Chapter 20 So Cute!!

461 13 0
                                    

Lusian

"Tara pasok ka" sabi ko sa kanya pagdating namin dito sa bahay hawak hawak ko parin ang kamay niya.

Nakasalubong namin si Nanang Fae tumingin ito sa kamay naming dalawa na magkahawak at ngumiti ito ng meaningful.

"Nang ito po pala si Andrea ahmm.. girlfriend ko po" pakilala ko kay andrea nakita ko naman na namula mukha si Andrea.

"Andrea ito si Nanang Fae siya ang nag alaga saamin ni Brianna simula pagkabata"

"Hello po"

"Hi hija alagaan mo itong si Lusian kahit na malamig panlabas nyan mabait naman at mahiyain din yan" sabi ni Nanang na nakangiti lang sa amin.

"Nanang naman!" Sabi ko na nahihiya

Tumawa lang ito saka lumabas ng bahay para mamalengke lang daw siya.

Dinala ko si Andrea sa may Likod ng bahay kung saan may wooden swing.
May garden kasi dito at palagi kami ni Brianna dito nung mga bata kami para maglaro pero sa totoo lang si Brianna lang talaga yung nag lalaro!

"Dito kami pumupunta ni Brianna nung mga bata kami para mag laro" kwento ko sa kanya habang nasa may duyan siya naka upo at ako naman ay nasa likod nya dinuduyan siya.

"Ang cute mo siguro nung bata ka" sabi nya ngumiti lang ako. Sana nga ay cute talaga ako..

"Ikaw siguro ang cute kahit nga ngayun eh cute mo padin!"

Tumingala siya sa akin at nag tama ang mga mata namin napahawak ako sa dalawang tali at saka yumuko ako para halikan siya sa labi nya.

"Hmm" ungol ko ng kagatin nya yung lower lip ko.

Inilayo ko ang mukha ko dahil sa ginagawa nya at nakita ko yung pilyang ngiti nito.

Tumayo sya at humarap ito sa akin at siniil ako ng halik. Napapikit na lang ako dahil sa sarap ng nararamdaman ko.

Ramdam ko yung pagalaw ng kanyang malambot na labi habang hinahalikan ako at kinagat nya ng mahina ulit ang ibabang labi ko at napa ungol na naman ako saka nya ipinasok ang malikot nyang dila sa bibig ko napahawak ako sa kanyang maliit na baywang nya at sya naman ay inilingkis ang mga braso nya sa leeg ko.

Ngayun ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam para bang sumbrang init bigla

"Uhmm" napa ungol ulit ako ng kinagat nya yung dila ko at sinuck nya ito.

Agad akong napahigpit ng hawak sa kanya parang mapuputol na hininga ko buti nalang ay natapos na at saka kami habol hininga ngayun.

Magkadikit ang aming mga noo habang habol hininga kami nag mulat ako at tiningnan ang mahahabang pilik mata niya.

Saka ito nag mulat at nag tama yung mga tinginan naming dalawa.

Hinalikan nya ulit ako pero mabilis lang ito saka sya kumawala sa akin at hinila ako sa isang bench malapit sa may duyan

Umupo kami na magkatabi at isinandal nya ang kanyang ulo sa balikat ko at pinaglalaruan ang mga daliri ko.

Pinag mamasdan ko lang siya sa ginagawa nya ang cute lagi sa paningin ko lahat ng mga ginagawa nito.

Maslalo akong nahuhulog sa kanya..

"Gusto ko lang malaman papano ka ba nag ka gusto sa akin?" Tanong nya saka ito tumingin sa akin.

Agad naman akong nag iwas ng tingin at hindi nag sasalita.

"Luuusian" lambing nyang sabi

Fvck! Ang cute!! Agad nag iinit yung buong mukha ko sa ginagawa nito!!

"Ahh eh.. bakit gusto mo malaman?" Nahihiya kong sabi at hindi makatingin sa kanya.

"I just want to know sige na please?" Pag papacute nya.

Napatakip ako sa ilong ko baka ma nosebleed ako sa pag papacute nya!

Sasabihin ko ba dito na lagi ko syang sinusulyapan simula ng makita ko sya sa park?

Tumingin ulit ako sa mga mata nya na kumikinang kinang pa ito.

Napalunok naman ako sooo cuuuuute.

"Nakita kita sa park..nag pa-practice ng basketball at dun ako na mangha sayo sa pagiging determinado at hindi ko inaasahan na mahuhulog ako sayo at palagi kitang pinag mamasdan..." Namumula kong sabi dito at hindi makatingin sa kanya.

Hinawakan nya yung pisngi ko at inilapit sa kanya.

"Mahal kita" sabi nya.

"Mahal din Kita Andrea.." and we kiss again.

Napasubsob nalang ako sa balikat nya dahil sa hiya at lakas ng tibok ng puso ko.

"Nahihiya ka ba" natatawa nyang sabi.

Maslalo tuloy akong namumula na siguro..

Tumango lang ako at naramdaman ko na yumakap lang siya sa akin.

Secretly In Love (GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon