Chapter 24
Amanda's POV
"Kilala na kita LovingKiller," napalaki ang mata ko, binitawan nya ako tsaka lumayo. Tama ba si Sandra, sya yung....
"I'm the leader of Demonsteed," nasagot ang tanong ko, sya nga. Mas lalo akong natakot gusto kong magtanong ngunit walang salitang lumalabas sa bibig ko, siguro dahil sa pagkabigla, paano nya nalaman?
"Pa-paano mo nalaman?" Salamat at nakapagsalita na rin ako.
Ngumisi sya tsaka tumingin sa akin at tumalikod akala ko aalis na sya dahil naglalakad na sya palayo sa akin pero huminto sya, "Mamaya sa dati, maghihintay ako" tsaka sya tuluyang umalis.
Sht ano bang nangyayari? Dahil sa frustration bumalik ako sa room, kinuha ko na ang bag ko at umalis, uuwi na lang ako.
*****
"Okay ka lang ba talaga?" Tanong ni tita. Tumango na lamang ako bilang sagot.
"Ano bang nangyari sayong bata ka at nagkakaganyan ka? O sya maiwan muna kita dyan, wag kang gagawa ng kung ano ha?" Tumago ulit ako, napabuntong hininga si tita bago lumabas sa kwarto ko. Dahil sa kamamadali ko kanina hindi ko tuloy nakita yung nasa bulletinboard, nasa dinaanan ko naman pero sadyang hindi ako makapag isip nang maayos, tapos iniisip ko rin kung pupunta pa ba ako mamaya.
Nag-iisa lang ako ngayon, ngayon lang ako umuwi pagkagaling sa cutting class. Pagkadating ko kanina, nasa garden si tita tinitignan ang kanyang mga halaman doon. Hindi ko na lang sana sya papansinin kanina pero napansin nya ako, natumba pa nga ako kaya agad syang nagpakuha ng tubig at dinala na nga dito sa kwarto ko. Hindi ko alam kung paano ako nakasakay ng taxi basta ang alam ko sinisingil na ako nung drayber.
*SIGH*
Paano nya kaya talaga nalaman?
"Mamaya, sa dati, hihintayin kita."
Ano kayang kasalanan ko nung past life ko at pinaparusahan ako ng ganito, well I deserve it naman pero bakit ganto, sobra naman na yata ito, una namatay ang parents ko tapos sumunod naman si kuya tapos ito naman ngayon. Tapos isa pa, bakit si John? Pwede namang iba na lang. Ang daming tao dyan, lalaki. Pero bakit sya pa?! Tinuring ko na syang kaibigan.
Kaibigan nga lang ba?
Napasabunot ako! Hindi ko na talaga kaya toh!
Well, I admit na kapag kasama ko sya o kaya kausap ko sya o malapit lang sya sa akin, iba ang nararamdaman ko, it can't be love kasi sa gantong kaikling panahon natutunan ko na syang mahalin? Diba hindi pwede. Kaya imposibleng mahal ko sya!
Wala naman akong sinasabi na mahal mo sya ah!
Sht! Tumahimik ka nga! I don't need your fucking opinion! Mukha na siguro akong baliw kasi kanina ko pa hawak hawak ang buhok ko habang nagpapagulong gulong sa higaan. Tch! Wag kayong maingay ha?
Oo na, siguro nga mahal ko na siya! Pero hindi kami pwede alam ko 'yan? Kaya kailangan ko nang kalimutan 'tong nararamdaman ko at kalimutan na lang ang pinagsamahan namin. Oo alam kong mahihirapan ako dun, pero diba sabi nga nila "Pag gusto, gagawa ng paraan" so gagawa ako ng paraan no matter what!
Gusto mo ba talaga?
"Sht! Hindi ka ba talaga titigil? Go away!" This time napasigaw na talaga ako, naiinis na talaga ako eh!
*SIGH*
Okay, pupunta ako mamaya.
*SIGH*
John's POV
Nagtataka rin siguro kayo kung paano ko nalaman ang tungkol kay Amanda or should I say LovingKiller?
Hindi nababagay sa kanya ang codename nya, dahil unang-una hindi naman sya pumapatay, tsk! Pathetic! Well pangalawa, sinong mag aakala na ganon syang tao! Sabi ko na nga ba eh, simula pa lang hindi na talaga maganda ang kutob ko diyan sa babaeng yan! Simula pa lang!
Sana pumunta sya mamaya, may gusto kasi akong sabihin!
*SMIRK*
Amanda's POV
'Wag na lang kaya akong pumunta don, baka patayin na nila ako ng tuluyan. Malay ko kung marami sila dun at ipabugbog ako ng lalaking yun, baka nga sya pa mismo ang bumugbog sa akin.
Hindi ako natatakot ha? May part kasi sa akin na nagsasabi na kailangan kong pumunta pero may part din na wag na daw akong pumunta mapapahamak lang ako.
Back to reality, naglalakad na ako ngayon dito sa madilim na eskinita, and I can say na nakakatakot talaga dito, pero hindi ako kinakabahan kasi marunong naman akong lumaban, ano!
"What's up?" Banggit ko pagkarating ko sa lugar na usapan.
"Dumating ka!" Sabi niya habang nakangisi.
"What do you think to me? Coward?" May halong pang iinis ang pagkasabi ko nito, nawala naman ang ngiti niya pero bumalik lang din agad.
Ngayon, wala akong suot na kahit anong pangtakip sa mukha ko, kilala niya na lang din naman ako eh.
"What do you want?" Kahit alam ko na kung anong sasabihin niyo or more likely kung anong gagawin ni----
"Wait, where's your members? Your weak members?" I said in sarcastic tone.
"Don't underestimate my people!"
"I don't. I'm just stating the fact."
"Can you just shut up, peculiar nerd! People should call you with that name, do you agree?" Nainis ako sa sinabi niya pero nginitian ko lamang siya.
"Yes, it would be great!" Ginawaran ko muli siya ng isang matamis na ngiti.
"Well then, don't worry, bukas na bukas they will call you with that name!"
Siya naman ang ngumiti at ako naman, napakunot ang noo. Anong ibig niyang sabihin?
"Hindi mo pa nakikita yung nasa bulletin board ano?" Mas lalong kumunot ang noo ko pero tumango pa rin naman ako."Goodbye." Lalagpasan niya na sana ako ngunit hinawakan ko sya sa pulsuhan niya.
"Anong nakalagay doon?" Mahina ngunit may diin na wika ko.
"Go! Find out with yourself." Tsaka niya kinalag ang pagkakahawak ko sa kanya.
Pinabayaan ko na lamang siyang umalis pero muntikan ko nang makalimutan, ano pa lang sasabihin niya?
"Wait!" Hindi siya lumingon pero huminto naman siya.
"Ano nga pala yung sasabihin mo sa akin, I don't think na tungkol lang ito sa 'peculiar' thingy?"
Tuluyan siyang lumingon sa akin at ngumisi na parang nang iinis, pero bakit ganoon I found it cool and sexy, umiling ako, hindi nagyon ang oras para pagnasaan ang lalaking nasa harap ko ngayon na minsan nang naging parte ng buhay ko. Fuck this life.
"You're right, it's not about that peculiar thingy" naagaw niyang muli ang atensyon ko at talagang ginaya niya ang pagkakasabi sa peculiar thingy, and for the second time I found it cute but at the same time hot, muli kong iniling ang ulo ko.
"Ano bang nangyayari sa akin?" Kahit ang sarili ko ay hindi ko na rin makilala!
I retrain myself at tumingin muli sa kanya.
"Kung ganoon ano ang sasabihin mo?"
Tinaasan niya ako ng kilay, "Bakit ko sasabihin, alamin mo." At tuluyan niya na akong iniwan doon ng nag iisa at mistulang napanganga ako.
"Arghhh" ano bang gagawin ko sa iyong lalaking ka?!
********
Hanggang diyan na lang ulit!!
Vote & comment....
BINABASA MO ANG
That NERD is a GANGSTER (ON HOLD)
Fiksi RemajaTahimik, weak, lampa, matalino, sunod sunuran, laging binubully, mabait, duwag in short nerd Yan ang tingin sa akin ng mga tao pero hindi nila alam na ako ay kabaligtaran ng tingin nila. Hanggang kailan pa kaya ako magtatago sa ganito...