Chapter 23 Accident

473 13 0
                                    

Lusian

"Tita! Tito!"

Sigaw ko ng makita ko sila sa sala agad akong yumakap sa kanila. Sinundo sila ni Brianna sa Airport at ako naman ay kakauwi lang galing school

"I miss you guys" nagulat pa sila ng sinabi ko iyun at napayakap na ito sa akin

"Namiss ka rin namin Hija" natatawang sabi ni Tito

"Sabi ko naman sa inyo Mom ang laki na ng pinagbago ni Lulu ayaw nyo lang maniwala!" Rinig kong sabi ng mahadera kong pinsan.

Kumalas ako sa pag kakayakap sa kanila.

"Buti naman at sumaya kana ulit Lusian.." masayang sabi ni Tita at saka ulit ako niyakap.

Haay dito ko lang talaga nararamdaman kay Tita Luarine yung yakap ng isang ina.

"Ay nga po pala bukas may ipapakilala ako sa inyo!" Masayang sabi ko sa kanila

"Yun bang girlfriend mo?"

"Opo Tito sigaradong magugustuhan nyo po siya!"

"Mukhang maslalo ka naging masaya pag ka sya yung pinag uusapan!" Biro sakin ni Tita na agad kong ikina pula.

Tumawa lang silang lahat

Napanguso tuloy ako.

"How about you Brianna meron kana bang sineseryoso?"

"Ay naku Sir Meron yan si Alexa palagi nyang pinapapunta dito sa bahay!" Sabi ni Nanang Fae

"Nanang naman eh hindi naman po palagi!"

Puro tawanan at kwentuhan kami hanggang sa mag hapunan ay ganun pa din.

Matapos kaming kumain ay pinagpahinga na namin sila Tita at Tito.

Ako naman ay nandito na sa kwarto at katext si Andrea.

Panay ako ngiti sa screen ng phone ko.

Tumawag ito sa akin at agad ko naman sinagot.

"Hindi ka ba makatulog?" Tanong ko sa kanya

"Oo namimiss kita Lusian.."

"Na mimiss din kita ah nga pala bukas ipapakilala kita kina Tita at Tito."

"What?! Ahmm.. sigurado ka ba? Pano kong hindi nila ako magugustuhan.." kabadong sabi nya.

"Magugustuhan ka nila at isa pa mabait sila!" Proud kong sabi.

"Okay basta pagkakinabahan ako hawakan mo lang kamay ko ha"

"Of course! Nasa tabi mo naman ako!"

"Medyo inaantok na ako Babe.." mahina na sabi nya.

Napangiti ako ng tinawag nya akong Babe aww cute..

"En tulog kana babe.." sabi ko naman.

Hindi ko na narinig yung boses nya pero rinig ko yung hininga nya na mukhang naka tulog na ito.

Pinatay ko nalang yung tawag.
.
.
.

Kinaumagahan sabay sabay kaming kumakain ng Breakfast tulad ng kagabi puro kami kwentuhan at tawanan.

Iba talaga pag complete lahat ng taong mahahalaga sayo kapag kumakain kulang nalang si Andrea..

Matapos kaming kumain ay nag paalam na kami nila Tita at Tito mamaya ay dadalhin ko si Andrea para ipakilala ko siya.

"Insan ang saya saya mo na ngayun" sabi ni Brianna.

"Hmm sana ay tumagal ito brianna.."

"Baliw! Mag tatagal ito hanggang sa tumanda ka!" Natatawang sabi nya sakin.

"Hindi ka susunduin ni Andrea ngayun?" Tanong nya sa akin.

Tumango naman ako maaga kasi siya dahil may laro sila sa ibang school haaay nakakamiss siya.

Nasa byahe na kami ni Brianna at nakahinto kami dito sa may intersection dahil sa naka stop light pa ito naka titig ako sa may Cellphone ko at pinag mamasdan ang mukha ng mahal ko.

"Grabe ka kapatay na patay kay Andrea kulang nalang mag laway ka dyan!" Biro ng pinsan ko.

Tiningnan ko ito ng masama kakaasar talaga ito.

Hindi ko ito pinansin at tinuon ko nalang yung mga mata ko sa bintana ng umandar na ay nagulat ako sa nakita ko at mabilis akong yumakap kay Brianna.

Blag!!

Ang bilis ng pang yayari ang nasa isip ko nun okay kaya ang pinsan ko sana ay nayakap ko ito ng hindi ito nasaktan masyado..

Hindi ko magalaw ang buong katawan ko subrang sakit pati ang ulo ko ay subrang sakit mukhang na untog ko ata sa Manibela..
.
.
.

Secretly In Love (GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon