CHAPTER FOUR
KAKATAPOS lang ni Jana na ayusan ang unang tatlong cottage base sa nagustuhang disenyo na pinili ni Mrs. Paras. Agad nitong tinawagan ang suki nito at ipinadeliver kinaumagahan ang mga gamit na nasa desinyo niya. Kaya hapon na nang dumating mula Cagayan de Oro ang mga gamit na inorder ng ginang at hapon na rin niya iyon nasimulang ayusin ang mga iyon.
Naglalakad na siya papunta sa kanyang tinutuluyang cottage nang may matanaw siyang isang pigurang tumatakbo palapit sa kanya. Nagsimula nang kumalat ang dilim at hindi na niya gaanong maaninag ang mukha nito ngunit parang kilala ng kanyang sistema ang pigurang iyon. It was Daniel. Kagaya ng nangyari sa pool, ay bumilis uli sa pagtibok ang puso niya.
Nataranta siya. Ano ba ang dapat niyang gawin? But she remembers her plans last night. Buong gabi niya iyong pinag-isipan and she chooses this man to be the father of her child. Dahil sa physical na katangian nito ay pasado ito sa kanya.
Kung hindi lang talaga niya ito kailangan ay hahayaan niya itong lagpasan siya nito at huwag itong pansinin. It was not her style to make the first move after all. But she needs him. Kailangan niya ito para magkaroon siya ng anak bago tuluyang mawala ang pagkakataon niyang magkaanak habang buhay.
Thinking of losing her chance to have her own baby pushes her to do and fullfil her plans.
"Malamig na ang simoy ng hangin, nagja-jogging ka pa rin?" aniya ng malapit na ito sa tapat niya. Ayan, tama nga 'yan Jana. Lunok your pride.
Huminto ito sa pagjogging at ngumiti ito sa kanya.
"Yeah. Actually pabalik na ako sa cottage ko. Can't sleep at night kapag hindi ako nakapag-jogging kahit sandali kada-araw," nakangiti pa ring turan nito sa kanya.
Akmang tatakbo na sana ito kaya nagsalita siyang muli.
"Ahm... Can I invite you for a dinner tonight? Hmmm... Peace offering?" May peace offering ka pang nalalaman. Marunong ka ng maglandi huh?, singit ng isang bahagi ng kanyang isip.
Ngumisi ito ng nakakaloko na para bang nagdududa ito sa imbitasyon niyang iyon. "Anong nakain mo to invite me for a dinner tonight? Kahapon nga ay mainit ang dugo mo sa akin. Ngayon biglang OK ka na."
"As I told you lately, peace offering siya di ba?" pilit ang ngiting ipinasilay niya sa kanyang mga labi. Ngali-ngali na niyang batukan ito pero hindi niya magawa iyon at baka mapurnada pa ang plano niya.
"Hmmm... Okay. Sige susunduin kita sa cottage mo."
"Ay huwag na. Nakakahiya na sa'yo. Magkita na lang tayo sa restaurant."
"Okay if that so. See you around seven. Is that okay with you?"
"That would be fine."
"Okay. See you later." Isang matamis na ngiti ang pinakawalan nito bago ito nagpatuloy sa pagtakbo.
Naiwan siya doong sinusundan uli ito ng tingin. Tama kaya ang desisyon niya na gamitin ito sa plano niya?
Habang hatid-tanaw niya ito ay ini-evaluate niyang muli ito. He had a great body. A perfect one. Siguro'y talagang mahilig itong mag-ehersisyo at iyon nga bunga niyon. He looked fit and healthy kaya tama nga na ito ang piliin niyang maging ama ng kanyang anak.
Kinilabutan siya sa naisip niyang iyon. Siya na isang mahinhin at may pagkaconservative na babae ay magagawa niya ngayong gawin ang isang bagay na kahit sa panaginip niya noon ay hindi man lang dumalaw sa kanya. Na para ba siyang isang mangingisda na naghihintay na kumagat sa kanyang pain ang isang isdang malaking isda. But then, there was something about Daniel that seemed to bring out her long-suppressed sexuality.
BINABASA MO ANG
You Complete Me **soon to be published - Lifebooks**
RomansaChoosy at may standard si Jana sa pagpili ng lalaking idi-date. Dapat ganito at ganyan ang lagi niyang sinasabi sa kanyang mga kaibigan kapag may nirereto ito sa kanya. Pero dumating ang araw ng malaman niyang may problema siya sa kanyang bahay-bata...