Chapter Five

3.4K 64 2
                                    

CHAPTER FIVE

NAALIMPUNGATAN si Jana nang maramdaman niyang may kumilos sa tabi niya. Nang didilat na sana siya ay siya namang pagtama ng malagintong sinag ng araw sa mga mata niya kaya napapikit siyang muli. Ramdam niya ang pagsakit ng kanyang ulo and soreness in her feminine spot.

Napadilat siyang bigla ng maisip niya ang huli. Dahan-dahan siyang pumihit mula sa pagkahiga niyang iyon at lalong nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang katabi niya sa kama.

It was Daniel sleeping beside her. Mahimbing na mahimbing ang pagtulog nito. Noon lang naalala niya ang lahat.

"Oh my God!" bulalas niya. Hindi niya lubos maisip na nagawa na nga niya ang plano niyang iyon.

Mahimbing pa rin itong natutulog and she's starting to enjoy herself seeing him closely to her. Malalago pala ang mga pilik mata nito. Makipot at mapupula ang mga labi nito that makes him boyish and naughty when he smiles. Isa sa mga gusto niya sa isang lalaki. Ngayon lang niya natitigan ito ng husto at tama nga ang desisyon niyang gawin itong ama ng kanyang magiging anak dahil he is her ideal man in physical aspect.

Narinig niyang umungol ito at dahan-dahang nagmulat ng mata. Pagkatapos ay pumikit ulit. Ilang segundo lang ang nakalipas ay nagmulat muli ito na para bang sinisigurado kung totoo ba talaga ang unang nakita nito bago ito pumikit muli.

Bigla'y napabalikwas ito ng bangon at nawala ang antok sa mga mata nito. Kasunod niyon ay sinapo ang ulo nito.

"Damn hangover," usal nito. "May nangyari ba sa atin?"

What a stupid question!

"You're naked and I'm naked too tapos tatanungin mo ako kung may nangyari sa atin?" sarkastikong balik-tanong niya rito. Sa totoo lang biglang uminit ang bumbunan niya sa tanong nitong iyon.

"Oh shit! I'm sorry. I didn't mean it to happen. Nadala lang ako. I don't know how to deal with this," anitong napasandal sa headboard ng kama.

"Lalo naman ako, I never... I mean this is my first time..."

"You were a virgin?" Namimilog ang mga mata nitong makitang may bahid ng dugo ang kumot.

Tumango siya.

Napasabunot ito sa sariling buhok nito na para bang nakagawa ito ng pinakamalaking kasalanan sa buong buhay nito. He looks so desperate.

Bumuntong-hininga siya. "Look, I'm not asking you to marry me. Hindi ko hihilingin sa'yong panagutan mo ang nangyaring ito sa atin." It's my choice because I plan it. All I want is your sperm para magkaanak lang ako, dugtong niya sa isip niya. "Let's forget and pretend that this was never happen." Hindi niya namalayan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Bakit ba siya umiiyak? What for? Nasaktan ba siya sa sa nakitang kadesperadohan sa hitsura nito?

"Why are you crying? Huwag kang umiyak, please..." pakiusap nito sa kanya. Biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha nito at tumabi ito sa kanya. "I'm sorry." Hinagod nito ang likod niya.

Sa pagkakalapit ng mga katawan nila muli ay nalanghap uli niya ang kaaya-ayang amoy nito. And to her dismay, she felt something stir inside her. Parang binuhay niyon ang pagnanasa niya rito.

Mabilis siyang lumayo rito at baka hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. Sa pagnanais niyang makalayo rito ay tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa kama. Huli na ng makaligtaan niyang hapitin ang kumot na ipinangtakip niya sa katawan niya dahil nalaglag na iyon sa sahig.

Nakita niya sa mga mata nito ang biglang pagliyab ng apoy ng pagnanasang maangkin muli siya nito. Pero biglang nagbawi ito ng tingin sa kanya. Tumayo ito at nagpunta ng banyo.

You Complete Me **soon to be published - Lifebooks**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon