CHAPTER SEVEN
NAPANGITI si Daniel ng masilayan niya sa kanyang paggising ang magandang mukha ni Jana na mahimbing na natutulog sa kanyang dibdib. Nasabi niya sa kanyang sarili na hindi nga nagkamali sa pagdesisyon at pagpili ang kanyang puso. That this woman beside him is the woman that he wanted to be with forever.
Balak niyang bago ito bumalik ng Manila ay magpropose na siya dito ng kasal. For a week they've spent together sa Dahilayan ay nakilala niya ito ng husto. The sign that he asked from God that night nang una silang magkita signifies him also na ito na nga ang babaeng pinili ng langit sa kanya.
Kumilos ito at nagbuka ng mga mata. Agad itong ngumiti sa kanya.
"Good morning," bati nito sa kanya.
"Good morning too. Pasensya na at pinagod kita kagabi," nakangiti niyang turan nito.
Ngumiti ito sa kanya at pinisil ang tungki ng kanyang ilong saka siya mabilis na hinalikan nito sa labi. "No worries dear. Sige na ayusin mo na itong sasakyan para makabalik na tayo sa Dahilayan. Baka nag-alala na sila sa atin doon."
"Your wish is my command, babe," aniyang kinindatan ito bago niya kinintalan ng isang matamis na halik ang mga labi nito.
Ilang sandali pa ay naayos na niya ang makina ng kotse at nagbiyahe na sila pabalik sa Dahilayan.
Natulog itong muli habang panakaw naman siyang sumusulyap rito. Maraming plano ang nabuo sa isip niya. Mga plano para sa pagpropose niya rito at tungkol sa kanila kapag nakasal na sila nito.
Tuluyan na ngang nabura sa puso't isipan niya ang mga alinlangan at takot noon tungkol sa pagpapamilya. Naging optimistic at positive minded na rin siya. Tama nga talagang nakausap niya ang mga kaibigan niya tungkol doon. Kung hindi pa ay hindi pa rin siguro siya naliwanagan tungkol sa takot niyang iyon.
Ngayon ay kailangan niyang planuhin ang proposal niya na maging memorable iyon para kay Jana.
MATAPOS ihatid si Jana ni Daniel sa kanyang kwarto ay napasandal siya sa likod ng pinto na may nakaguhit na matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Aminado na siya sa kanyang sarili na inlove na nga siya sa binata.
Teka! This is not the plan. Di ba magpapabuntis ka lang?, anang kontrabidang bahagi ng kanyang isip.
Napalis ang ngiti sa kanyang labi dahil sa isiping iyon. Paano na lang kapag nalaman iyon ni Daniel? Ano kaya ang magiging reaksyon ng binata tungkol doon?
Nah! Maari mo namang sabihin sa kanya na nabago ang plano mo dahil mo siya. Siguro maniniwala naman siya sa'yo nun dahil obvious naman iyon.
No! Wala siyang malalaman. Wala namang magsasabi sa kanya ng totoo mong plano, aniya sa sarili.
Tumunog ang cellphone niya. It was a text message. Dali-dali niyang binasa iyon. It was from Daniel. He's inviting her for a dinner sa restaurant ng resort kinagabihan.
Nireplyan naman niya agad na pupunta siya doon. Marami pa siyang oras para paghandaan iyon. May mga gagawin pa naman siyang mga final touches sa trabaho niya doon bago siya tuluyang umalis kinabukasan.
Naligo muna siya sandali saka nagpalit ng damit bago pinuntahan ang mga rooms na kailangan pa niyang icheck ng maayos bago tuluyang umalis. Kailangang abalahin niya ang kanyang sarili para hindi na siya magkaroon ng panahon para mag-isip ng mga ganung bagay na naisip niya kanina.
KINAGABIHAN ay nagpatulong si Daniel sa crew ng restaurant para sa plano niyang sorpresa kay Jana regarding his marriage proposal sa dalaga. He wants this night to be perfect and memorable for Jana.
BINABASA MO ANG
You Complete Me **soon to be published - Lifebooks**
RomanceChoosy at may standard si Jana sa pagpili ng lalaking idi-date. Dapat ganito at ganyan ang lagi niyang sinasabi sa kanyang mga kaibigan kapag may nirereto ito sa kanya. Pero dumating ang araw ng malaman niyang may problema siya sa kanyang bahay-bata...