Lusian
Nagising ako dahil sa ingay..
"Bakit ba ginagawa mo ito! Tigilan mo na si Lulu!" Rinig ko sabi ng isang Familiar na boses nito.
Minulat ko yung mata ko.
Nakita ko na si Brianna at Alexa mukhang nag aaway ang dalawa at andito kami sa clinic at wala yung Doctor? Asan kaya yun at hinahayaan itong dalawa dito! Ang ingay eh!
Kamot ulo nalang akong na upo at tiningnan silang dalawa ng masama.
Pero hindi man lang ako na pansin ng dalawa.
"Bakit nag seselos ka na ha!" Galit namang sabi ni Alexa.
"Yes subrang selos na selos natalaga ako! Bakit mo ginagawa ito Alexa!" Si Brianna habang hawak nya yung dalawang braso ni Alexa
"Dahil hindi mo ako magawa manlang lapitan! Hindi mo ako kinakausap! Matapos yung nangyari sa atin parang wala lang sayo!"
"Isang text lang ang binigay mo sa akin! You said na kailangan mo ng time! Pero nakita kitang may kasama agad na iba!" Si Alexa ulit na pilit kumakalas sa kay Brianna.
Para akong nanunuod dito ng isang Movie kulang nalang siguro ay popcorn at soda.
"Anong kasama! Wala akong kasamang iba Alexa!"
"Nakita ko nakikipag harutan paka sa may gate!" si Alexa na mukhang galit na galit na talaga.
Napa lunok ako ng laway kakaiba magalit ito buong paligid ay subrang lamig. Napabitaw naman agad si Brianna milhang natakot din siya. Pero agad din ulit nyang hinila si Alexa at ni yakap nya.
"Si Mark iyun Alexa! Kaibigan ko lang sya! At isa syang bakla! I'm sorry kong hindi agad ako nag pakita sayo.." sabi nitong pinsan ko na ngayun ay pilit nyang niyayakap si Alexa.
Pero nag pupumiglas lang si Alexa at ng makawala ay tumingin lang ito ng masama kay Brianna.
"Maniwala ka Alexa nag bago na ako simula ng makilala kita.. ito dito ikaw nalang yung laging nandito" turo nya sa sintido nya saka dibdib nya.
Wow galing nitong pinsan ko.
Pero bakit di parin ako napapansin ng dalawang ito. O baka ayaw lang talaga ako pansinin nila.
Nakatagilid itong dalawa siguro naman mahahagip nila sa mata nila nuh na nagising na ako!
Lumapit si Brianna kay Alexa at inilapit nya yung mukha nya dito.
Si Alexa naman ay mukhang lumambot na yung expression ng mukha nya at pipikit na sana ito ng mapansin na nya ako!
Naku! Mag hahalikan pa itong dalawa sa harap ko ah! Yak!
Tinulak nya agad nya si Brianna at napaatras si Brianna nag tataka pa ito bago lumingon sa akin.
"Bakit di nyo ituloy" sabi ko nakakahiya sa kanila eh nuh!
"Gising ka na pala at di kaman lang nag sasalita!" Si Brianna at lumapit ito sakin saka hinipo yung noo ko. At binigyan ako eye roll.
Napansin ko na mumula lang sa tabi si Alexa at hindi nag sasalita.
"Kumusta pakiramdam mo?" Tanong nitong pinsan ko na hindi man lang nahiya!
"Masarap na sana tulog ko kung hindi lang ako na istorbo" sabi ko sa kanya at inirapan siya.
Binigyan lang ako ng eye roll ulit.
"Ngayun na gising kana pwedi nyo ba ipaliwanag yung kalukuhan nyong dalawa?" Si Brianna na nakacrossarm na ito at nakataas pa isang kilay nito.
BINABASA MO ANG
Secretly In Love (GirlXGirl)
RomanceMeet Lusian ang babaeng cold face sabi ika nga ng mga estudyante sa school na pinapasukan nila pero walang na kakaalam na ang cold face na ito ay my crush sa kapwa nya babae at patay na patay pa siya dito. Nagtatago siya sa tuwing nakikita nya ito o...