Chapter 19 Make me Calm

492 16 0
                                    

Lusian

"Andito na ako sa park! Asan ka?" Sabi ko sa kanya hindi ko kasi siya nakikita dito.

"Hmm sunduin kita dyan antayin mo ako" sabi nya saka binaba yung tawag.

Nandito ako sa park na kung saan lagi ko siyang pinagmamasdan pero hindi ako pumunta sa lagi nyang pinagpractisan na lugar baka malaman nya na lagi ko siyang pinag mamasdan baka ano nalang ang isipin nun!

"Hi miss" sabi ng isang boses.

Napatingin naman ako sa gilid ko andun kasi ang boses na narinig ko.

"Pwedi ko ba malaman ang iyung pangalan?" Sabi nito at naka titig sa akin na subrang nakakailang.

Hindi ko ito pinansin.

"Hey sungit mo naman o sadyang pa kipot ka lang ha" sabi nito at saka lumapit sa akin at tinititigan yung dibdib ko.

Napaatras naman ako pero hinawakan nya bigla yung braso ko agad ko itong inalis sa pag kakahawak nya at sinuntok ng subrang lakas yung sikmura nito. Napayuko ito at napahawak sa kanyang tyan.

Tumingin ito sakin ng masama pero agad din itong napa atras ng makita ako.

Tingnan ko lang ito ng walang expression sa mga mukha ko.

"Kapag na kita pa kita dito hindi lang yan ang gagawin ko sayo.." sabi ko sa manyak na ito.

Tumango tango lang ito at tumakbo.

"Lusian!" Napatingin naman ako sa tumawag sa akin.

"Okay ka lang?! Loko yun!" Sabi nito at aakmang susundan pa ata nya pero pinigilan ko lang siya at saka inakap sa bisig ko.

Agad kong naamoy ang scent nya na agad na napagpakalma sa akin.

"Nanginginig ka.. okay ka lang ba ha?" Sabi nya na nag aalala at yumakap sa waist ko.

"I'm okay..andito kana eh" sabi ko sa kanya.

Kumalas ito saakin at hinawakan ang isang pisngi ko.

Nakatitig ito sa mga mata ko at nakikita ko yung pag aalala.

"Iuwi nalang kita" sabi nya sa akin.

"No I'm okay tara na saan ba tayo pupunta" sabi ko dito. Pero na nginginig yung buong katawan ko.

"Lusian diba sabi ko wag mo pilitin ang sarili mo kapag ayaw mo!" Inis na sabi nya sa akin. Tumingin ako sa kanya at saka Bumuntong hininga nalang ako "fine let's go.." sabi ko nalang dito.

Hinawakan nya nalang ang kamay ko at saka nag lakad kami papuntang bahay.

"I'm sorry hindi nalang sana kita pinapunta sa park.." malungkot nyang sabi sakin. Habang nag lalakad parin kami. Napahinto naman ako at tumingin sa kanya.

"Hindi mo kasalanan Andrea..at saka okay na ako look im okay na oh!" Sabi ko sa kanya at pina kita ko yung ngiti ko.

"Smile na okay wag ka na malungkot!" Sabi ko dito saka ulit kami nag lakad.

Nakita ko na ngumiti na din ito "see kaya ako na hulog sayo eh dahil sa ngiting ganyan" sabi ko dito habang nakatingin sa kanya.

Agad naman nya ako hinampas ng mahina sa braso.

"Bilisan na nga natin mag lakad!" At saka nauna ng mag lakad habang hila nya ako.

"Yes maam"

Secretly In Love (GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon