Chapter Two

4.3K 77 3
                                    

CHAPTER TWO

KINAKABAHAN si Jana habang tanaw niya ang paparating na doctor. Galing ito sa laboratory at kinuha ang result ng kanyang test.

            “Have a seat Miss Morrondoz,” muwestra nito sa kanya sa upoang nasa harap ng mesa nito.

            “Ano pong resulta, Dok?” nag-alalang tanong niya rito.

            Bumuntong-hininga ito saka ito tumititig sa kanya. “Hindi na ako magpaliguyligoy pa Miss Morrondoz. May mga iilang cysts kaming nakita sa uterus mo at kailangan iyong tanggalin bago pa dumami ang mga iyon. Hindi pa namin maidentify kung malignant ba ito o benign lang.”

            Para iyong bombang sumabog sa pandinig niya. Ibig sabihin noon ay wala na siyang tsansang magkaanak pa? Kung hindi siya magkakaasawa ibig sabihin din noon ay tatanda siyang mag-isa? Kaya pala laging sumasakit ang puson niya. At kapag dinatnan naman siya ay maraming dugo ang lumalabas sa kanya at aabot pa ang menstruation niya ng mahigit isang linggo.

            “Ibig sabihin ba nito ay wala na akong kakayahan pang magbuntis?”

            “Aalamin pa natin iyon. Kailangan pa naming alamin kung benign ba o malignant ang mga cysts sa tumubo sa uterus mo. Saka natin masasabi kung pwede ka pa bang magbuntis o hindi na.”

            “Ahm… Baka pwedeng gawin na natin ngayon kung ano ba ‘yang test na kailanganin para madetermine kung benign o malignant ang mga takteng tumubong iyan sa uterus ko,” nataranta na niyang turan.

            “Sige ipapahanda ko muna ang mga kakailanganin, Miss Morrondoz,” saad nito saka ito nagpaalam sa kanya.

            Naiwan siya doon nakaupo sapo ang mukha ng dalawang palad niya. Agad namang pumasok doon si Lorraine pagkalabas ng doctor.

            “Hey what’s wrong?” tanong nito sa kanya. Naupo ito sa kanunog na silya niya.

            Sinabi niya agad rito ang sinabi ng doctor sa kanya.

            “Let’s pray na lang na hindi siya benign. Mabait naman ang Dios at hindi ka niya pababayaan,” anitong hawak-hawak ang dalawang kamay niya.

MUGTO ang matang bumangon si Jana sa kanyang kama at tinungo niya ang banyo upang maghilamos. Buong magdamag siyang walang tulog at panay ang iyak niya dahil sa nalaman niyang resulta. Hindi naman daw iyon malignant na mga cysts pero kailangan pa ring tanggalin. Maari pa siyang magbuntis ng isang beses pero after that ay kailangan ng tanggalin ang kanyang uterus bago pa tuluyang kumalat at maging malignant ang mga cysts na iyon.

            Paano naman siya mabubuntis gayong wala pa naman siyang boyfriend? Hindi rin naman niya ma-take na lumabas isang gabi para manghagilap at magbayad ng lalaking bubuntis sa kanya.

            Iniisip rin niya ang sinuggest sa kanya ni Lorraine sa kanya pero ayon sa research niya sa internet kagabi ay 50-50 ang chance na mabuntis sa ganung procedure. At kapag hindi siya nabuntis sayang lang din ang kanyang perang gagastusin doon. Paano na siya? Mag-isa na lang ba siyang mamuhay sa mundo? Di naman siguro mangyayari sa kanya iyon as long as hindi na siya magiging choosy sa kanyang magiging boyfriend o kaya magiging ama ng magiging anak niya. Kung mabubuntis agad siya nito.

            Tuloy naalala niya ang pinapa-date ni Cindy sa kanya. If papasa ito sa standards niya baka pwede niyang lunukin ang kanyang prinsipyo at magpabuntis dito kahit na one night lang. Kailangan niyang magkaanak. Kahit na huwag na siyang magkaasawa basta may anak siyang makakasama hanggang sa kanyang pagtanda. She’s dreaming of to have her own baby. Anak na kakargahin niya at matutulog sa kanyang kandungan.

You Complete Me **soon to be published - Lifebooks**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon