Lusian
Buong klase ay nakatitig ako kay Kyla. Nasa may kabilang row siya naka upo sa may pangalawa sa harap.
Gusto ko to kausapin pero ano naman ang sasabihin ko?! Na ano hi ako nga pala yung nakakagusto sa bestfriend mo! Pwedi ko malaman pangalan nya?!
Ahg! Tinuon ko nalang yung pansin ko sa prof namin kasi mukhang gusto na ako nito sigawan dahil sa hindi ako nakikinig. Sorry po makikinig na ako!
Hindi nya lang magawa na pagalitan ako kasi nga dahil sa Pinsan ako ni Brianna. Okay lang naman sa akin iyun pero di talaga maiiwasan yung special treatment.
_____Lunch Time_____
Palinga linga ako sa paligid at ng makita ko walang tao agad akong nag tago sa isang malaking puno. Mukha akong sira dito pero gusto ko kasi siya makita.
Andito ako sa may garden ng school kung saan may burol at may malaking puno sa baba nito, ito ang lagi ko tambayan pag lunch break na dito ko lagi siyang nakikita kumain kasama ang mga kateam nya sa basketball. Lagi silang pumupunta sa may kubo at dun sila kumakain.
Umupo ako sa damuhan at binuksan yung lunch box ko.
Kumakain ako habang pasimple akong tumitingin sa kanya.
Maya maya pa ay may naramdaman naman akong may parang naka titig na para bang tumatayo yung buong balahibo ko ganun yung pakiramdam.
Napatingin ako sa direksyon na yun at nakita ko si Alexa na nasa may hallway nakatayo at walang expression ang mukha na naka tingin sakin.
Ng makita nya ako na nakatingin sa kanya yumuko lang ito.
Hmm para talagang may kakaiba dito! May binubulong yung utak ko na wag ako lalapit dito! Pero ayuko namang Judge mental! Kaya kibit balikat nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain at pag titig sa crush ko!
Gusto ko malaman yung pangalan man lang nya! Iniligpit ko ang lunch box. Kumuha ng libro at saka nag basa kunwari. Paminsan minsan ay pinag mamasdan ko siya.
Una ko siyang makita sa park tapos pangalawa dyan sa kubo. Tuwang tuwa talaga ako ng malaman ko na dito pala siya pumapasok sa school na pinapasukan ko!
Nang umangat yung ulo ko para tingnan ulit ito napayuko ako ng mabilis at mahigpit na nahawakan ang libro.
Nakatingin pala ito sakin. Nag init naman mukha ko! Pero nung ingat ko ulit ang mga mata ko. Papaalis na pala sila.
Napapunas ako noo ko pinag pawisan pala ako!
Nagligpit narin ako ng gamit ko saka na ako umalis dumaan nalang ako sa may likod ng school para mabilis akong makarating sa classroom doon na ako dadaan sa fire exit.
"Hik"
Napatigil ako sa pag lalakad ng may marinig akong mahinang hikbi.
Napahawak ako sa dalawa kong straps ng bag ko. At palinga-linga akong tumingin sa buong paligid
"Hik"
Napatalon ako sa gulat! Fvck! Wag mo sabihin my multo dito?!
No takot pa naman ako!!! Pero ng gagaling ito sa may gilid ng building.
Dahan dahan akong nag lakad dito at nakahinga ako ng maluwag ng makita na tao pala ito at hindi multo!
Fvck! Tinakot ako nitong estudyante na toh.
Mukhang nakaramdam naman ito na may tao sa paligid nya "Si-sinong nandyan?!" Gulat na sabi nito at ng nag angat ito ng mukha.
Napaspeechless akong nakatitig dito.
BINABASA MO ANG
Secretly In Love (GirlXGirl)
RomanceMeet Lusian ang babaeng cold face sabi ika nga ng mga estudyante sa school na pinapasukan nila pero walang na kakaalam na ang cold face na ito ay my crush sa kapwa nya babae at patay na patay pa siya dito. Nagtatago siya sa tuwing nakikita nya ito o...