Chapter Six

3.5K 75 1
                                    

CHAPTER SIX

GAYA ng sinabi ni Daniel kay Jana, tinupad nga ng binata ang mga sinabi nito sa kanya. Lagi silang magkasabay na kumain nito. Nagkukwentuhan bago matulog kaya marami na siyang nalalaman tungkol dito kaya nakilala niya ito ng husto. Hindi nga siya nagkamali sa pagpili nito upang maging ama ito ng kanyang anak?

Kaya minsan ay bigla siyang nakaramdam ng panghihinayang kapag naisip niyang hindi magbubunga iyong ginawa nilang iyon. But she's hoping and praying that God will hear all her prayers to grant her wish and dream to have her own baby and become a mother before the doctor will take her ovary.

Nakakaramdam din siya ng panghihinayang kapag naisip rin niyang hindi magwork-out ang sinusubukan nilang buohing relasyon. She still felt that strong attraction towards him. The same attraction she felt the first time she laid her eyes on him as a man.

"Kaamulan daw bukas. Gusto mong pumunta?" tanong ni Daniel sa kanya isang gabi matapos nilang kumain ng sabay. Nakaupo sila sa labas ng cottage nito kung saan tanaw ang race track ng ATV at ang 800 kilometer long na zipline.

"Kaamulan? Ano 'yon?"

"Festival 'yan dito sa Bukidnon. Iyon nga lang sa Malaybalay pa iyon ginaganap. So may kalayuan ng kunti dito sa Manolo Fortich. Ano punta tayo? Babalik ka na ng Manila sa lunes 'di ba?" anitong may himig ng lungkot ang boses sa huling sinabi nito.

Napangiti siya doon. May kung anong dulot na kilig iyon sa kanya. "Hmmm... Sige mukhang masaya 'yan."

"Dapat maaga kang matulog ngayon at maaga tayo bukas," anitong pinisil pa ang tungki ng ilong niya.

"Ganun kalayo?"

"Oo. Kaya...," hinawakan siya nito sa siko at inigiya palabas sa terrace ng cottage nito. "Matulog ka ng maaga para maaga ka ring magising. I'll pick you up at six. Okay?"

"Opo, Engineer."

At inihatid na nga siya nito papunta sa cottage niya. Nang nasa labas na sila ng kanyang cottage ay napansin niyang nakatitig ito sa kanya. May kakaiba sa mga titig nito. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya at hinawakan nito ang mukha niya.

"I really don't know what's with you. No words can make it to describe how lovely you are tonight," anitong nakatitig ito sa mga mata niya.

Unti-unting bumaba ang mga labi nito sa mga labi niya. She feels the softness of his lips again. Mas malambot ito kaysa noong nauna. Mas matamis ito ngayon kaysa noong una. The kiss goes deeper and deeper. Hanggang sa kapwa sila naghahabol ng kanilang mga hininga ng maghiwalay ang kanilang mga labi.

"I gotta go. Baka ano na naman ang magagawa ko sa'yo," nakangiting sabi nito na patakbong umalis na ng kanyang cottage.

Hindi niya alam kung anong maramdaman niya sa sinabi nito. Matuwa ba siya o manghinayang. Pero sa kaibuturan ng puso niya ay may kung anong pamilyar na damdamin ang muling nabuhay doon. Isang damdamin na ayaw muna niyang pangalan.

Nakangiting pumasok siya sa kanyang cottage at pabagsak na humiga sa kanyang kama habang sinasariwa ang kailan lang naranasang halik.

ALAS SINGKO pa lang ng umaga ay ginising na si Jana ni Daniel sa kanyang cottage. Nang pagbuksan niya ito ng pintuan ay nakabihis na ito. He looks so good and fresh with his plain white t-shirt and denim pants. Simple lang ito pero malakas ang hatak nito sa kanya. Lalo pa at mabango ito. Bangong panglalaki talaga.

"Are you okay?" untag nito sa kanya.

Noon lang niya napansin na nakangangang nakatulala pala siya sa harap nito.

You Complete Me **soon to be published - Lifebooks**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon