CHAPTER TEN
“WHAT happen to you pare at parang tumanda ka ng sampung taon kaysa edad mo,” anang ni Majun kay Daniel ng mag-inuman sila sa bahay nito. Birthday nito at inanyayahan siya nito pati na rin si Ryan.
“Ang dami kasing trabaho sa opisina. Alam n’yo na? Lalo na at nagbabalak kami mag-expand sa Cebu,” sagot niya.
“Pare sobra mo nang yaman. Tama na ‘yan. Bigyan mo naman ang sarili mo ng panahon para makapagrelax. Isa pa wala ka namang paghahandogan ng yaman mo. Maliban lamang kung bibigyan mo kami ni Majun,” anang ni Ryan na tumatawa pa.
Nahulog siya sa malalim na pag-iisip sa sinabi nito. May punto nga ito. Sino nga ba ang paghahandogan ng yaman niya? Useless rin ang pagsisikap niya at wala naman siyang mahandogan ng kanyang tagumpay. Wala siyang pamilyang mauuwian. Para saan ba ang kanyang pagsisikap?
“Alam mo pare tama si Ryan,” pangsang-ayon ni Majun. “You’re working hard. Para kanino? Hanggang ngayon ba ay wala pa rin planong lumagay sa tahimik?”
Bumuntong-hininga siya saka ininum ang laman ng basong hawak niya. Inilapag niya iyon saka tiningnan niya ang mga ito.
“Hindi naman lingid sa inyo ang aking nakaraan. Alam n’yo ang dahilan kung bakit ganito ang pananaw ko sa buhay. Sa tingin n’yo ba ginusto ko ito? Hindi!” aniyang seryosong-seryoso. Hindi niya maiwasang tumaas ang tono ng boses niya. Naiinis na siya sa mga ito at laging siya na lang ang nakikita ng mga ito sa tuwing nagkikita sila.
“Ginusto mo. Ginusto mong lukubin ang buong pagkatao mo sa nararamdaman mong hinanakit kay Jana.” Naikwento niya kasi sa mga ito ang tungkol sa dalaga at ang ginawa nito sa kanya. sa mga magulang mo. “Move-on pare. Move-on. Napakababaw na dahilan. Napakababaw. Bakit hindi mo subukang harapin siya at kausapin? Ikaw na rin ang nagsabi na hindi mo siya nabigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Listen to her. Lahat nang ginagawa ng tao ay may dahilan at may katapat iyong paliwanag,” anang ni Ryan na siguro’y napuno na rin sa kanya. “Kung ikaw din naman ang nasa kalagayan niya ay ayaw mo ring hinuhusgahan at hindi mapakinggan ang side mo.”
Sa sinabi nito sa kanya ay tinamaan siya ng husto. Bakit nga ba hindi niya subukan? Bakit nga ba hindi niya ito pinakinggan at hayaang magsalita ng gabing iyon? Kung sakaling pupuntahan niya ito haharapin pa kaya siya nito at kausapin? Aminado siyang hanggang ngayon mahal na mahal pa rin niya ito. Siya kaya mahal pa rin nito?
“Man you’re getting old. And you should raise your own family. Ayaw mo nang hindi buong pamilya ‘di ba? Sa ginawa mong ito parang ganun na rin ang mangyayari at maexperience ng anak mo,” si Majun naman ang naglitanya sa kanya.
Para siyang natilihan sa sinabing iyon ni Majun. Tama nga ito. Wala siyang pinagkaiba iyon halos sa nangyari sa kanya.
“Isa pa ha, ikaw naman siguro ang una ni Jana. Am I right?” si Ryan.
Tumango siya.
“Ayon! So hindi big deal iyon na ginamit ka niya para mabuntis siya. Score iyon sa’yo. Siguro sa panahon na nagkasama kayo sa Bukidnon naramdaman mo naman siguro na mahal ka rin niya,” patuloy ni Ryan.
Tumango uli siya. Ipinakita naman nito sa kanya ang lahat-lahat. Nagbahagi rin ito sa kanya tungkol sa buhay nito. Bakit ba naman kasi nabulag at nabingi siya sa narinig niyang iyon sa dalaga.
“Now go and fix your life pare bago mahuli ang lahat,” anang Majun sa kanya na itinulak pa siya para tumayo sa kinauupoan niya.
Napangiti siya sa ginawi ng mga ito sa kanya. Talagang mga kaibigan niya ito.
“Salamat talaga sa inyo. Dami ko nang utang sa inyong dalawa,” aniya bago tuluyang tumayo at umalis sa lugar na iyon.
Yes, he needs to fix his life. His damn life. He wants to have a happy life with Jana. Kailangan niyang humingi ng tawad dito. Gagawin niya ang lahat para mapatawad siya nito at makabawi sa ginawa niyang kababawan at kakitiran ng isip.“HI Lolo Alfonso! Nakita mo ba ang lola ko?” tanong ni Jana sa matandang lalaki na nakaupo sa bench sa mini park ng center.
Dadalawin niya sana ang lola niya at ilang linggo na itong hindi dumalaw sa bahay nila. Nawiwili na ito sa pagtira sa center kasama ang iba pang mga matatanda.
“Oh Jana. It’s good to see you hija. Ayun ang lola mo nagstrolling kasama ng mga kaibigan niya,” anang nito na ibinaba sa upoan nito ang binabasang newspaper.
“Thank you po,” nakangiting pasalamat niya sa boyfriend ng lola niya.
Sinalubong niya ang abuela na naglalakad kasama ang mga amiga nito. “Good morning po La.” Nagmano siya rito.
