Chapter Three

4.1K 72 6
                                    


CHAPTER THREE
“AALIS ka papuntang Bukidnon sa Sabado, Dan. Ikaw ang papalit kay Roy sa project ng hotel ni Mr. Paras sa Dahilayan dahil namatay ang nanay niya,” anang partner niyang si Luis.
“Akala ko ikaw ang pupunta?” gulat na tanong niya rito.
“Sorry p’re. Pero hindi pa tapos ang hinahawakan kong project sa Bulacan. Kaya ikaw na lang,” hinging paumanhin nito sa kanya.
“Ano pa nga ba magagawa ko,” aniyang kumibit-balikat pa. “Ipaayos mo na lang kay Ana ang tickets ko at iba pang kakailanganin tapos paabisuhan na lang ako kung anong oras ang flight ko para di ako ma-late.”
“Thanks p’re. Ang bait mo talaga!”
“Bulahin pa ako. O siya, I have to go na at may date pa ako,” paalam niya rito
“Naks. Kawawang babae kung mauuto mo ‘yan,” pahabol pang turan nito nang akmang lalabas na siya ng pinto ng opisina nito.
Dinampot niya ang  desk calendar na nasa side table malapit sa sofa ng opisina nito. “Gago!” At ibinato niya ito rito sabay takbo palabas ng opisina nito.

“HINDI ako pwede kaya ikaw ang pumunta ng Bukidnon. And I think you need also a vacation para marelax ka sa kakaisip niyang problem mo,” wika ni Lorraine kay Jana habang nakaupo siya sa kanyang desk.
“Ano pa nga ba ang magagawa ko. Kapag ayaw mo talaga, hindi ka naman talaga papipilit,” napabuntong-hiningang turan niya rito.
“Mabuti naman at hindi ka na nakipagkontis sa akin. Isa pa expertise mo naman ang interior design ng mga resort at hotels. And you know Mrs. Paras’ taste dahil matagal ka na niyang suki kaya nararapat lang na ikaw ang humawak ng project na ito.”
“Okay kailan ang alis?” tila tinatamad niyang sabi.
“Sa Sabado. Kaya mag-empake ka na ngayon at maaga ang flight mo on that day. Two to three weeks lang naman ang ipaglalagi mo doon. Just enjoy the work at isipin mo lang siya na parang bakasyon ka lang,” nakangiting turan nito.
“Oo na Madame!”
“O siya alis na ako at baka magbago pa ang isip mo. May date pa ako at baka ma-late pa ako,” nakangiting turan nito. “Ciao!”
May sasabihin pa sana siya rito pero nakalabas na ito ng kanyang opisina. Pero ang isiping pupunta siya ng Bukidnon ay may kung anong excitement siyang naramdaman. Kung ano man ang dahilan niyon, iyon ay hindi niya mawari kung ano at bakit.
Maybe doon ko mahanap ang magiging ama ng anak ko, aniya sa isip.
Buo na ang kanyang desisyon niya sa naisip niyang paraan noong nakaraang gabi para mabuntis siya ng mabilis bago pa tatanggalin ang matres niya. Makipag-one night stand kahit na sino mang lalaking papasa sa panlasa niya. Kung maghahanap pa siya ng boyfriend na papakasalan niya, aabot pa iyon ng ilang buwan at isang taon lang ang ibinigay ng doctor sa kanya para magbuntis bago tatanggalin nito ang buong matres niya.
Sana nga lang masolve na ang problema niya sa pagpunta niyang ito sa Bukidnon ngayon.

ALA-UNA pa lang ay nasa airport na si Jana. Si Lorraine ang naghatid sa kanya doon. Iniwan agad siya nito at may meeting pa ito sa isang panibagong kliyente nila.
Tinawag na silang mga pasahero ng Cebu Pacific papuntang Cagayan de Oro na magboard na. Naglakad na siya papunta sa pintuan ng may malaking bulto ng katawan ang bumunggo sa kanya. Nawalan siya ng panimbang at natumba siya. Buti na lang ay may mga malalaking braso ang sumalo sa kanya.
When she opens her eyes, she saw a deep set of eyes like eyes of a god. Napalunok na lang siyang bigla sa kagandahan ng mga matang iyon. Parang tumigil ang oras sa pagitan nila ng mga oras na iyon.
“Hey! Are you okay?” untag nito sa kanya na siyang nagpagising sa kanyang tila nananaginip na diwa.
Noon lang niya narealize na pamilyar sa kanya ang lalaking sumalo sa kanya. Parang may sariling buhay ang mga kilay niya at automatikong nagsalubong ang mg aito ng mapagtanto niya kung sino ito. It was the guy who stole her cab na siyang dahilan ng pagsakit ng kanyang ulo kinabukasan matapos mangyari iyon.
Agad siyang tumayo mula sa pagkakasalo nito sa kanya.
“Kapag minalas ka nga naman, oh. Ikaw na naman? Bakit ba sa tuwing nagkikita tayo ay minamalas ako. The first one you steal my cab at nagkasakit ako. Ngayon naman binunggo mo at natumba ako,” sikmat niya rito ng makatayo na siya.
“But at least now, sinalo kita at hindi kita hinayaang matumba sa semento and I’m sorry for that,” nakangiting turan nito.
Perfect smile ang mokong, huh? “Makaalis na nga at baka kung ano na naman ang mangyayari,” aniyang biniharan na ang paglakad makalayo lang rito.
“Humingi na nga ako ng sorry ‘di ba?” Sumunod ito sa kanya.
“Apology accepted. Pero pwede ba layuan mo ako at baka magiging malas pa ang buong araw ko,” aniyang nagpatuloy pa rin sa paglalakad papunta ng eroplano. Nakasunod pa rin ito sa kanya. Tumigil siya sa paglakad at pumihit paharap dito. “Well you please stop following me?”
“I’m following you dahil sasakay din ako sa eroplanong iyan,” anang nitong itinuro pa ang eroplanong nasa harapan nila.
“Well sana hindi tayo magkatabi ng upoan,” sarkastikong turan niya.
But to her dismay ay magkatabi nga sila ng upoan nito sa loob ng eroplano.
“Well, pagtiisan mo na lang ang presensya ko sa tabi mo for the entire duration of our flight,” anitong kinindatan pa siya.
She rolled her eyes to her dismay at napasandal na pumikit na lang siya sa headboard ng kanyang upoan.

You Complete Me **soon to be published - Lifebooks**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon