Chapter 40 Stupid

476 13 0
                                    

Andrea

Buong week ay hindi ko kinausap siya hindi rin ito nag papakita sa akin.

At tulad ng dati itong si Hailey ay kinukulit ako.

Hindi ko parin ito pinapansin wala na kong gana pang magkaroon ng relasyon pare parehas lang naman na lolokohin ka sa huli.

"Andrea!" Sigaw ni Kyla tumingin naman ako dito ng walang emosyon pati rin ito araw araw din akong kinukulit na kausapin ko siya.. hindi ba siya nahihiya sakin sa ginawa nyang pan loloko sakin?!

"Makinig ka nga walang na mamagitan samin ni Lusian!" Paliwanag nya yan lagi sinasabi nya pero nakita ko sa mismong mga mata ko yung palagi silang mag kasama ni lusian sa pag uwi lalo na sa pag pasok.

Hindi ko nalang ito kinausap at tinalikuran ko nalang siya masakit ang ginawa nila sakin dahil nag mukha lang akong tanga.

"Baliw ka talaga alam mo bayun!" Sabi nito na sumusunod sa akin.

"Andrea makinig ka naman! Pwede?!"
Pero di ko parin siya kinakausap at mabilis lang akong nag lakad.

"Ayuko sana ito sabihin sayo dahil dapat si Lusian ang mag sasabi nito kaya lang ang tigas ng ulo nya kaya naman ako nalang!"  Sabi nito at hinila ako sa may sulok.

"Makinig ka Andrea! Mag kapatid kami! Okay?!" Galit nyang sabi sakin na agad akong na bigla sa sinabi nya.

"Si Lusian ay Lucy! Kapatid ko sya Andrea kaya tama na yang pagiging tanga nyo sa isa't isa at mag usap kayo!" Saka na ito umalis na naiwan ako na naka nganga lang.

Siya si Lucy?! Napasabunot nalang ako sa ulo ko sa subrang gulat sa sinabi ni Kyla.
Pero ang alam ko ay iba ang itsura at ugali nun..

Teka wait.. naalala ko yung kwento sakin ni Lusian about sa pag kamatay ng mama nya at sa ng yari sa kanya na naiba yung alaala nya at ang sabi nya ay bumalik ito nung naaksidente sila ni Brianna..

So ibig sabihin sya yung Ice block na yun? Yung buwisit na kapatid ni Kyla na walang ginawa kundi titigan ako ng malamig?!

Kailangan ko sya makausap! Mabilis na nag lakad ako papunta sa Classroom nya.

Pero agad akong napahinto dahil naalala ko yung ginawa ko sa kanya napasapo ako sa noo ko at gusto ko ito i untog! Bakit ko sya sinaktan ng hindi man lang narinig yung explain nya sakin!!!!!!!

Kakaasar ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kanya siguradong galit ito at may pa space space pa akong nalalaman!!!!

Ahh!! Napasabunot nalang ako sa sarili ko.

Saka nalang ako nag lakad papunta sa Classroom ko siguro ay kailangan ko mag isip ng paraan na maka usap ko ito ng masinsinan. Ang tanga ko kasi agad akong naniwala sa nakita ko at inassume ko pa ito agad..

Nakakahiya kay Kyla na nadamay pa siya sa away naming dalawa..

Lagot sa akin yang Hailey na yan mukhang alam ko na ano balak ng bwisit!!

Pumasok na ako sa classroom at hindi pinansin si Hailey mamaya ito sakin  dahil may klase na kaya hindi ko pa ito masasapok ngayun.

Matapos ang  mga klase namin ay wala na akong inaksayang oras at sinampal ko na agad ito!.

Nagulat naman sya sa ginawa ko pati narin mga kaklase ko.

"Sana ay hindi ka nalang nag pakita sa akin dahil sayo nasira pa kami ni Lusian!" Inis na sabi ko nahulog ulit ako sa schemes nito katulad ng dati na hulog din ako sa pakana nya!

Haha bakit ba ako nag paka tanga noon at ngayun tanga parin ako!

Tiningnan ko siya ng subrang galit at sinapak siya.

Secretly In Love (GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon