Chapter One

13K 128 1
                                    

CHAPTER ONE

"MAY nakita na akong ipapa-blind date sa'yo, Sister," excited na pagbabalita ni Cindy kay Jana pagkaupo pa lang niya sa upuan sa isa sa mga table ng Jollibee kung saan ito ang branch manager. Tinawagan siya ni Carmina para sabihing may magandang balita raw sa kanya si Cindy . Kaya pumunta agad siya sa restaurant nito.

"May trabaho ba ang lalaking iyan? Gwapo ba? Baka ako naman ang bubuhay niyan," diretsahang tanong niya sa kaibigan matapos siyang uminom ng juice mula sa baso niya.

"Of course! Alangan namang bigyan kita ng lalaking palamunin eh alam ko naman ang standard mo sa lalaking mapapangasawa," sagot nito.

"That's good! So ano naman ang trabaho ng lalaking ito?" tanong uli niya rito bago kumain sa spaghetting inihain nito sa kanya.

"Basta white-collar job. Ikaw na magtanong kung ano talaga specific job niya," anang nito.

"Ano ka ba Cindy? Kahit na janitor ngayon ay nakawhite polo na rin. So ibig sabihin white ang color ng kuwilyo noon. Pwede rin i-consider nating white-collar job 'yun," biro niya.

"Ikaw naman kasi puro ka biro at hindi mo sineseryoso ang mga maka-date mo kaya walang lalaking nakakatagal sa'yo," saad nito. Kilala na siya nito pagdating sa mga lalaki. She's more specific on the job, the physique, the brain and humor. Additional points nalang ang hitsura nito. Pero pag hindi niya type ang isang ka-date niya at wala sa standards niya ay hindi niya sineseryoso ito during the date. Pero kahit papano ay pinakikisamahan niya ito ng maayos hanggang sa maihatid siya ng ka-date niya sa bahay niya. After that, wala na itong maaasahan pang second date mula sa kanya.

"Kung magseseryoso ako Cindy madali lang akong tumanda. At isa pa, sigurado ka ba namang seseryosohin ako agad ng mga lalaking pinapa-date n'yo sa akin? Teka, guwapo ba 'yang ipapa-date mo sa akin?"

"Of course naman! Siyempre kilala ko na panlasa mo."

"Hunk ba naman? Parang si Papa P?"

"Hunk na hunk."

"Matalino ba naman?"

"Parang," sagot nito. Gusto kasi niyang matalino ang lalaking magiging boyfriend niya. Kasi kapag nagkatuluyan sila nito at magkakaroon ng mga anak magiging matalino din ang mga ito.

"Mmm... Sige i-set mo kami ng date. Huwebes. Alas siete ng gabi. Siya na ang bahala sa place. Ibigay mo na lang sa kanya ang number ko," aniya habang kumakain ng spaghetti.

Magti-trenta na siya pero hindi pa rin siya nakapili ng lalaking para sa kanya. Sabi ng kanyang mga kaibigan, 'Masyado ka lang kasi perfectionist kaya walang lalaking magkagusto sa'yo. May magkagusto man, itinataboy mo naman dahil sa hindi siya pumasa sa standard mo!'. Iyon lagi ang sabi ng kanyang mga kaibigan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang boyfriend.

Nagka-boyfriend naman siya noon pero ayon nga lang hindi tumatagal. Maswerte na ang umabot ng isang taon ang relasyon niya. Ang pinakamatagal nga lang doon ay anim na buwan dahil sa long distance relationship naman iyon dahil sa nakachat lang niya ang foreigner na iyon. But when she meet the guy hiniwalayan niya agad ito nang malaman niyang girlfriend din pala nito ang isang kakilala niya na nakilala rin nito sa chat.

Ilang beses na rin siyang nakikipag-date pero wala pa rin. Laging ang ending ay wala. May mga naging boyfriend naman siya sa mga naka-date niyang iyon pero hindi rin nagtatagal sa kanya dahil sa may mga katangian ito na wala sa lalaking hinahanap niya o kaya'y may katangian naman itong ayaw niya. Ang iba naman ay kusang nakipagkalas sa kanya dahil sa hindi na siya nakikipagkita sa mga ito at iniiwasan rin niya lalo na 'yung mga lalaking may gusto sa kanya.

You Complete Me **soon to be published - Lifebooks**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon