Note: This is Dessa's POV when First proposed to Ali. Basically, it's her behind the scene reactions.
DESSA
"Ali can we talk?" ani Second ng makita niya si Ali na tinatampisaw ang paa sa pool. I was about to call him para sana makipaglaro kina Sam pero yun ang eksenang naabutan ko.
"Oh Second ikaw pala." nakangiting bati sa kanya ni Ali. Ang ganda niya lalo kapag ngumingiti, no doubt kaya mahal siya ni First at Second.
I felt a pang on my chest with that realization.Tumabi si Second kay Ali at pareho nang nakalublob ang paa nila sa pool. Kung di lang sa akin at kay Sam, they definitely look good together.
"Kumusta ang buhay may asawa?" tanong ni Ali sa kanya kaya lalo akong palihim na nakinig sa usapan nila.Napabuntong hininga si Second ng malalim. Kinabahan tuloy ako.
"Heto, masaya lalo na sa tuwing nakikita ko ang mag-ina ko.,pero Ali.,di ko maiwasang isipin na siguro doble ang saya ko pag ikaw ang napangasawa ko." may panghihinayang ang tunong ani Second. Napangiti ako ng mapait. Dinurog ang puso ko sa sinabi niya. All this time, I never managed to enter his heart.
"Naku Second masama yan. May asawa ka na't lahat may ganyan ka pang sinasabi.,hindi yan healthy ah." saway sa kanya ni Ali. I must be really thankful with her words but somehow it made me a lot more jealous and insecure.
Paano kasi kakalimutan ni Second ang ganyang kaganda at kabuting babae?
Napaiwas ng tingin si Second. I hope he feels guilty.
"Ang swerte sa'yo ni First. Di ko maiwasang mainggit kasi ako nga ang nauna sa'yo pero si First pala talaga ang bagsak mo.,kasi nga si Second lang ako.." madramang aniya na lalong nagpaigting ng sakit sa puso ko. I didn't even notice a single tear that escaped from my eye.
Hinampas ni Ali ang braso niya at sabay silang nagtawanan.Nakakainggit ang interaction nila, ang ngitian at tawanan nila. Never pa namin nagawa yan ni Second.
"Have you seen Ali?" biglang may nagsalita sa likuran ko. Agad kung pinahid ang takas ng luha sa pisngi ko saka humarap kay First at nakangiting itinuro sina Ali.
Pansin kong napangiwi siya. Malamang sa selos din pero buti pa siya nagbago ang ekspresyon ng mukha ng marinig ang sunod na usapan nina Ali.
"Mahal mo ba talaga si First?" napakunot ang noo ni Ali sa tanong ni Second pero agad din itong ngumiti.
"Oo naman. Mahal na mahal at sa pagkakataong ito.,masasabi kong siya yung tao na di ko papakawalan katulad ng ginawa ko noon. This time, I will fight for him kahit gaano pa kadaming mga babae niya ang kakaharapin ko." bigla namang ginulo ni Second ang buhok ni Ali. Siniko lang siya ni Ali at natawa naman ito.
"Tsssss..." di rin mapigilang komento ni First na abot langit ang ngisi. Sobrang natamaan!
Bigla namang nakita ko sina Tita at Tito sa tabi namin. Kanina pa ba sila andyan?
"First, don't you think it's the right time to pull your prunk?" nakangising ani Tito Last. I still call him tito. Nakakailang kasi ang Dad.
"Yeah right! Dessa. I will be needing your help." biglang ani First kaya naweweirduhan akong tumitig sa kanya.
"tulong saan?" tanong ko. Ngumisi si First saka huminga ng malalim.
"I need you to act angry at them,.." sabay turo niya kina Ali."Really angry. Then I will barge in the scene and the rest will be mine to manage." aniya sabay kindat sa magulang niya.
"Ehhh sure ka?" nag-aalangan kong tanong dahil sa di ko maintindihan ang topak na naman ng mga ito. Sinenyasan ako nina Tita at Tito na sumunod kaya napapalunok akong tumango sabay tingin sa gawi nila Second na nagtatawanan.
"okay the first scene will be yours.,sa backstage muna kami.." pacool na ani First sabay hila kina Tita patago.
"Mahal mo nga." iiling iling pang komento ni Second.
"Anong expect mo..." bulong pa ni First sa pinagtataguan. Naghanda na rin ako ng script sa utak ko. Diyos ko ano ba itong napasukan ko.
"Naman! Makikita ng mga babae niya dati kung gaano ako kabagsik lumaban. Mas matanda ako sa mga yun.,nasisiguro ko at iba lumaban ang mga babaeng matanda pero virgin pa rin." tatawa tawa ani Ali kaya maging si Second ay napahalakhak na din.
That's it! Masyado na kayong nag eenjoy.
Napatigil sila sa paghalakhak ng biglang pumalakpak ako galing sa likuran nila. Napatingin sila sa gawi ko.
"Wow naman. Nalingat lang ako sandali.,naglalandian na kayo? Di na kayo nahiya! Ikaw na haliparot ka. Ang landi-landi mo! May asawa na nga si Second,,nilalandi mo pa. Malandi ka!" nanlilisik ang matang sigaw ko sa kanila. I didn't why but seems like i'm not acting anymor. The words may not be the ones I wanna exactly voice out pero yung burst of emotion andun na eh.
"Teka nga muna Dessa.,di kami..."
"Di kita kinakausap Second.," putol ko sa sasabihin sana ni Second.
"Wag na Second." baling ni Ali kay Second na ramdam ko'y nag-aalala." Dessa mali ka. Wala kaming ginagawang masama ng asawa mo..." di na niya natapos ang ipapaliwanag nang makita niya si First sa likuran ko.
Namutla siya bigla lalo na nung nagwalk out si First. Agad itong sumunod sa lalaki na agarang naiiyak.
"First sandali...sandali lang naman oh.." umiiyak nitong sabi habang binabaybay ang daang tinahak din ni First. Pati mga katulong ay naagaw ang atensyon at si Third na nakikipaglaro kina Iris at Sam ay napasunod din sa eksena nila First.
"Dessa, what was that? Nag-uusap lang kami.." bigla namang ani Second sabay hablot sa braso ko. Gusto ko siyang sigawan at iparamdam na talagang nagseselos ako pero pakiramdam ko hindi ito ang tamang panahon.
Lagi naman eh. Laging mali ang pagkakataon para sa aming dalawa. Mula sa una naming pagkikita hanggang ngayon, mali pa rin sa amin ang lahat kahit ako'y masaya dahil siya ang asawa ko.
"tsskk arte lang yun,,parte ng proposal ni First.." sagot ko kahit naluluha na talaga ako sa sakit.
Mas lalo yatang sinaksak ang puso ko ng mapagmasdan ko ang lungkot sa kanyang mga mata habang pinapanuod ang eksena nina First at Ali na naghahalikan sa gitna ng ulan.
Second, sana buksan mo na ang mga mata mo sa katotohanan na hindi siya para sa'yo.
Andito lang ako Second. Nasa tabi mo lang ako. Naghihintay na kahit papaano maansin mo.
Mahal kita Second. Mahal na mahal.
BINABASA MO ANG
Falling into Place(COMPLETED)
General FictionInstaMom's Sequel-Second's Story Madaling maging asawa pero mahirap magpakaasawa lalo na sa taong di mo naman mahal. -Second C. Chance