“Oh good morning hija. Mabuti naman at naisip mo akong dalawin dito. Nami-miss mo ako noh?” tudyo nito habang sa patuloy sa paglalakad palibot sa mini park ng center.
“Mmm… Partly yes! May gusto sana akong sasabihin sa’yo. Baka pwede tayong maupo sa isa sa mga bench doon,” aniyang itinuro niya ang isang bahagi ng parke na may bakanteng bench sa lilim ng isang puno.
“No. You can say it here. Hindi naman nila maririnig iyon dahil mga bingi na itong kasama ko,” anang nito na patuloy pa rin sa paglakad kasunod ang ilang mga babaeng matanda.
“Buntis po ako,” aniyang pabulong
“Ano? Ulitin mo nga,” anang nito.
“Buntis po ako,” aniyang dinahan-dahan pa niya ito.
“I can’t hear you. Say it louder and clear.”
“For God’s sake Sisang. Paandarin mo nga ‘yang hearing aid mo at nang marinig mo ang sinasabi ng apo mo. Buntis daw siya,” singit ng isa sa mga kaibigan ng lola niya na kasunod nila.
Huminto ito at tinitigan siya nito. Parang hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. Ngali-ngali siyang hinila nito papunta sa isang bakanteng bench doon.
“Maiwan ko na muna kayo girls at medyo masinsinang usapan ang kailangan namin ng apo ko,” paalam nito sa mga kaibigan.
Nang makaupo na sila doon ay ginagap nito ang kamay niya.
“C’mon tell me. Sino ang ama ng dinadala mo? Wala ka namang boyfriend na alam kong makabuntis sa’yo,” seryosong turan nito.
“Isang lalaking nakilala ko sa Bukidnon noong may project kami doon,” sambit niya.
Napatutop itong bigla sa bibig nito at napa sign of the cross. “Oh my God! Ganyan ka na ba talaga kadesperada apo at nam-pick-up ka na ng lalaki?”
“No. No. No. Mali ang iniisip mo lola. Hindi ‘yan,” taranta niyang sabi. Nais niyang itama ang maling iniisip nito. “Naging kami naman po. He loves me and I love him.”
“Ha? Oh my. Are you serious? Binibiro mo lang yata ako eh,” inirapan siya nito.
“Hindi. Totoo po talaga,” aniyang seryosong-seryoso ang anyo.
Bumuntong-hininga ito. “So nariyan na ‘yan ano pa nga ba ang magagawa ko. Iyan naman ang gusto mo. So what’s the problem?”
“Si Daniel po,” nakalabi niyang sabi.
“What about Daniel?”
“He’s special to me. But I lost him.”
Ikinuwento niya rito ang nangyari sa kanilang hindi pagkakaunawaan at ang ilang linggo na ring hindi pakikipagkita nito sa kanya.
“What makes him special?”
“Hindi ko alam, La. I don’t know,” sagot niya habang nakatukod ang siko niya sa sandalan ng bench. “Ano po bang gagawin ko?”
“Follow your heart. Sundin mo kung ano ang sinasabi nito. Pero teka, teka, teka. Sino ba itong Daniel na ito? Sounds familiar to me,” wika nitong hawak-hawak pa ang baba nito.
“Siya iyong enhinyero na nakasama ko doon sa Bukidnon.”
“Enhinyero ba kamo? Naku! Teka! Teka!,” anitong may dinukot sa wallet nito. “Siya ba?”
Ipinakita nito sa kanya ang isang litrato. And to her surprise, it was Daniel beside her lola.
“Magkakilala kayo?” nanlaki ang matang tanong niya sa lola niya.
“Oo naman. Apo siya ni Meding iyong isa ko pang kasama ko dito sa center at siya iyong gusto kong ipa-date sa’yo,” sagot nito sa kanya.
Biglang lumungkot ang anyo niya dahil sa namiss niya talaga ito.
“What’s wrong?”
“As I told you, I lost him because of misunderstanding… And he hates me now,” aniyang hindi mapigilan ang malungkot nang maalala ang tagpong iyon sa kanila ni Daniel.
“Aba! Hindi ‘yan pwede. Masugod nga ang batang iyon at kailangan niyang panagutan ang ginawa niyang ito sa’yo!” anang lola niya na hindi na yata mapigilan ang sariling magalit.
“La, huwag na po. Ayokong ipilit ang aking sarili sa taong ayaw na sa akin. Isa pa, kontento na ako sa buhay ko ngayon kahit wala siya. Masaya na ako na may makakasama na may anak akong makakasama ko at mag-aalaga sa akin sa aking pagtanda,” malungkot niyang turan sa abuela.
Nakita niyang nalungkot rin ito sa kanya. Yinakap siya nito nang mahigpit. “If that is your decision, sino ba naman ako para tututol sa desisyon mong iyan,” wika nito.
“Salamat, La. Salamat.”
Sa ngayon kahit papaano ay naibsan ang bigat ng kanyang dinadala na nasabi na niya sa kanyang abuela ang kanyang problema. Kahit papaano ay nakahanap uli siya ng kakampi sa katauhan nito na makakasama pa sana niya ng mahabang panahon para harapin ang mga hamon ng buhay.

BINABASA MO ANG
You Complete Me **soon to be published - Lifebooks**
RomanceChoosy at may standard si Jana sa pagpili ng lalaking idi-date. Dapat ganito at ganyan ang lagi niyang sinasabi sa kanyang mga kaibigan kapag may nirereto ito sa kanya. Pero dumating ang araw ng malaman niyang may problema siya sa kanyang bahay-bata...