Chapter 4

5.9K 158 2
                                    

DESSA

Nasa reception kami ngayon ng kasal nina First at Ali. Masasabi kong mas napaghandaan yung sa amin ni Second.

Kung tutuusin rush kasi itong kina First dahil na rin sa ayaw daw niyang malaki ang tiyan ni Ali habang nagmamartsa papunta sa altar.

Mamamatay naman daw siya sa kakahintay pag manganganak pa si Ali bago sila ikasal.

"First di naman ako nagmamadali ah. Basta ba ikaw at ikaw pa rin ang mapapangasawa ko.." naalala ko pang sabi ni Ali kay First.

Niyakap naman siya ni First saka isnubsob ang mukha sa leeg nito.

"No I want us to be labeled as husband and wife as soon as now. Sa mata ng mga tao, ng batas at ng Diyos. I want us to legally do it in bed." nahampas naman siya sunod sunod sa braso ng dahil sa nasabi.

I can't help but laugh upon remembering how adorable they are as a couple.

Kahit mas engrande pa yung amin, mas gugustuhin ko pa din itong kina Ali kahit simple lang.

Naniniwala kasi akong wala sa kung gaano kaengrande ang halaga ng kasalan, ang mahalaga doon ay ang dalawang taong nagmamahalan.

Yun ang meron sa simpleng kasalang ito. Yun ang meron kina First at Ali. Pagmamahalan.

Yun naman ang wala sa magarbo naming kasal ni Second. Pagmamahalan. Ako lang naman kasi ang nagmamahal.

I mean, mahal ko siya kaya ko siya pinakasalan. Eh siya, mahal niya siya kaya niya ito pinakawalan.

Sinalo niya lang ako dahil sa responsibilidad.
Yun lang. Tapos!

Napatigil ako sa pag-iisip ng bigla na lamang tumili si Ali. Nakita ko na lamang na binuhat siya ni First na halata mong nag-eenjoy sa pamumula ng hiyang hiyang asawa.

"* Guys. Enjoy lang kayo sa pagkain dyan. Itatakas ko lang si misis baka sakaling umabot at maging kambal ang anak namin.*chuckle*" anunsyo nito kaya lalong ibinaon ni Ali ang mukha sa dibdib niya. Nagtawanan naman ang mga tao.

Kung ako man ay mahihiya talaga sa pinagsasabi ni First pero kikiligin syempre. Mas gusto ko nga yung sitwasyon ngayon ni Ali dahil warm ang kasal. Kami kasi mas malamig pa sa yelo.

Di na lang namin namalayan na talagang tinangay na ni First ang asawa. Balita ko kay Tita ay
sa isang private resort ng mga Chance sila maghahoney moon. Isang linggo din yata yun.

Ang honeymoon namin noon ni Second. Titigan.
Tama kayo. Mag-iisang taon na kaming kasal pero wala pang nangyayari sa amin. Period.

Mapait akong napangiti. Asawa nga lang ako sa papel. Nagulat na lamang ako hg biglang may umakbay sa akin. Si Second.

Natuliro tuloy ako. Di naman kasi ako sanay ng ganito. Kunti na nga lang iisipin ko na nandidiri siya sa akin dahil tila di niya maatim na hawakan ako ng matagal. Kaya ganun na lamang ang pagtataka at gulat ko sa pag-akbay niya sa akin.

Lalong nanlaki ang mata ko ng yakapin niya ako saka isiniksik ang mukha sa batok ko. Nakakakiliti ang dulot ng haplos ng hininga niya sa aking batok.

"Dessa.." he whispered huskily. Lasing yata siya dahil sa naaamoy ko na ang alak mula sa hininga niya.

"Sabayan natin ang honeymoon nila." aniya saka walang sabi sabing hinila ako palayo sa reception area.

Goodness!

Falling into Place(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon