DESSA
Naalimpungatan na lamang ako sa usapan na naririnig ko sa paligid. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata at ganun na lamang ang pag-igik ko ng maramdaman ko ang sakit at panghihina.
"Dessa...may masakit ba?" nag-aalalang dinaluhan ako ni Tita. Napalinga ako sa paligid at nandito rin si Third, Tito at si Second na di makatingin sa akin.
And just like that, napahawak ako sa tiyan ko.
"Ang baby? Ang ba..by ko?" naiiyak kung tanong. Hindi sila makatingin sa akin. Lahat sila nag-iwas ng tingin.
"ang baby ko? Okay lang ba siya?" napalakas ang boses na tanong ko. Kahit may ideya na ako. Hindi ko matanggap. Hindi. Hinding hindi.
"Sorry Dessa.." ani Second saka ako mahigpit na yinakap. Doon na ako pumalahaw sa iyak.
"Hindi. Buhay siya. Buhay siya. Hindi maaari.." pagpupumiglas ko sa yakap niya sabay hampas sa braso niya na nakayakap pa din sa akin.
"sorry..." that's the only word he could ever manage to say.
"ang baby ko...." that's again the last word I could hear myself say dahil bigla na lamang ako tinurukan ng pampatulog...
____
Nagising muli ako sa isang tahimik at walang buhay na silid.
Wala na ang baby ko.
Wala na.
Di ko mapigilan ang pagbuhos ng aking mga luha. Pagod na akong magwala kaya ang tanging nagawa ko na lamang ay tahimik na lumuha habang pinagmamasdan ang tulog kong asawa sa sofa.
"Gustong gusto kitang sisihin Second. Gustong gusto ko pero hindi kaya ng puso kong magalit sa'yo. Mas galit ako sa puso ko kasi kahit anong gawin mo, mahal ka pa rin nito." naiiyak na bulong ko habang nakamasid sa gwapo at payapa niyang mukha.
"Nakakalason ang pag-ibig na ito Second. Pati baby natin nawala dahil dito sa puso kong masyadong mahina pagdating sa'yo.." patuloy kong hikbi saka tinanggal ang IV na nakaturok sa pulso ko.
Masakit pero mas masakit itong gagawin ko.
Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang buhok sa huling pagkakataon. I kissed his lips too.
Bago pa siya magising ay binuksan ko na ang bag na tingin ko'y naglalaman ng damit para sa akin. Tinungo ko ang banyo saka nagpalit.
Thank God tulog pa siya sa oras na yun. Kahit nanghihina, I still managed to escape from that place. Away from him. Away from the love of my life.
Kailangan ko munang hanapin ang sarili ko. Masyado akong nalulong sa pagmamahal ko sa kanya na pati sarili ko napabayaan ko na. Pati ang baby ko nawala pa.
Naiiyak na naman ako. Gusto kong kunin si Sam pero maghihirap siya kasama ko kaya kahit masakit.,iiwan ko ulit siya.
"Sorry anak, masyadong tanga ang mommy mo. Nawala ko pa ang magiging kapatid mo sana dahil sa katangahan ko. Sorry anak. Sorry pero mahal na mahal kita."
Too much love could really kill. Literally and emotionally.
Mahal pa din kita Second pero kung ganito lang ang paraan para mapaligaya ka, ang pag-alis ko. Gagawin ko na.
Kung sakali mang may second chance pa tayo..
Hindi ko matiyak kung tatanggapin pa kaya kita.
BINABASA MO ANG
Falling into Place(COMPLETED)
General FictionInstaMom's Sequel-Second's Story Madaling maging asawa pero mahirap magpakaasawa lalo na sa taong di mo naman mahal. -Second C. Chance