Lusian
"Bakit kaba nandito?!" Tanong sakin ni Brianna pero hindi ako kumibo.
"Oi! Kinakausap kita" sabi nito habang sinisipa ako.
"Hayaan mo nalang ako..." Sabi ko
"Anong hahayaan eh andito ka sa kwarto ko!"
"Gusto ko dito eh.."
"Okay lang naman pumunta ka dito! Pero wag ngayun dahil kasama ko si Alexa Nakakaistorbo ka!"
Tama si Brianna nakakaistorbo nga ako wala eh naiinggit ako sa kanila buti pa sila mag kasama! Kaya ito ako nakahiga dito sa kama nya sa may paanan nila.
Nanunuod kasi itong dalawa ng movie wala ako magawa eh!
"Bored ako!" Sabi ko sa kanila.
"Bakit hindi mo kausapin si Andrea!"
"Wala akong number at saka busy sya!"
"Pwedi manahimik na kayong dalawa! Hindi ko na maintindihan yung pinapanood ko!" Inis na sabi samin ni Alexa at binato kami ng unan.
Agad ko naman sinalo at ginawang unan ito.
Nakita ko sumisenyas si Brianna na lumabas na ako.
Inirapan ko lang siya bahala ka dyan!
Hahaha sarap talaga ito buwisitin!"Ah" sigaw ko dahil sinipa ako ng malakas at nahulog ako sa sahig! Sakit nun ah!
Tiningnan ko siya ng masama saka ako tumayo at hinampas siya ng unan!
Dali dali ako lumabas sa kwarto nya at pumasok sa kwarto ko.
Haay gusto ko lumabas sa bahay kaso wala eh mag gagabi na rin makatulog na nga lang!
.
.
.
.Riiiiinnnng riiiiinnnng..
Nagising ako ng may tumawag sa akin. Kinapa kapa ko yung bedside table kung nasaan yung cellphone at saka ito sinagot.
"..Hello.." sagot ko dito habang naka pikit ang mga mata ko at mukhang garalgal din itong boses ko..
"Hello Lusian.." pagkadinig ko sa boses ay agad akong napa bangon at tiningnan yung phone.
Nakalagay ay Unknown number..
Pero Familiar yung boses!
Kinurot ko yung tagiliran ko baka nanaginip ako! Ouch! Mukhang hindi.
"Hello?" Sabi ulit nito shaaacks hindi nga panaginip!
"Hello...ahm papaano mo nalaman number ko?" Sabi ko na naka pag tatakang alam nya number ko pero nakakakilig kasi ang ganda ng boses nya!
"Ahmm binigay kasi ito ng Friend mo na babaeng naka salamin" sabi nito.
Babaeng naka salamin si ALEXA??!!
What loko yun ah hindi man lang sinabi sakin na surprise tuloy ako!
Pero magandang surprise naman!!"Andyan kapa?" Tanong nito.
"Ah yes andito pa ako..." Reply ko agad sakanya.
"Pwedi ba kita yayain na lumabas bukas?" Tanong nya sakin at napahawak ako ng mahigpit sa cellphone ng sinabi nyang iyun.
Lumabas saan kaya sana ay wag sa matataong lugar!
"Saan ba tayo pupunta bukas?"
"Hmm basta surprise ko nalang wala din naman pasok bukas kasi Holiday diba" Sabi nya agad.
Napatingin naman ako sa calendar oo wala nga pala pasok bukas kaya pala may laro kanina! Mas focused kasi sa academics ang school kaya paminsan minsan lang may events.
Pero ano gagawin ko kong bigla ako dalhin nito sa isang matataong lugar? Baka masira pa yung date namin!
"Lusian?.."
Wait date ni yaya ba ako makipag date nito?!
"Ahmm ni yaya mo ba ako makipag date?" Sabi ko na umaasa.
"Yes"
Agad ako napatalon ako sa kama sa subrang tuwa!!
"Friendly date lang naman so pwedi ka ba bukas?" Pagkasabi nya yun ay muntik ako mahulog buti nalang at na balanse ko sarili ko sa kama.
Ahg akala ko romantic date!!!
"Oo sige " sabi ko na hindi maiwasang malungkot.
"Mga 3pm?"
"Okay"
"Sige see you tomorrow goodnight!"
"Sige goodnight" sabi ko at pinutol na yung linya..
Haaay kaya nga sinasabi ng iba wag agad assuming.. ayan tuloy lalag lag yung puso ko haaayss.
Baka nga iba talaga yung sinasabi nya na Gusto nya ako.. gusto nya lang siguro ako bilang kaibigan..
Ang sakit pag nag ka taon na kaibigan lang talaga yung gusto nya..
BINABASA MO ANG
Secretly In Love (GirlXGirl)
RomanceMeet Lusian ang babaeng cold face sabi ika nga ng mga estudyante sa school na pinapasukan nila pero walang na kakaalam na ang cold face na ito ay my crush sa kapwa nya babae at patay na patay pa siya dito. Nagtatago siya sa tuwing nakikita nya ito o...