Chapter 1 Lusian

3.4K 57 2
                                    

Lusian

Nandito ako sa ilalim ng malaking puno kung saan nakaupo sa lilim nito at nag aantay sa isang tao hinahangaan ko.

Una ko palang siyang makita dito ay napahanga na niya ako. Aksidente ko lang siyang nakita sa lugar na ito.

Subrang nakatuon ang atensyon niya sa pag lalaro nya kaya naman ay napatingin ako dito isa lamang itong curiosity pero ng makita ko siya ay nagandahan ako dito.. at mabilis na kumakabog yung puso ko sa pag titig sa kanya..

Pawis na pawis ito pero maganda parin naka suot lang ito ng t-shirt at maikling shorts, bawat galaw nya ay naka sunod lang ang mata ko sa kanya. Ang cool nya tingnan pag tumatalon siya at ipasok ang bola sa net... At ang cute nya kapag ka ngumingiti ito.

Nagagandahan din ako sa mga mata nya na determinado ito at kanyang mga labi na kapag ngumingiting kay tamis ay na papatitig talaga ako at yung ilong niyang matangos na parang gusto ko itong pisilin.

Sino kaya siya?

At sa isang kapwa ko pang babae ito nararamdaman ang paghanga na ito..

Yes sa babae hindi naman talaga ako ganito sa ibang mga babae sa kanya lang talaga! Yun na ang araw na Love at first sight ako dito.

Lagi din kumakabog ng malakas yung puso ko pag nakikita siya.

Gusto ko din siyang makilala kung bakit ganito ang nararamdaman ko, Bakit lagi siyang nasa isip ko.

Kaya lang everytime na nakikita ko siya ay palagi nalang akong nagtatago kapag ka napapalingon ito sa Direksyon ko.

Hindi ko pa alam nun na nag aaral din pala ito sa pinapasukan kung eskwelahan. Kaya nung nakita ko siya dun ay subrang natuwa talaga ako at the same time ay nalungkot din dahil baka hindi ako magustuhan nito.

Ahg! Gusto ko siya lapitan at mag pa kilala kaya lang ay hindi ko talaga siya magawang lapitan! dahil sa nahihiya ako! Baka straight syang babae. Natatakot din ako ma-reject.

Kaya ito ako palihim na sumusulyap dito sa malaking puno na ito kung saan lagi siyang nag pa-practice ng kanyang pagsho-shot ng bola sa net.. meron kasing basketball net dito sa park na malapit sa bahay namin.

Hindi naman talaga ako mahilig lumabas ng bahay eh kaya lang may bisita yung pinsan ko ng araw na yun at hindi ako mahilig talagang makipag salamuha sa iba kaya na pinili ko nalang pumunta dito at ayun salamat at nakita ko ang isang kakaibang babae na nagpatibok nitong puso ko!

Pumupunta siya dito sa park palagi para mag practice pero may kaliitan siya at magaling din naman ito dahil kasali siya sa Women's Basketball Team sa school ang cute cute nya minsan pag ka nakikita ko siyang nag lalakad sa Campus na suot suot yung Varsity Jacket! Bagay na bagay sa kanya!

Nasaan na kaya yun.. sabi ko sa isip ko ng tingnan ko ang wristwatch ko wala pa kasi ito, gantong oras siya kung mag practice..

Feeling ko hindi buo ang araw ko ng hindi siya nakikita kahit saglit man lang. Hindi ko siya nakita sa school kanina kaya naman dito ko nalang sana siya pag mamasdan!

Napatingin ako sa langit mukhang mag gagabi na..

Malungkot akong nakatungo at naka titig sa lap ko. Iniisip kong uuwi na ba ako o aantayin ko pa.

Nasa ganyan akong ayus ng may marinig akong bola na tumatalbog..

Agad ako na pa tingin sa likod at sumilip sa gilid ng puno..

Medyo tago ito sa may parte ng park may kalakihan din ito kaya wala masyadong tao dito at madami ding puno!

Napa ngiti ako ng makita siya ang ganda nya talaga at cute nya sa ponytail nya!

Secretly In Love (GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon