Chapter 38 Cheater??

400 14 0
                                    

Andrea

Nag mamadali akong maglakad habang nakabuntot lang itong si Hailey.

Hindi ko nalang siya pinansin subrang takot at pag aalala yung nararamdaman ko ngayun.

Pag ka dating ko sa pinto ay agad ako humugot ng lakas ng loob at saka kumatok at pumasok.

Nakita ko si Dad na hawak hawak yung kamay ni Mama walang malay itonh si Andrew naman ay tahimik lang sa tabi at nakayuko lang.

Lumapit ako kay dad at yumakap sa kanya.

Umiiyak ito at mahigpit ang hawak kay Mama.

Para bang wala ako sa sarili ko ngayun subrang takot na takot ako sa tawag ni Dad kanina ang sabi nya isinugod si Mama sa Hospital dahil bigla itong na himatay.

"Dad ano po ng yari?" Sabi ko na nag alala tumingin sakin si Dad umiiyak ito pero napakunot noo ako dahil hindi ito umiiyak sa lungkot kundi umiiyak sa tuwa?

"Anak! Mag kakaroon ulit kayo ng bagong kapatid!" Masayang sabi ni Dad na agad nag dilim yung mukha ko at inis na tumingin sa kanya!

"O bakit hindi ka ba masaya na mag kakaroon tayo ng bagong myembro ng pamilya!" Sabi nito at saka sya lumingon kay mama na para bang ito na ang pinaka fragile sa buong mundo at takot syang humawak sa tyan!

Naku kong hindi ko lang siguro dad ito baka nasapok ko na.

Tumingin ako kay Andrew at nakita ko na kaya pala yumuyuko ito dahil sa ganun din ang mukha nya na katulad sa akin parehas kaming na guyo ng Dad namin.

Napa upo nalang ako sa tabi nya.

"Ate.. mag kakaroon na tayo ng brat sa bahay" sabi nito na wala wesyo.

"Oo at hindi ka na fav nila dad at Ma'am" asar ko sa kanya na agad naman itong tumingin sakin ng ubod ng sama kaya binatukan ko lang ito.

"Tusukin ko yang mata mo" sabi ko dito.

Nakarinig naman ako ng mahinang tawa at dun ko lang naalala na andito pala itong si Hailey kaya naman tumayo ako at saka sya hinila papunta sa labas

"Bakit ka ba sumunod sa akin?" Inis na sabi ko dito sya ang may dahilan kong bakit ayaw ako kausapin ni Lusian!

"Nag alala lang ako sayo dahil kanina takot na takot ka" sabi nito.

"Tigilan mo na ako Hailey Please lang!" Inis na sabi ko dito at saka na pumasok sa loob.

Kinuha ko yung phone ko at naalala na mag kikita pala kami Lusian sa garden kaya ini on ko ito pero lowbat na pala ito.

"Drew pahiram ako ng Cellphone" sabi ko sa kapatid ko.

"Wala nakalimutan ko sa subrang pag aalala ko nakalimutan ko pa phone ko!" Asar na sabi nya.

Tumingin naman ako kay dad at ganun din siya nakalimutan nya din galing kasi ito sa office.

Malas talaga papano ako makakapag text nito!

Pagkagising ni Mama ay agad na kaming umuwi dali dali akong pumasok sa kwarto at chinarge ang phone ko at ini on ito.

Nakita ko na madaming text at tawag ito kaninang tang hali.

Patay ako nito agad akong tumawag pero hindi ko ma-contact nag text ako nag magkita kami pero walang reply.

Ahg mukhang galit nanaman ito sa akin..

Napahiga nalang ako saka binuksan yung Facebook ko pampalipas oras

Baka mag reply din ito sa akin.

Scroll lang ng scroll hanggang sa may nag chat sakin si Faith.

Ang sabi nya nakita nya si Lusian kanina sa harap ng room at may nasabi sya ata dahil lumamig nalang daw ito bigla.

Tinanong ko kung ano at nakatikim sya ng mura sa akin!! Kaasar itong si Faith! Ngayun mas lalong lumala kaya pala hindi ko ma-contact yun pala ayaw na naman ako kausapin!

Ahg! Ano gagawin ko hindi ko na alam kong saan siya ngayun!

Tumawag ako kay Brianna baka may alam siya kong saan pero itong Brianna din na ito ay out of coverage area.

Ano gagawin ko ngayun! Bakit parang pinapalayo kami!

Kasalanan ito lahat ni Hailey!

At itong demonyo na ito agad na sumulpot at nag chat sakin.

May binigay lang itong link at sabi magugulat daw ako sa matutuklasan ko.

Kaya ako naman ay na curious din kaya pinindot ko iyun at ng makita ko ay agad akong napa bangon sa kama at nanginginig habang tinitingnan yung mga pictures ni Lusian at Kyla na mag kahawak ang kamay tapos meron pa yung nakayakap si Lusian na nasa locker room sila at pati rin yung magkayakap sila sa loob ng sasakyan ni Kyla at meron yung parang hinahalikan siya ni kyla sa pisngi habang naka ngiti si Lusian sa kanya!.

Napabitaw ako sa cellphone ko sa subrang gulat, sakit, galit at selos..

Akala ko iba ka... Pero ni loloko mo din pala ako at bestfriend ko pa!

Sinuntok suntok ko yung unan sa subrang galit bakit bestfriend ko pa Lusian!! Bakit mo nagawa sakin ito!!

Secretly In Love (GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon