Chapter Eight

3.3K 63 7
                                    

CHAPTER EIGHT
HINDI mapakali si Daniel na paroo’t parito sa kanyang nilalakaran. Hinihintay niya si Jana na lumabas mula sa silid nito. Kanina pa nakalagay ang mga bagahe nito sa van at may binalikan lang ito sa loob ng silid nito.
Ilang sandali pa ay napalingon siya nang biglang bumukas ang pinto ng unit nito. Napakaganda talaga ng babaeng mahal niya. She’s just wearing a doll shoes, white short-shorts, pink tee, sunglass na nakaheadband sa ulo nito at nakaponytail ang mahaba at alun-alunan nitong buhok. Nakangiti ito sa kanya.
“Talaga bang kailangan mo ng umalis? Hindi ba pwedeng mag-extend ka kahit ilang araw man lang?” pakiusap niya rito.
She pouted her lips and holds his face. “If pwede nga lang, kaso hindi eh. You know I have so many obligations in Manila and I need to attend them all.”
Napabuntong-hininga na lang siya at niyakap ito ng mahigpit. Pagkakalas niya mula sa pagyakap niya rito ay ginawaran niya ito ng isang matamis na halik sa mga labi.
“Ano ba, parang bata ka naman na nahiwalay sa kanyang nanay at ayaw mo akong pakawalan. Di ba ikaw na rin ang nagsabi na may cellphone naman at pwede tayong magtawagan anytime,” nakangiti nitong turan na nanunuya.
“Akala ko kasi kaya kong malayo sa’yo. But this morning I realize that I cannot afford to take my eyes on you anymore. I want to be with you. To see you every minute, everyday,” he said and hugged her again.
Pinisil nito ang tungki ng ilong niya. “I have to go na at baka magbago pa ang isip ko. Patay ako kay Lorraine kapag hindi ako nakabalik ng Manila today. Tara!” Umabrisete ito sa kanya. “Tama na ang drama Mamang Enhinyero.”
“Mukhang okay lang sa’yo na magkalayo tayo ah?” aniya ritong nakatitig sa mga mata nito.
Bumitiw ito sa pag-abrisete at humarap ito sa kanya habang hawak-hawak niya ang dalawang kamay nito. “Engineer, hindi naman sa ganun. Alam naman natin na may mga kanya-kanya tayong obligasyon sa buhay. Pansamantala lang naman ito. Sooner or later magkikita at magkakasama na tayo sa Manila kapag natapos na itong project mo dito.”
Kumibit-balikat lang ito.
“Tama na drama ha? Gusto mo skype tayo gabi-gabi para lagi mo akong nakikita at nakakausap,” paglalambing pa rin niya rito.
“Ano pa nga bang magagawa ko,” anitong yumuko.
Hinawakan niya ang baba nito at iniangat ang mukha. “Don’t be sad na ha?” And she kiss him tenderly pagkatapos ay hinila na niya ito papunta sa sasakyan na maghahatid sa kanya papuntang airport ng Cagayan de Oro.
“Oh we need to go na at baka maiwan pa akong flight ko,” paalam nito sa kanya.
He hugged her again for the second time. Mas mahigpit ito noong una. And then he kissed her tenderly at tumakbo na palayo doon. Ayaw niyang makita ang pag-alis nito at baka umiyak pa siya sa harapan nito.
Awkward!
Tinawag siya nito pero hindi na siya lumingon pa. Kumaway lang siya habang patuloy sa pagtakbo papunta sa construction site.
Narinig na lang niya ang pag-andar ng makina ng sasakyan at unti-unting pagkawala ng ingay nito sa kanyang pandinig saka lang siya lumingon at tiningnan ito. Talagang umibig na nga siya. Damdamin na hindi niya inakalang matagpuan at maramdaman na niya.

“LA!” gulat na bulalas ni Jana pagkabukas niya ng pintuan. “Mabuti naman at naisipan n’yo pang umuwi? Mukhang nag-i-enjoy ka yata sa center.” Magtatatlong linggo na siyang nakauwi mula sa Dahilayan at ngayon pa uli sila nagkita nito. Hindi rin niya ito mahagilap sa center dahil nasa Boracay daw ito at kasama ang pamilya ng biyudong boyfriend nito.
“Bakit, hindi na ba ako welcome sa pamamahay na ito? sikmat nito sa kanya. Nakita niyang nagpalinga-linga ito na tila may hinahanap.
“Nagulat lang ako. Akala ko kasi nakalimutan mo nang may bahay ka pa rito at may apong naghihintay. Ano bang hinahanap n’yo po?” tanong niya rito.
“Baka nagdadala ka na dito ng lalaki dahil madalang na lang akong umuwi dito. Desperada ka pa namang magkaasawa,” sagot nito.
“Lola naman… Ipagdiinan ba naman iyon? Hindi na. May ipapakilala ako sa’yo one of these days. May boyfriend nap o ako,” excited niyang turan sabay upo sa sofa.
Pinagtaasan siya ng kilay nito. “Ikaw? Sure ka? Huwag mo nga akong patawanin, Jana? May pumasa na sa standard mo?”
“Totoo nga ho. I meet him in Dahilayan. Basta pagpunta niya dito ipakilala ko agad siya sayo,” aniya.
Tinitigan siya nito na parang sinusuri siya ng maayos. Hindi pa ito nakontento at sinalat pa ang noo niya at leeg. “Wala ka namang lagnat. Baka naengkanto o nagayuma ka ng lalaking iyon.”
Tumawa siya. “Lola naman. Eh sa may pumasa na nga sa standard ko.”
“May trabaho ba?”
“Meron. Engineer po.”
Pumitik ito. “Sayang! Engineer din iyong ipapadate ko sa’yo sa susunod na linggo.”
“La, hindi na pwede. I’m now taken.”
“Date lang naman. Saka malay mo magkagusto ka sa ipapadate kong ito sa’yo. Di may choices ka na! Mabuti na iyong may mapagpilian.”
“La, hindi na nga po pwede. Kailangan kong maging honest na girlfriend sa boyfriend ko,” katwiran niya.
“Sa tingin mo hindi iyon nakipagdate sa iba ngayon doon?”
Sumimangot siya at nawala ang saya ng mukha niya kanina sa narinig niyang iyon. May punto ito. Pero hindi naman siguro iyon magagawa ni Daniel sa kanya.
“Ilang taon naman ‘yan, La? Baka bakla na naman ‘yang ipapadate mo sa akin na pa-trying hard pa na magpa-men eh men naman pala ang gusto,” aniya.
May pinapadate ito sa kanya kasi dati na anak ng amiga niya sa ballroom dancing session na binata pa daw. Kinukulit nitong lagi kaya pumayag. Iyon naman pala ay bakla at natatakot lang na humindi dahil baka ma-sense ng parents nito na bakla ito. Naghahanap pa ito umano ng tiempo upang makapagtapat sa mga magulang tungkol sa totoong sex preference nito. Puro confession lang nito ang nangyari sa dalawang oras ng pagdi-date nila. Naging close naman niya itong kaibigan at iyon na nga si Marjohn.
“Twenty-nine yata o trenta na. Ito sure na sure na akong lalaki ito. He is perfect for you, apo. Match na match kayo nito. Promise. At kapag kinasal na kayo nito bilisan n’yo gumawa ng apo dahil excited na akong makakita ng produkto ninyo dalawa. Tiyak puro gwapo at maganda ang magiging anak ninyo,” sabi nito na kinikilig.
“Lola, makikipag-date pa lang ako for the first time sa lalaking ito. Ang layo na agad ng itinakbo ng isip ninyo. Isa pa, may boyfriend na ako. Ito pagbibigyan lang kita dahil ayokong may masabi ka sa akin. Tiyak kong hindi ako magugustuhan niyang ipapadate mo sa akin.”
“Aba, Jana, sa ganda mong ‘yan, imposibleng hindi ka niya magustuhan. Iniinsulto mo yata ang lahi ko at wala kang tiwala sa lahi ko. Bulag na lang ang lalaking hindi magkakagusto sa iyo, apo. Ang kapal naman nila pag hindi ka nila nagustuhan,” anitong mukhang nagalit yata.
“Hindi naman sa ganun, La. Hindi ko lang talaga siguro namana ang taglay mong ganda at alindog,” aniyang pinigil ang sariling matawa sa enakto ng lola niya ngayon.
Biniro mo pa! Eh, wala naman sa kanila ang problema kundi nasa sa iyo, anang kontrabidang bahagi ng isip niya.
“Huwag mo nga akong utoin, Jana. Kaya kita tinutulungang magkaboyfriend na dahil ayokong maiwan kita ditong mag-isa at walang kasama. Nagpropose na sa akin ang loveydoves ko. Kaya hetong ipapa-date ko sa’yo bukas ay sure akong magkagustuhan kayo nito. One hundred percent! Oh ano deal ka na?”
Last na ‘to. Promise. Pagbibigyan ko na lang itong si Lola, anang isang bahagi ng isip niya.
“Okay,” matamlay niyang sagot rito.
Wala na siyang magagawa pa. Ayaw naman niyang sasama ang loob nito sa kanya. Hindi na lang niya kinontra ito tungkol sa plano nitong ipapadate niya sa kakilala nito. Total ito naman ang huling pagkakataon na makikipag-date siya. Sana nga lang ay hindi ito malaman ni Daniel.
“Congrats pala at engage ka na,” aniyang niyakap ito ng mahigpit. Masaya siya para dito. Mabuti pa ito at nakadalawang engage na kahit na matanda na. Siya na young and single ay kaka-engage lang.
Nagkuwentuhan pa sila nito ng kung anu-ano pa bago ito nagpaalam sa kanya.
“O siya. Ako’y aalis na at may meditation session kami ngayon sa center. Tatawagan na lang kita uli kapag naayos ko na ang date mo,” anang nito na tumayo na agad mula sa kinauupoan nito.
“Akala ko pa naman dito kayo matutulog. Nami-miss ko na kasi kayong makatabi sa pagtulog, eh,” aniyang nilalambing ang abuela.
“Sa susunod na siguro, Jana. Sige aalis na ako.” At inihatid niya ito sa gate ng kanilang bahay hanggang sa makasakay ito ng taxi.
“Oh my. Nakalimutan kong itanong ang pangalan ng makaka-date ko. Tiyak, palpak na naman ito,” aniyang nakapamot na lang sa kanyang ulo.
Bumalik na lang siya sa loob ng bahay at doo’y humigang muli sa sofa. Sabado kasi kaya pwede lang siyang humilata ng buong araw at walang gagawin. Ilang sandali pa ay nakatulog na siyang muli.

EXCITED  na si Daniel na makita si Jana. For almost a month na panay cellphone at skype lang ang pag-uusap at pagkikita nila. Pero mas gusto niya na makikita rin niya ito at mayayakap ng personal. He really missed her so much. Kaya gusto niya itong sorpresahin sa opisina nito pagkarating niya ng Maynila.
Magpapaalam na rin siya sa lola niya para makapamanhikan dito dahil buo na ang kanyang mga plano para sa kanila ng dalaga. He wants to settle down and marry the woman of his life. He wants to be with her forever. To have a children of their own and to have his own family na hindi niya naranasan noon.

NAPATUTOP si Jana sa kanyang bibig nang maalala niyang delayed na siya ng limang araw sa kanyang buwanang dalaw. Paano’y tiningnan niya ang planner sa table niya kaya naalala niyang delayed na pala siya. Dali-dali siyang lumabas nang opisina at bumili ng pregnancy test kit sa pinakamalapit na drugstore na nadaanan niya. Agad din siyang bumalik sa opisina niya.
Pagkarating niya ng opisina ay agad siyang dumiretso sa CR at agad niyang binuksan ang PT na binili niya. Umupo siya sa kubeta at isinahod niya ang PT nang umihi siya at pinatakan ng ihi niya ang PT kapagkuwan.
Napatili siya ng makita niya ang resulta.
“Hoy! Anong nangyari sa’yo diyan?” sigaw ni Lorraine sa kanya habang pinagbabayo nito ang pintuan ng CR.
Dahan-dahan niyang pinihit ang siradura ng pinto at inabot niya rito ang PT.
“Ano ‘to?” salubong ang kilay na tanong niya rito.
“PT. Pregnancy Test Kit,” sarkastikong sagot niya.
“Alam ko. Pero bakit gumamit ka nito?”
“Last na tanong na lang. Babatukan na kita,” aniyang pinanlakihan na ito ng mata. “Obvious ba? Siyempre, I used it to determine kung buntis ba ako o hindi!”
Nanlaki ang mga mata nito at tiningnan ang hawak na PT. Nang makita ang dalawang guhit sa hawak na PT nito ay mas dumoble ang paglaki ng mga mata nito at napasapo ito sa sariling bibig.
“OMG! You really did it! Do you? Sino ang malas na lalaki na pumatol sa kagagahan mo? O nang-pick-up ka ng lalaki ano?” sunod-sunod na tanong nito.
Binatukan niya ito. “Sobra ka na! Grabe nang pang-iinsulto mo sa akin. Hindi ako ganun kadesperada para gawin ang mga bagay na iyon,” nakalabi niyang turan.
“Ikaw naman di ka na mabiro. Malay ko ba kung ginawa mo nga iyon. At isa pa dapat ako ang magtampo sa’yo kasi hindi ka na nagkukwento sa akin simula nang dumating ka from Bukidnon.” Ito naman ngayon ang nagtampo sa kanya.
“Beshy, wala lang akong time na magkwento sa’yo nitong mga huling araw. We’re both busy at isa pa I want to make it surprise. O ‘di ba, nasorpresa kita?” alo niya.
“Dali! Magkwento ka sa akin kung anong nangyari sa Bukidnon vacacion galore mo,” anitong hinila siya papunta sa opisina niya.
Ikinuwento niya rito kung anong nangyari sa Bukidnon, how she meets Daniel, plan to seduce her that end them to bed and their ligawan and love moments.
“Yucks! Ginawa mo talaga ang bagay na iyon? Hindi ko lubos maisip na keribels mong gawin iyon.”
“For the sake of the baby kaya ko ginawang akitin siya. Ayokong tumanda na hindi magkakaanak. Sabi nga nila, hindi makokompleto ang ating pagkababae kung wala tayong anak. And I believe that,” paliwanag niya rito.
“So you’re serious with him? Siya na ba talaga?”
“I guess so. Nasa kanya lahat ng qualities sa isang lalaki na hinahanap ko,” aniyang kinikilig pa.
“Hmmm… Well, congrats to you. Nahanap mo rin siya,” anitong niyakap siya. “You take good care of that baby at ako dapat ang magiging maid of honor sa kasal.”
Ngumiti siya. “Oo naman. Lahat kayong mga barkada ko ay bahagi ng entourage.”
“Okay. Got to go at may meeting pa ako. I think we need to hire more people at nagiging malakas na ang negosyo natin. See you later, beshy,” paalam nito sa kanya.
Naiwan siyang nakaupo sa swivel chair niya habang hinapuhap ang tiyan niya. Hindi na siya makapaghintay pang ibalita kay Daniel ang magandang balita na buntis siya sa anak nito. Nextweek pa raw ito uuwi at gusto niyang sabihin ito rito ng personal para makita niya ang expression ng mukha nito pagkatapos niyang sabihin iyon.
“Antayin lang natin ang ama mo baby ha saka kita ipakilala sa kanya,” aniyang hipu-hipo ang tiyan niya.

You Complete Me **soon to be published - Lifebooks**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon