SECOND
Dati Gago.
Ngayon para akong baliw.,that even came from my brothers.,First and Third.
In a relationship, di ba dapat lalaki ang may forte sa pagpapakilig?
Putcha!
Bakit sa sitwasyon namin ni Dessa ako itong parang bakla kung ihiin sa kilig.
"Hubby.,breakfast for you..." pamatay na nga sa akin ang linya at effort niyang yan eh.
Ang swerte ko talaga sa asawa ko. Ano bang nakain ko nitong mga nakalipas na buwan at di ko yun napansin?
Hay.,dami tuloy oras na nasayang. Kung pwede lang hugutin pabalik.
"Ayan ayos na. Dati naman ang ayos ayos mo maglagay ng necktie ah. Bakit ngayon di mo na magawa?" nakangusong sabi ng asawa ko matapos iayos ang necktie ko. Napangiti na lang ako saka siya hinuli at ikinulong sa aking yakap.
"Bakit ayaw mo bang inaayos necktie ko? hmmm..." nangingiti kong sabi sabay hinalik-halikan siya sa leeg dahilan upang magpupumiglas naman siya.
"tumigil ka nga Second. Malilate ka sa trabaho niyan eh.,ang kulit kulit...Humayo ka na at baka saan pa tayo mauwi.." aniya habang tinutulak tulak ako. Napatawa na lang ako ng malakas. My wife really knows me so well.
"*chuckle* bakit ayaw mo ba?" I teased her while wiggling my brows. Namumula naman siyang umiwas ng tingin. Agad kong hinapit siya sa baywang saka sinapo ang kanyang tiyan.
"Ayaw mo bang sundan natin si Sam?" bulong ko na nagpasinghap sa kanya.
"Imagine a little naughty and handsome Second hanging around the mansion.,don't you like that hmmm?" pagpapatuloy ko kasabay ng paglapit ng mukha ko sa kanyang namumula at tila gulat na gulat na mukha.Napapikit siya at akala ko pagkakataon ko na para sumunggab pero doon yata ako nagkamali dahil malakas niya akong itinulak.
"Ewan ko sa'yo. At ewan ko na lang din kong di pa ako mabuntis sa halos araw gabi mong pagkayod..." naiinis na aniya saka nagpapapadyak itong iniwan ako sa kwarto. Gulat ma'y di ko naiwasang mapangisi.
Bipolar?
hmmm she must be preggy...
Aha! how I love that thought. Inunahan ko nang magtanong sa OB-GYN para malaman ang mga pregnancy symptoms.
Nadala na ako sa pagkawala ng baby sana namin at sa muntik na ding pagkawala ng baby ni Ali dahil lang gago si First at di agad nalaman.
Correction. Gago din pala ako kaya patas na kami haha.
Bago pa ako pumasok sa trabaho ay sinundan ko agad si Dessa papunta sa kitchen.
"Naku Ali.,kami na ni Manang dyan. Ang laki laki na ng tiyan mo at baka maibangga pa dyan..," natawa naman si Ali sa pananaway ng asawa ko.
"Kaya ko pa naman. Malaki lang ang tiyan ko pero di naman ako baldado.." ngingiti ngitin namang sagot ni Ali sabay haplos sa kanyang tiyan.
"wifey..." basta ko na lang yinakap ang asawa ko habang siya'y nakatalikod dahilan upang mapasinghap siya.
"Second!" may pagbabantang saway sa akin ni Dessa habang pilit inaalis ang nakapulupot kong braso sa kanya. Ali give us a naughty smile.
"Ang cute niyo. sige na nga alis na ako..Makaistorbo pa ako sa loving loving niyo eh..." ani Ali saka tila kinikilig pang umalis sa kusina.
BINABASA MO ANG
Falling into Place(COMPLETED)
General FictionInstaMom's Sequel-Second's Story Madaling maging asawa pero mahirap magpakaasawa lalo na sa taong di mo naman mahal. -Second C. Chance