[Gabriella Kristine Marquez]Nakakainis naman itong lalaking to oh!Gusto pang magala eh dis oras na kaya ng gabi.
"Drink this" Sabi niya sabay abot sa akin ng kape.
"Ano ba kasing ginagawa natin dito?" Tanong ko at ininom yung kapeng binigay niya.Dinala niya kasi ako dito sa isang park.
"I want to refresh my mind and to talk about my plan" Cold na sabi niya.Plan?Para saan?
"Anong plan yung pinagsasabi mo?" Nagtataka Kong tanong.
"Next week magkakaroon kami ng dinner with that bastard named akisha jade montereal and as my FAKE girlfriend pupunta ka"Sagot niya.Yun yung pangalan ng babaeng ipapakasal sa kanya ah.
"Pero----" Magrereklamo pa sana ako ng bigla na naman siyang nagsalita.
"No more but's or else"Tumingin muna siya sa akin."Wanna die"
[Chanyeol Park]
"No more but's or else" I looked at her"Wanna die"
Natakot naman siya sa sinabi ko kaya tumango tango nalang siya.
Minsan iniisip ko na sana sila nalang yung namatay!Sana nasali nalang sila nung sumabog yung barko.I love my mom and dad but they are too much.Sobra na sila!Pagkatapos nilang earrange marriage si noona ako naman ngayon.What the hell!Pera lang ang iniisip nila.Bakit?Madadala ba nila yang pera kapag namatay na sila?Hindi naman diba?
"Okay ka lang?" Sabi ni gab at tinapik ako sa likod.
"TSS." Inirapan ko lang siya. Kitang Hindi ako okay magtatanong pa.Ikaw kaya ipakasal sa taong di mo kilala matutuwa ka?Magiging okay ka?
[Gabriella Kristine Marquez]
"Salamat!"Tipid Kong sabi at bumaba na ng motor.
"TSS." Kabanas na lalaking to! Wala talagang manners.
"Next week ah" Sabi niya at pinaharurot na yung motor.Oo nga pala next week na yung dinner nila nung akisha!Nakakakaba naman!Paano kung maldita pala yung akisha?Baka makalbo pa ako ng walang oras!
No way Hindi ko hahayaang makalbo itong silky smooth hair ko.Charot.Naglakad na ako papasok ng bahay ng may naalala ako bigla.
Teka?Kinuha ko yung envelope na may lamang pera at yung cheki.Anong gagawin ko dito?Alangan namang ibigay ko Kay tiya diba?
Anong sasabihin ko na sweldo sa akin ni chanyeol.Eh Hindi nga niya alam na FAKE boyfriend ko lang si chanyeol.Tinago ko nalang ulit sa bulsa ko yung cheki at envelope at pumunta na sa kwarto ko at dahil kanina pa ako inaantok natulog na agad ako.
----
Kring....kring(Tunog ng alarm clock)
Gumising na ako tsaka ginawa ang aking daily routine at bumaba na sa kusina para kumain.
Ganda naman kasi ng gising ko!Bakit kaya?Ah ngayon pala yung result ng test!Naks naman I'm so excited.
"Kumain ka na lil sis" Sabi ni Kuya habang kumakain.Oo nga pala di ko nasabi sa inyo nag aaral pa si Kuya ngayon as 2nd year college sa HAN UNIVERSITY
Magkaiba kami ng school kasi nga college na siya eh hanggang highschool lang naman dun sa University na pinapasukan ko eh.Tumango naman ako tsaka umupo sa harapan niya.Sarap ng ulam!Bacon and eggs my favorite.
Kumuha agad ako ng pagkain tsaka sumubo.Ang sarap~
BINABASA MO ANG
MY FAKE BOYFRIEND IS A GANGSTER(EDITING)
FanfictionHi ^~^Im Gabriella kristine Marquez and this is my story with this gangster Chanyeol Park.