DESSA
Where do broken hearts go?
Will they find their way home
Back to the open arms
of a love that's waiting there
I'm in pain. And I'm cryin'.
Nasa isang coffee shop ako at nagkataong yang kantang yan ang naipatugtog.Gusto kong matawa. Parang nagpaparinig lang ang tadhana sa akin ah. Napunta ako dito hindi dahil may katagpo ako kundi dahil hindi ako makahinga sa mansion.
Isang linggo na rin mula ng mangyari ang insedenteng yun. Isang linggo na at bumalik kami sa sitwasyon ng kalamigan ni Second.
Isang linggo na ding iwas si Ali kay Second at puro siya payo sa akin na tatagan ang loob ko. Kahit gusto ko sabihin sa kanya na di yun ganun kadali lagi niya lang ako yinayakap at paulit ulit na humihingi ng tawad.
Wala siyang kasalanan.It's not her fault that she exist between us. It's not her fault that she is still loved by my husband.
Oo. Sobra akong nasasaktan pero ang martyr kong puso ayaw siyang bitawan kaya I tried enough to get in touch with him. Binibisita ko siya sa opisina which I did never did before. Pinagluluto ko pa siya at extra asikaso ako sa kanya.
But, he always gave me a cold shoulder. Mas malamig pa sa salitang malamig.
"You don't have to do this, Dessa. Pinapagod mo lang ang sarili mo sa wala. Why not spend your time at home kaysa nagpupupunta ka pa rito?" his words echoed through my brain kani-kanina lang. I didn't let my tears fall noong kaharap ko siya pero pagkasakay ko naman ng taxi paalis sa kinaroroonan niya saka ko ibinuhos ang mga luha ko.
Ang sakit sakit na balewala lang ako sa kanya.
"Miss panyo oh...Kung di niya kayang punasan ang mga luha mo mabuti pa ngang wag mo na lang ipakita.." makahulugan pang sabi ng taxi driver. Di ko na nga sana aabutin kaso ng iangat ko sa kanya ang mukha ko, ang gwapo niya. Gwapo lagi ang nakikita ko sa mansion ng mga Chance at gwapo rin ang asawa ko pero iba naman ang level ng kagwapuhan nito.
Parang nakita ko na siya eh.
Inabot ko yung panyo saka nakaiwas ang tinging pinahid ang mga luha ko. Imbes na isipin ang sakit sa kalooban ko bigla akong napatanong sa kanya.
"Bakit ganito ang trabaho mo?" natawa naman siya sa tanong ko. Sexy ng tawa.
"Bakit? Ayos namang maging taxi driver ah.." depensa niya. Napailing naman ako.
"Alam ko naman yun. I mean gwapo ka. Magmodel ka na lang kaya. Dami dyan nangangailangan ng ganyang pagmumukha't pangangatawan.." sagot ko naman na nakapagpabunghalit ng tawa sa kanya.
Hala!
May sapak?
"99. Salamat Miss." nakangising aniya saka parang may pinindot sa phone niya. Recorder yata. Wow. Sosyal ang phone. iPhone?
"May katuwaan lang kami ng mga tropa ko. Ikaw ang ika-99 na nagsabing gwapo ako. Kailangan ko pa ng isa bago ako huminto." nakangising paliwanag niya. Napailing na lamang ako sa kaweirduhan niya. Isa lang ang sigurado ako, di talaga siya taxi driver.
Pero.
Kahit papaano. Napatigil nga ako sa kakaiyak.
Kinuha ko ang pouch sa mesa saka nagpasyang umuwi sa mansyon. Baka nagpupumilit na naman si Ali tumulong sa kusina eh ang laki na ng tiyan. Hirap nga sila sa kakulitan niya lalo pa't wala si First na tanging nakakapagpigil sa kanya.
Napailing ako sa aking naiisip. Ang laki na ng tiyan niya pero ang liksi pa din niya kumilos. Mas gumanda yata siya sa pagbubuntis. Bakit may mga taong ganun, gumaganda pag jundat?
Ako nga noon kung ano ano ang lumaki sa akin pati nga butas ng ilong ko. Tsk!Di ko lang inaasahan ang mabubungaran ko sa aking pag-uwi. Umiiyak si Ali na nakayakap kay First habang nakaharap kay Second. Galit na galit ito at ngayon ko lang nakita ang ganung side ni First.
"Anong magagawa ko First. Siya pa rin eh. Kahit pakasalan mo nga yata ng ilang beses si Ali, siya pa rin.." nanghihinang ani Second. Susugurin sana siya ni First pero pinigilan siya ni Ali.
"First tama na ..." pigil nito. Gusto kong umawat din pero natulos lang ako sa kinatatayuan ko. Ang sakit na eh. Akala ko ayos na ulit ako kanina kaso bakit ganito, domoble na naman ang sakit.
"Di ko alam kong bulag ka ba o sadyang gago. Kita mo ng asawa ko yung tao pero ganyan pa din kakapal ang mukha mo. May asawa ka na, gago!" napatili na lamang si Ali ng matumba si Second dahil naabot siya ng suntok ni First.
"Umayos ka Second! Wag kang gago." bigla na lamang pumasok sa eksena sina Tita at Tito.
"What's happening here?" galit na sigaw ni Tito sa dalawa. Dinaluhan naman agad ni tita si Ali na umiiyak. Kusang tumayo si Second na nakangisi sabay pahid sa bibig na dumugo.
"Yang gagong yan! May balak sulutin ang asawa ko!" nanggagalaiting sigaw ni First.Mas lalong naginig si Ali sa iyak at takot. Di mo na kasi makikilala sa kanya ang malambing na First.
"tama na First. Mapapaanak si Ali ng wala si oras..." ani Tita ang just like that lumambot ang ekspresyon ni First at agad yinakap ang umiiyak na asawa.
"I'm sorry baby..I'm so sorry.." naluluha na ding aniya habang hinahalikhalikan ang noo at buhok ng asawa.
Tumulo na lamang ng kusa ang mga luha ko. Hindi dahil mahal pa ni Second si Ali kundi dahil kahit kailan hindi ko na yata mararanasan pa ang katulad ng pagmamahal at pag-aasikaso ni First kay Ali.
"Second. Ayusin mo ang sarili mo! First, iakyat mo na si Ali.." pinangko naman na ni First ang asawa at walang sabi sabing umalis. It hurts me to see Second stealing glance on them.
Nagdurugo ang puso ko. Napakasakit. All this time I didn't even manage to enter Second Chance's heart.
Bigla akong nakaramdam ng mainit na likido na umaagos sa hita ko. Nanlalaki ang matang humawak ako sa aking tiyan.
Pagtingin ko sa hita ko ay may dugong umaagos.
"Se..cond..." that's the last word I could manage to utter before darkness engulfed me.
Please save my baby..
BINABASA MO ANG
Falling into Place(COMPLETED)
General FictionInstaMom's Sequel-Second's Story Madaling maging asawa pero mahirap magpakaasawa lalo na sa taong di mo naman mahal. -Second C. Chance