SECOND"Kuya! Tang*na gising!" sigaw ni Third kaya bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga sa sofa.
"Di mo naman kailangang sumigaw." malumanay kong sabi pero bigla na lamang niya akong sinapak.
"Ganyan ka ba talaga kagago?!." tinuro niya ang kama na kinahihigaan ni Dessa at ganun na lamang ang pamumutla ko ng makita kong hospital gown na lamang ang andun.
"Nasaan siya?" napatawa ng mapakla si Third. Napahilamos sa mukha at galit na itinuon ang mata sa akin.
"Ikaw nga na ASAWA hindi alam. Ako pa kaya?" puno ng sarkasmong aniya. Doon ako natauhan.
Hindi.
Hindi siya umalis.
Hindi niya ako iiwan.
Dali dali akong napaayos ng sarili saka lumabas at hinalughog ang bawat sulok na pwede kong paghanapan at pagtanungan pero ni isa sa kanila walang nakapagsabi. Dali dali akong lumabas baka sakaling maabutan ko pa siya pero wala.
Wala akong Dessa na nakita.
Nagsawa na siya.
Napagod na.
At sino ba akong gago para magreklamo o masaktan gayong ako ang nagtulak sa kanya palayo.
Tama ang mga kapatid ko. Isa akong malaking
GAGO!
Mahal niya ako. Binigay niya lahat ang pwede niyang maibigay sa akin pero ako ba may naibigay?
Wala.
Dumating sina Mom at Dad. Pinacheck ang CCTV kaya natrace na lumabas nga siya isang oras ang nakakalipas bago ako nagising.
Ang tanga ko.
Nakapalit siya ng damit kaya di namalayan ng mga tao sa ospital na pasyente siya. At kung nasaan man siya ngayon di ko alam.
Matagal ko siyang nakasama sa iisang bubong pero ni minsan di ko siya kinilala.
Kung may natitira nga ba siyang kapamilya bukod sa pinsan niya o may kaibigan ba siya.
Wala. Di ako nag-effort para sa kanya.
Ngayong wala na siya. Ngayong umalis na saka ko narealize kung gaano ako katanga.
Mahal mo na siya Second. Di mo ako maloloko. Wag kang iiyak iyak kung saka mo lang marerealize pag nawala na siya.
Sabi sa akin ni Ali bago kami magpang-abot ni First kahapon.
Tinawanan ko pa siya pero ngayon umiiyak nga ako. Umiiyak ako dahil sa pagiging gago ko.
Bakit di ko napansin?
Bakit di ko agad naramdaman?
Masyado ka lang nabubulag sa ideya na ako'y mahal mo pa rin.
It's Ali's voice again. She just answered my question. I wanna beat myself out. I wanna punch myself hanggang mawalan ako ng ulirat pero wag ngayon.
Whatever it takes. I will find her.
"Third, Dad. I need your help. Hahanapin ko si Dessa kahit di pa ako matulog sa gabi." puno ng determinasyong sabi ko.
Tumango naman sila at nagtawag ng mga pwedeng tumulong sa paghahalughog ng buong lungsod para mahanap siya. Di pa siya nakakalayo.
Di siya pwedeng mawala.
Kakagaling niya lang sa pagkawala ng baby namin which is all my fault.
How can I be so naive not to notice?
My daughter needs her.
I need her.
I do love her
and I hope it's not yet too late for the both of us.
Please Dessa, hang a little bit more.
Hang a little bit more
but if you're tired of hanging and holding on to that branch,
this time, I'm gonna catch you if you fall.
Just please, love me still.
I love you. I do love you, Dessa.
Sorry if it's too late.
I hope not yet.
BINABASA MO ANG
Falling into Place(COMPLETED)
General FictionInstaMom's Sequel-Second's Story Madaling maging asawa pero mahirap magpakaasawa lalo na sa taong di mo naman mahal. -Second C. Chance