Chapter 13 A suitor??

625 23 0
                                    

Andrea

"So okay yung kagabi?" Tanong sakin ni Kyla.

Okay ba kagabi? Mukhang hindi nga eh....haay lasing na lasing sya at hindi maalala yung ng yare..

"Hindi eh balak ko siya yayain bukas manuod ng sine" sabi ko dito.

"Haaay sabi ko naman sayo noon pa lumapit ka na kaya lang ayaw mo naman! Kung hindi ko sinabi sayo kahapon na masama ang pakiramdam ni Lusian hindi ka pa siguro makakalapit ngayun!" Sabi nya habang pailing iling ito sa kanyang ulo.

"Kung hindi naging okay bakit parang may pahawak hawak kamay pa kayo?" Nakangiting sabi nito

"Gusto ko lang hawakan yung kamay nya" sabi ko dito.

Agad na nawala yung ngiti nya ng sinabi kong yun at tapos lumilinga linga siya sa palig at lumapit sakin at bumulong "alam mo napansin ko kanina lagi siyang nakatingin sayo! Baka gusto karin nya!"

"Sira wag mo nga ako paasahin dyan!" Sabi ko dito kakaloka tong kaibigan kong tuh baka umasa pa ako!

"Ikaw bahala o sya sige papasok na ako kitakits nalang mamaya manunuod ako ng laban mo!"

"Ay sus si Capt lang papanuorin mo!" Pang aasar na sabi ko dito.

Agad namn itong namula at sinuntok ako sa tyan! Saka tumakbo papasok sa room nila.

Sakit nun ah!

Nag lakad nalang ako papunta sa classroom ko.

"Hi Andrea" bungad na sabi sakin nung kaklase ko si Jairus.

Tumango lang ako sa kanya saka umupo sa upuan ko haaay ang hirap talaga pag maganda! Haha ang hangin ko!

"Good luck mamaya ah ito flowers for you" sabi nito sakin at may inaabot na flowers. Hindi ko ito kinuha ahg! Gwapo ito kung straight lang ako baka kinilig na ako kaso hindi eh.

"Jairus diba sabi ko may iba na akong nagugustuhan okay?" Sabi ko dito ang kulit talaga naka ilang ulit ko na ata itong binasted eh wala parin sa kanya.

"Sino naman wala naman akong nakikita at saka alam ko na single ka pa malay mo magustuhan mo ako diba?"

"Aherm Jai ang kulit mo talaga! Sabi na sayo na may nagugustuhan na siyang iba at saka naka upo ka sa upuan ko baka pwedi umalis ka?" Sabi ni Faith buti nalang at dumating na ito. Takot sa kanya si Jairus dahil sa mas matangkad pa si Faith kay sa sakanya.

"Thanks Faith" sabi ko dito.

"Okay lang yun ano kaba" sabi nito habang ginugulo yung buhok ko.

"Ay Faith naman eh!" Reklamo ko sa kanya.

Tumawa lang siya.

Nagsimula na ang klase namin kaya nakinig na kami ito lang nafirst subject namin ang papasukan namin bago kami pumunta sa Stadium.
.
.
.
.

Ng matapos ang klase namin ay agad na kami lumabas ni Faith sa room madami nag sasabi samin na galingan namin at manunuod daw sila.

Haaay gusto ko sana na manood si Lusian pero mukhang may gagawin siya.

"Liit bakit parang ang lungkot mo hindi ba okay ng yare sa date nyo kagabi?" Sabi ni Faith.

Magsasalita sana ako ng may lumapit sa amin na babae.

"Hi" sabi nito sa akin.

Agad akong tumingin dito ng walang expression ito yung babaeng ka holding hands ni Lusian ah!

Tumaas yung isang kilay nito at naka smirk pa!

Nang aasar ba ito?!

"Ano kaylangan mo?" Mataray kong sabi dito.

Tumawa lang ito saka may inabot na papel.

"Ito oh ibibigay ko sayo bilang regalo na din sa kanya.." sabi nito at saka inilagay nya ito sa kamay ko at umalis na..

Kunot noo kong tingnan kong anong laman ng papel na ito. Itatapon ko sana ng pigilan ako ni Faith.

"Tingnan mo muna kong ano nakasulat diba kasama yan ni Lusian malay mo mag kaibigan lang sila kaya nakaholding hands sila nung makita mo sila kahapon! Nag seselos ka agad eh!" Sabi nito.

Binuksan ko nalang kong ano ang nasa papel at napa nganga ako ng makita kong ano..

"So ano? Patingin ako!" Sabi ni Faith pero tinago ko agad hindi siya pinansin.

Masaya akong pumunta ng Stadium habang kinukulit ako ni Faith kong ano ba talaga yung nakasulat sa papel..

Siguro nga tama si bakulaw Kaibigan nya lang yung babae pero bakit nya binigay sakin ito baka alam nya na may gusto ako kay Lusian pero papano kaya nya yun nalaman?

Secretly In Love (GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon