CHAPTER NINE
HINDI inaasahan ni Daniel na iyon ang marinig niya sa labas ng pintuan ng opisina ni Jana. Napaupo na lang siya sa sofa na nasa tabi ng pintuan na tila kandilang nauupos. Parang nanghihina ang mga tuhod niya.
Pagkagaling ng airport ay dumiretso na siya sa opisina ng katipan upang sorpresahin ito. Pero siya ang nasorpresa sa narinig niya mula dito. ‘For the sake of the baby kaya ko ginawang akitin siya.’ Mga linyang paulit-ulit na umalingawngaw sa isip niya. Parang piniga ang puso niya sa narinig niyang iyon.
Nag-uusap pa ang mga ito at wala na siyang ganang pakinggan pa ang mga iyon dahil sa parang nagsara ang isipan niya at ang mga katagang una niyang narinig ang nagpabalik-balik at nagpaikot-ikot lamang sa utak niya.
Totoo kaya iyong narinig niya buhat sa mga labi ni Jana? Ibig sabihin ginamit lang siya nito. Niloko lang siya nito. Gusto lang nitong magkaanak kaya inakit siya nito? Talagang ginamit lang siya nito at hindi siya nito mahal.
Napasabunot siya sa kanyang sariling buhok sa mga isiping iyon na pumasok sa isip niya. Napakasakit niyon sa kanya. Sa ikli ng panahon ng kanilang pagkakakilala at pagsasama ay minahal niya ito. Pinakita niya rito kung gaano siya kasinsero at kung gaano niya ito kamahal. Pero ang lahat ng iyon ay mapupunta lang sa wala. Hindi pala siya mahal nito. Ginamit lang siya nito para sa pansariling pang-interes.
Tumayo na lang siya at walang lingon-likod na nilisan niya ang lugar nang siya namang paglabas ni Jana.
“Hey kanina ka pa diyan?” nakangiting bungad nito sa kanya.
Tumango lang siya.
“Hindi ka man lang nagpasabi na ngayon ka darating. Talagang sinorpresa mo ako,” magiliw na sabi nito sa kanya. Hinila siya nito papasok sa opisina nito at nagpatianod naman siya. Hindi niya alam kung paano ito pakikitungohan ngayon matapos niyang malaman ang bagay na iyon.
“I have good news to you,” anito.
“Okay.”
“Are you okay?”
“Yes, I am!” aniyang tinitigan ito sa mata na may mapang-arok na tingin. “Baka ikaw, may gusto kang ipagtapat sa akin regarding pa diyan sa sinasabi mong good news,” pasarkastikong turan niya.
“Ano bang nangyari sa’yo? May problema ka ba? Tayo?”
“I heard everything.”
“Everything what?”
“Na ginamit mo lang ako para mabuntis ka at hindi mo ako totoong mahal!”
Nakita niyang nagitla ito sa sinabi niyang iyon.
“Ikaw na ang pinakadesperadang babae na nakilala ko, Jana. How dare you na papaniwalain ako na mahal mo ako. Kaya pala atat kang umalis para makalayo sa akin at nang masolo mo ang bata.”
“What are you talking about?”
“Huwag ka nang magmaang-maangan pa. Narinig ko ang sinabi mo doon sa mga kaibigan mo.”
“As in narinig mo ang buong usapan namin?”
“I heard enough for me to know your plan. Salamat ha sa pang-gagago mo sa akin,” patuyang turan nito. “Don’t try to go somewhere to hide my child dahil mahahanap rin kita. Malas ng magiging anak ko at ikaw ang magiging ina niya!”
Hindi niya nabantayan ang mabilis na pagdapo ng kamay nito sa pisngi niya.
“Ngayon lumabas din ang tunay mo na kulay. You’re such a fool para paniwalaan kung ano ‘yang iniisip mo.”
“Mas tanga ako kung papaniwalaan pa kita. Thanks for fooling me and using me,” akmang tatalikod na sana siya nang maalala siyang gustong sabihin pa rito. “By the way, as I said earlier, huwag kang magbalak na umalis para ilayo sa akin ang magiging anak ko dahil hahanapin kita saan ka pang lupalop ng mundo naroon.”
Pagkasabi niya niyon ay agad na tumalima siya at iniwan niya doon si Jana na nakatayo na parang hindi makapaniwala sa mga sinabi niya.NAIWANG parang nauupos na kandila doon si Jana sa opisina niya. Nanghihinang napaupo siya sa upoan niya. Hindi niya akalain na ganun mag-isip at ganun-ganun na lang siya kung husgahan at pagsalitaan ng ganun ni Daniel.
Paano nito naisip iyon na ginamit lang niya ito at ilalayo niya rito ang bata? Bakit din naman kasi hindi niya maibuka ang kanyang mga bibig kanina para ipagtanggol ang sarili.
Excited pa naman siyang sabihin dito ang magandang balita na dinadala niya ang anak nito tapos ay mauuwi rin pala sa ganito ang lahat.
Napansin na lang niyang umiiyak na siya nang unti-unting paglabo ng kanyang paningin ng dahil sa namumuong luha sa mga mata niya. Kasunod niyon ang pamalisbis nito sa pisngi niya.
“Nakalimut---- Hey, what’s wrong? At sino iyong lalaki na kakalabas lang dito sa opisina mo?” tanong sa kanya ni Lorraine na mabilis na dumalo sa kanya. Hindi niya alam kung bakit bumalik ito.
“I lost him,” hagulhol niya rito.
“Sino?” nag-aalalang tanong nito sa kanya.
“Ang ama ng anak ko,” aniya.
“What? Why? What happen?”
Ikinuwento niya rito ang nangyari at ang hindi nila pagkakaunawaan nito.
“Siraulo pala siya eh! At isa pa, bakit hindi ka nagpaliwanag sa kanya? Bakit hinayaan mo siyang pagsalitaan ka ng ganun?” ani Lorraine sa kanya.
“Hindi niya ako binigyan ng chance na makapagpaliwanag,” hagulhol niya.
“Hayaan mo siya. It’s not your lost!”
Tama nga ang kaibigan niya. Hindi niya ito kawalan. Minaliit siya nito at ininsulto kaya nararapat lamang na kamuhian niya ito. Nagawa at natupad na niya ang gusto niya na magkaanak. Pero talagang mahal niya si Daniel. Hindi niya kayang mawala ito sa kanya.
“I will talk to him.”
“Para ano? Para magmakaawa para balikan ka niya? Para makarinig ka na naman ng panginginsulto? Jan, magkaroon ka naman ng kahihiyan sa sarili mo. Hinusgahan ka na niya. Kung ganun ang tingin niya sa’yo ibig sabihin hindi ganun kalalim naramdaman niya sa’yo kaya ganun ka na lang niya itapon na para bang basahan. Love yourself. Magkaroon ka ng delikadesa at huwag kang maghabol ng lalaki,” sermon sa kanya ni Lorraine.
Tuloy hindi niya maiwasang mapaisip sa mga sinabi nito.
“Let him think. Kung mahal ka talaga noon, gagawa iyon ng paraan na magkabalikan kayo at tatanggapin niya ang inakala niyang kamalian mo. Mukha niya! Pag bumalik iyon dito makakatikim iyon nitong kamao at sipa ko!”
Niyakap siya nito at hinapuhap ang kanyang likod.
“Huwag mo nga siyang iyakan! Hindi siya deserving para sa mga luha mong ‘yan. Napakakitid ng utak niya para hindi ka niya binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Ito ha, hindi siya kawalan sa’yo. Having a baby is the most important thing here. Kaya mo namang buhayin ang bata na mag-isa kahit wala siya.”
“Salamat beshy.”
Sana nga bumalik doon si Daniel at makipag-ayos sa kanya. Pero tama ang kaibigan niya, hindi niya ibababa ang kanyang dignidad para habulin ito at magmakaawa. Total nagawa na rin naman niya ang kanyang orihinal na plano na magkaanak sa pamamagitan nito. Tama na iyon. Ayaw niyang ibaba ang kanyang pride para lang dito. Kiber kung maging single mom siya. Iyon naman talaga ang una niyang plano.
“Huwag mo siyang laging isipin at baka ma-stress ka. Maselan ang magbuntis. Kapag nagsesenti ka lagi baka paglabas ng bata ay laging nakasambakol ang mukha ng inaanak ko. Ayaw ko ng may ganung inaanak. Kaya dapat always smile at iwasan ang badvibes. Okay?”
Napangiti siya sa sinabi ng kaibigan niyang iyon. Laking pasalamat niya na magkaroon siya ng kaibigan na gaya ni Lorraine na laging nandun palagi para sa kanya. Pero pinoproblema niya ngayon kung paano niya sasabihin sa kanyang lola ang sitwasyon niya ngayon. Ano kaya ang magiging reaksyon nito?ISANG linggong straight na laging umuuwing lasing si Daniel sa bahay niya. Talagang nasaktan siya sa nangyaring iyon sa buhay pag-ibig niya. Akala niya ay natagpuan na niya ang babaeng ihaharap niya sa altar. Kung saan nagbabalak na siyang magpakatino at lumagay sa tahimik siya namang pagdating ng biro ng tadhana sa kanya.
But he’s still thankful na magkaroon na rin siya ng anak at excited na rin siya para dito. Ayaw niyang maranasan ng anak niya ang naranasan niya sa mga magulang niya na inabandona ng mga ito. Kaya ibibigay niya ang lahat para dito. Ang kanyang atensyon at pagmamamahal.
Pero sa ngayon pa lang ay nalulungkot siya para dito dahil sa hindi niya mabigyan ito ng isang buo at kompletong pamilya.
Maaga siyang gumising sa araw na iyon dahil kailangan niyang asikasuhin ang kanyang abuela dahil sa day-off ng caregiver nito. Pero bigla siyang kinakabahan nang may makita siyang matandang lalaki at babae na kausap ng lola niya pagbaba niya sa sala. Iniuwi na niya ito at kinuha ng caregiver dahil naisip niyang sila na nga lang dalawa ang magkasama sa buhay ay magkalayo pa sila nito.
Nilapitan niya ang mga ito at napadako ang mga paningin ng mga ito sa kanya. Nakita niyang maluha-luha ang mga mata ng matandang babae. The old woman is familiar to him. Same as the old man na may hawig sa kanya.
Hindi niya alam kung bakit tumulo na lang bigla ang mga luha mula sa mga mata niya. At parang may kakaibang damdamin ang umusbong sa puso niya. Mangiyak-ngiyak na niyakap siya ng matandang babae.
“Anak, ang laki mo na…” sambit ng matandang babae.
“Ma?” tanging sambit niya.
Kumalas ito sa pagkayakap sa kanya at ikinulong sa mga palad nito ang mukha niya. “Yes ako nga Daniel. Ang mama mo,” anang nito na umiiyak.
Hindi niya makapa ang galit na kinikim niya sa mga ito noon pa man. Bagkus naawa siya sa hitsura nito. Parang ang tanda-tanda na nito. Nilingon niya ang katabing matandang lalaki nito. Tiyak niyang ang Papa niya ito. Ngumiti lang ito sa kanya at tinapik siya nito sa balikat saka niyakap.
Naupo silang mag-anak sa sofa. Ikinuwento nito sa kanila ng lola niya ang buong nangyari sa mga ito kung bakit hindi agad ito nakabalik sa bansa.
Ayon sa mga ito ay namuhay ang mga ito kasama ang mga nitibo ng Amazon. Masyado silang nahumaling sa ganda ng lugar at piniling manirahan doon. Pero lately lang daw ay naisip siya nito. Ang lola niya na matanda pati na rin ang obligasyon ng mga ito sa kanya bilang mga magulang. Masyado daw silang nabulag sa kanilang obsession sa kanilang hobby at pati siya na anak ng mga ito ay muntik nang makalimutan.
Lumapit sa kanya ang kanyang mama at hinawakan siya sa kamay nito. Noo’y nakayuko lang siya at tahimik na umiiyak.
“Anak alam kong huli na para humingi ako ng tawad sa iyo, kami ng Papa mo. Sa aming pagkukulang sa’yo. Sana’y mapatawad mo kami ng Papa mo,” anang nito na basang-basa na ng mga luha ang pisngi nito.
Nag-angat siya ng tingin at tinitigan niyang mabuti ang kanyang mama. Pinahiran niya ang mga luha sa pisngi nito.
“Ma, let’s forget all of it. Napatawad ko na kayo ni Papa. Kalimutan na natin ang lahat at magsimula tayong muli. Siguro’y hindi pa naman huli ang lahat,” aniya.
“Salamat anak. Salamat,” anang ng Papa niya na nilapitan siya nito at niyakap. Nagyakapan silang mag-anak.
Hindi niya alam kung bakit ganun na lang kadali para sa kanya ang magbitiw o magbigay ng patawad sa mga ito gayong kani-kanina lang ay naisip niya ang ginawa ng mga itong pag-abandona sa kanya.
Siguro panahon na rin para tapusin na niya at isara ng tuluyan ang kabanatang iyon ng buhay niya. Ang madilim na bahaging iyon ng buhay niya.
Parang gumaan ang pakiramdam ni Daniel matapos ang tagpong iyon sa mga magulang niya. Parang nakuha na ‘yung isang mabigat na bagay na dumagan sa kanyang dibdib ng mga panahong magkalayo sila ng mga ito. Na hindi niya ito nakakausap at nakikita. Na wala na siyang alam tungkol sa mga ito. Pero nang makita niya ang mga ito at nakausap ay naglahong lahat ng mga hinanakit niya sa mga ito bagkus napalitan iyon ng awa lalo na nang makita niya ang mga hitsura at ayos nito. Kompleto na muli ang kanyang pamilya at masaya siya doon pero parang may kulang pa rin sa kanya at hindi niya alam kung ano iyon hanggang sa maisip niyang muli si Jana.
BINABASA MO ANG
You Complete Me **soon to be published - Lifebooks**
RomansChoosy at may standard si Jana sa pagpili ng lalaking idi-date. Dapat ganito at ganyan ang lagi niyang sinasabi sa kanyang mga kaibigan kapag may nirereto ito sa kanya. Pero dumating ang araw ng malaman niyang may problema siya sa kanyang bahay-bata...